Hers

120 0 0
                                    

Tulala lang akong nakatambay sa labas ng bahay namin,

Patingin tingin sa stars...

Konting silay kay crush...

Yupp! Kasama ko syang nag-sstar gaze..

Kami na nga eh!!

Hindi joke lang! Ako lang talaga ang nag s-star and crush gaze.. Chos!!

Kanina pa kase sya nakatambay din sa tapat ng gate nila..

Isang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin.. Pero isang milya ang layo ng mundo namin..

Sya si Joey Galvez, ang 8 years crush neighborhood ko..

8 years na silay-silay lang..

8 years nang dedma..

*Beep...beep*

Nag vibrate yung phone ko. Nag-text si Kevin,

Nagbabalak manligaw sakin...(sorry kunware maganda)

In-open ko yung message nya at tsaka pinindot ulit yung phone ko para ma-lock.

Sumilay ako ng saglit kay Joey,

Nakakalungkot isipin pero sa tinagal tagal nyang nakatayo sa gate nila ay ni-hindi nya man lang nya nagawang lingunin ako sa pwesto ko.

Negra ba ko? Para di nya makita sa dilim??

O sadyang parang hangin lang ako sakanyang paningin?

"Kanina ka pa dutdot ng dutdot dyan! Sana kamay ko na lang yang cellphone mo na lagi mong hawak"

Bulong ko sa hangin. Baka sakaling buhatin ng hangin papunta sakanya..

Hayy..

Malay ko ba?? Baka girlfriend nya yung katext nya.. TT^TT

Nagsimula ang pagtibok ng aking kapusuan noong grade 4 palang ako.. Eh sa pakiramdam ko eh sya na ang destiny ko noon pa lang.. Haha!

At ngayon...

Ay college na kami...

Sya... Graduating...

Ako... 3rd year...

May pag-asa pa naman ako diba??

Wala pa naman syang asawa eh.. Diba diba?? Haha! Geh push ko toh!

Nagkakaroon nga pala ako ng balita sakanya dahil tsini-tsismis sya sakin ng nanay nya o di naman kaya ay 'nong kapatid nya.. Bestfriend ko kase ang kapatid nya..

At ang pinaka masakit sa lahat ng nai-tsismis ng nanay nya ay ang paglilipat bahay daw nila..

TT^TT

Hindi pa nga nagsisimula yung istorya namin, tapos na agad??? Yung na nga lang ang pag-asa ko eh..

Yung kahit saan man sya mapunta, kahit umalis sya ng matagal.. Bumili ng suka..

Ay ako ang uuwian nya..

Este yung katabi ng katabi ng bahay namin.. Whaah basta...

Kaya ako nagmamaktol ngayon at nag eemote dito sa tapat ng gate namin ay dahil gusto ko na lang ding lubusan ang pagsilay sa aking "My loves"

Oo yan ang tawag ko sakanya sa loob ng bahay nila. Este ng bahay namin..

alam kase ni mama na crush ko sya at boto naman sya..

Akalain mo yun! May Number one fan na kami agad agad. Yey! Haha!

Kampante naman ako na hindi nya girlfriend yung babaeng laging pumupunta sa bahay nila dahil minsan naikwento ng nanay nya na may boyfriend daw yun at hindi ang anak nya..

Perfect Timing (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon