Chapter 10

2.5K 154 49
                                    

Maureen

"Kung ako ang tatanungin, Tita.. Gusto ko sana yung medyo bongga" naka-ngiti kong wika kay Tita Baby habang hinihiwa ko ang mga carrots para sa lulutuin kong chicken curry.

"Para namang hindi mo kabisado 'yang si Nanay, panigurado kokontra 'yan sa plano mo" sagot naman nito habang hinihigop ang mainit na kape kahit na 11 na ng umaga.

"Ang balak ko nga sana ay ilihim ko muna sakanya. Gusto ko malaki ang magiging handaan sa birthday niya para maanyayahan lahat ng kaniyang mga kumare at mga kamag-anak natin" lintaya ko.

Natawa ito. "Ayan gusto ko 'yan. Sana lang talaga ay hindi siya makahalata"

Hininaan ko ang boses ko dahil baka biglang sumulpot si Nanay Weng. "Ang theme sana ay kulay red dahil 'yon ang paborito niyang kulay, 'di ba? Tapos bibilhan ko siya ng bistida na kulay pula. Ililista ko narin yung mga mag-sasayaw sakanya na mga kapatid niyang lalaki"

"Bongga! Bet ko 'yan!" Excited na sagot nito.

Dalawang linggo na akong nakabalik dito sa probinsya namin at ngayon ay kasalukuyan naming pinagu-usapan ang plano para sa 60th birthday ng aking Nanay Weng. Dati ko pa ito pinag-iisipan dahil gusto ko talaga na magkaroon siya ng malaking birthday at deserve na deserve niya ito. Talagang pinag-ipunan ko 'to kaya wala akong magiging problema pagdating sa budget. Nakakatuwa nga dahil mga malalapit naming kamag-anak tulad na lamang ng aking mga Tita ay nag prisinta sa pagtotoka ng mga kailangan at sila na daw mismo mag-aambag para may mai-share sa espesyal na araw ni Nanay.

Mayroon kaming lahat na 2 buwan na pahinga bago ulit sumabak sa guestings para sa promotion ng aming pelikula. Sakto naman ay sa susunod na buwan na ang birthday ni Nanay kaya swak na swak ang bakasyon ko.

Natapos ko na ang niluluto ko habang si Tita Baby naman ay umuwi muna sa tabing bahay.

"Pagbilhan po" rinig kong tawag ng isang bata sa aming tindahan kaya dali-dali akong lumabas ng bahay. Nakadikit lang itong sari-sari store namin sa may bandang terrace kaya rinig ko kung mayroong bumibili.

"Ano 'yon, be?" sagot ko.

"Ate Maureen! Tagal kitang di nakita ah!" bati nito saakin. Kilala ko ito, suki namin 'to at isa sa mga batang makukulit na hindi natutulog tuwing tanghali.

"Naging busy sa trabaho e" sagot ko naman habang nakangiti.

"May jolen paba kayo, Ate? Bili ako ng 5"

Kinuha ko naman ang isang supot ng jolens at binigyan ito ng sampu. "Libre nalang 'tong 5 para sayo. Basta promise mo matutulog kana sa tanghali"

Napakamot naman ito sa kaniyang batok. "Sige na nga" natatawang sagot nito at inabot ang kaniyang bayad.

Buti na lang hindi gaanong maalinsangan ang panahon ngayon kaya tumambay muna ako sa tindahan. Sanay naman ako mag-tinda dahil ever since ay ito na ang business namin.

Lumipas ang mag-hapon at inip na inip ako. Ilang buwan nasanay ang katawan ko na puro trabaho kaya naninibago pa ako.

Sa inip ay tinignan ko ang cellphone ko at nag-scroll sa social media. Naisipan kong tignan ang account ni Vic at di mapigilang mamula nang makita ko ang litrato naming dalawa noong wrap up party na naka-post sa kaniyang Instagram. Hindi lang ang picture namin ang nandoon dahil nandoon din ang litrato kasama ang mga crew, co-actors at iba pa.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon