Faith's POV
"Tseb, anong oras gig niyo mamaya?" tanong ng bestfriend kong si Mayumi. (Tseb is kabaliktaran po ng best.;))
Nasa library kami ngayon nakatambay dahil vacant namin ng dalawang oras. Mamayang 2pm pa ang last subject namin.
"Mga 10 o'clock best. Good thing Saturday bukas. Wala tayong pasok." Sabi ko habang nakasalpak ang isang headset sa isang tainga ko. Pinapakinggan ko 'yong mga kakantahin ko mamayang gabi.
Hi! Ako nga pala si Faith Ashleen Martinez. I'm 18 years old. 2nd year college student taking up Photojournalism at Choi University. I love taking pictures eh kaya 'yon ang kinuha kong kurso. I have a band and it is called The Faith. Mga baliw kong kabanda ang nagbigay ng pangalan kasi maganda raw. Katulad ko.haha chos! Ako ang vocalist. 3 years na rin ang banda namin. Four kami sa group.
Lagi kaming may gig. Hindi kami nawawalan kasi magaling kami. Sabi nila. Hindi ako ang nagsabi, sinasabi ko lang sa inyo.hehe kulang na nga lang daw magkaroon kami ng album. May mga fans na nga rin kami eh. Bengga!
"Oo nga, kung hindi zombie mode na naman ang peg mo."
"Truelabels! Nakakahiya naman sa aking irog na si Ethan Choi." Nangingislap ang matang sabi ko.
"Ayan ka na naman sa Ethan Syndrome mo. Psh!"
"Ethan Syndrome? Ano 'yun?" nakakunot noong tanong ko. May ganon ba?
"Sakit na pagkahumaling kay Ethan. Hay naku Faith, 'wag ka ng sumunod sa yapak ni Sitti ng pagiging slow."
"Sinong Sitti?"
"Sitti na bida sa My Tag boyfriend 'dun sa wattpad. Kyaaaaa! Nakakakilig sila ni Kaizer. Try ko nga din itag 'yong crush ko sa face-aray ko!"
Binatukan ko nga. Icompare ba naman ako sa Sitti na 'yon eh hindi ko naman kilala. Wattpad? Psh! Wala akong hilig magbasa ng mga love stories. Ang hilig ko lang makinig ng music at titigan ng palihim ang aking irog na si Ethan.
"Umayos ka tseb kung ayaw mong gawin kitang wattpad."
"Aish! You're so KJ talaga yseb."
"Ewan ko sa'yo."
Hindi ko na pinansin ang best ko at nakinig nalang ulit ng music.
Classroom ...
"Miss, may naka-upo ba dito?"
Tumango lang ako. Hindi ako nag-abalang tumingin sa kung sino man 'yun. Nakafocus ako sa sinusulat kong kanta. Inspired akong magsulat ulit ng kanta ngayon. Nasilayan ko na naman kasi kanina si Ethan kahit sa malayo lang. kyaaaa! Kilig to the bones!
Ganito ako 'pag inspired, nakakapagsulat ng kanta. Bigla-bigla kasing may mga pumapasok na salita sa utak ko. At mamaya pagka-uwi sa bahay pupunta ako sa music room ko at gagawan ko ng tunog. May sarili akong music room sa bahay, kompleto sa mga gamit. Regalo sa akin ng parents ko. Sa kanila ko namana ang pagkahilig sa musika. Minsan sa bahay din kami nagpapractice ng mga kabanda ko.
Napatingin ako sa gawing kaliwa ko. Kinalabit kasi ako ni Mayumi. Napakunot ako ng noo dahil may inginunguso siya.
Ano 'bang problema ng best ko? Gusto 'ata akong halikan eh. Yuck! Lesbian 'ata ang best ko? Hala lord, 'wag naman sana.
Patuloy pa rin siya sa pagnguso. Dahil ayokong magpahalik sa kanya itinuon ko nalang ulit ang pansin ko sa sinusulat ko. Mas importante ito noh. May pagkamanyakis din pala 'tong best ko. Ako pa talaga napili niyang pagmanyakan. Sooo eeewww!