Chapter 2

2 1 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw tumatama sa aking mukha, daglian kong iminulat ang aking mata ng maalala ang nangyari kagabi

Pumunta kami sa club, nag-inom at sumayaw, may humila sakin...

Pilit kong inaalala ang sumunod na nangyari ngunit sumasakit lamang ang ulo ko

"Marnel, male-late ka na anak" napatayo ako at daglian rin na napaupo dahil sa pagkirot ng aking ulo, dala yata ng alak na ininom ko kagabi

Kahit hirap dahil sa sakit ng ulo ay kinuha ko ang aking gagamitin sa pagligo at pumasok na sa banyo, upang makapaghanda

"Ms, Guillermo stand up!" nagulat ako napatayo, nasa school n

"Sir yes sir!" rinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko

Ay tinamaan ng lintek, nakatulog yata ako dahil sa sakit ng ulo
Napatingin ako sa guro namin ngayon,kung tinamaan ka nga naman Ng kamalasan bat si sir Jeremiah pa

"Nasa paaralan ka at wala sa bahay ninyo, anong karapatan mong matulog sa klase ko"nakaarko ang kilay nito at masama ang tingin saakin

"Sorry sir, masakit po kasi ang ulo ko"pagdadahilan ko

"Mas inuuna pa kasi ang pagkaclubbing kesa sa sarili at pag-aaral" napatingin ako sa kanya ng mapagtanto ang sinabi nya

Bakit alam nyang nagclubbing ako???

Bumalik sa ala-ala ko ang sumunod na nangyari kagabi

"Hindi ka ibabagsak ng guro mo kung nakikinig o naiiintindihan mo ang itinuturo sainyo"

"Mali ka, talagang suplado lang yun tatanda yung binata, ipupusta ko lahat ng ari-arian namin"

Dumagundong ang dibdib ko ng maalala lahat ng sinabi at ginawa ko kagabi

Si sir yung nagligtas sakin

Siya rin yung nasabihan ko ng mga rants ko kagabi para sakanya

"Sit down, Ms, Guillermo" umupo ako na blanko parin ang utak

Pano ko sasabihing hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko kagabi at dala lang yun ng kalasingan ko

"Be ready for your exam next week, class dismiss" bumalik lamang ako sa aking ulirat ng marinig ang magic words

Kung dati papaunahin ko ang nga kaklase ko bago ako lumabas, ngayon iibahin ko muna ako muna ang mauuna

Daglian kong iniligpit ang aking mga gamit na nakakalat sa lamesa
Lalabas na sana ako ng marinig kong tinawag ang pangalan ko

Tinamaan nga naman ng kamalasan.

"Ms, Guillermo please follow me" napabuga ako ng hangin at kabadong sumunod sa aking guro

Pagkarating sa harapan ng kanilang faculty ay nagdadalawang-isip pa ko kung papasok ba ako o tatakbo nalang

"Gusto mo bang buhatin pa kita papasok rito" banta ni sir Jeremiah

"Kaya ko na po" dali-dali akong pumasok at hindi na nakita na papasara na ang pinto at maiipit ang daliri mo

"Ms, Guillermo the do-"

huli ka na sir naipit na ko

"Ang pu--" napatigil ako ng maalala kong nasa harapan ko lamang ang aking guro

"Ang puso ko ay kumakabog-kabog sa saya" pag-iiba ko ng sasabihin at dali-daling tinignan ang aking daliri

Sugat lang naman siya gagaling rin to

"Sit" utos ni sir

Para naman akong ako na sumunod, nakita kong pumasok si sir sa loob ng comfort room sa loob ng faculty

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loss of heartbeatWhere stories live. Discover now