hauteifei
"Matutulog ba tayo?" Tanong ni Hesha.
"Oo malamang, sleepover nga diba?" Pambabarang sagot ni Lou.
They're now fighting over sleeping or singing at Josh's karaoke set. Like? Can we all sleep, this is a sleepover and not a freaking concert. Anyways, I'm not yet sleepy kaya pumanig ako kay Hesha.
The duality.
"Hoy, condo ko 'to, and ngayon matutulog tayo." Pumagitna si Josh sa sigawan ng mga kaibigan ko. "Girls will be at my guess room, magsiksikan kayo roon, malinis naman yun kasi palagi akong nag-lilinis and kami ni Lou..." Pabitin niyang sabi. "Ay mag bro-bromance." He teased Lou. Si Lou naman ay sinapak niya si Josh.
Tumawa nalang kami at pumasok sa kwarto, mabuti maraming unan si Josh dito, hindi ko alam if condo pa ba ito or pent house. Ang gara kasi pero as expected, anak din siya ng senator, like me. Kaso ang akin lang, I don't have freedom.
"May dala akong face masks, gusto niyo?" Myles offered us.
"Pahingi ako." Sigaw ni Shane na nasa CR.
"Ako rin Heshandrye." Pang hihingi ni Flos, napikon si Hesha dahil sa pangalan niya kaya binato niya si Flos.
"Tangina mo Karmeli." She said. "Ikaw Jal? Kari? Ayaw niyo?" She asked us.
"May dala na kami eh." Sabi ko. Agad naman siyang lumapit sa amin at hinablot ang bag namin.
"Para kang magnanakaw Shane." Sabi ni Jal at binato niya ito ng bag.
"Huy, ang ganda nito oh!" Amaze na amaze siya sa mga dinalang face mask ni Jhelaine. "Saan mo nabili ang mga 'to?" Tanong niya at hinagis ang mga packs.
" 'Wag mo itapon gaga, galing 'to sa Millers no." Sagot naman ni Jal habang pinupulot ang mga tinapon ni Shane, tinulungan ko na rin siyang pulutin ang mga ito.
Sina Flos at Hesha ay tumatawa habang nakatutok sa kanilang mukha, nilalagyan nila ito ng face mask eh. Si Shane naman abalang basahin ang mga kung ano sa Face Mask na kinuha niya galing kay Jal. Abala ring inilagay ni Jal sa akin yung Face mask na dala ko.
"Labas lang ako ha." Pagpapaalam ko sa kanila.
Pumunta ako sa kusina at humanap ng maiinom. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil maliwanag naman dahil sa glass window ni Josh. May nakita akong Fresh milk, Chuckie, Cali, at ibang hard drinks. Dami talagang pera nitong si Josh, hindi nauubusan ng laman ang frdige. I used my phone's brightness as mini flashlight. Kumuha ako ng chuckie at slice ng cake, parang bahay ko lang 'no? When I turned back off the fridge, nasilaw ako sa ilaw.
"Ahh!" Parang baklang sigaw ni Josh. "Sukinang-ina may multo!" Turo niya sa'kin.
Agad ko naman siyang tinulak dahilan para maupo siya sa sahig. Para talaga siyang nakakita ng multo, nanginginig sa takot.
"Hoy! Ano kaba?" Agad naman kaming napatingin kay Ate Jal.
"Shutang-ina akala ko kasi multo, malay ko ba si Mujares 'yan." Pagsu-sumbong niya na parang bata kay Jal.
"Saan kayo nang-galing?" Tanong ko. Hindi ko naman maalala na lumabas si Ate Jal kasi nauna akong lumabas.
"Sa veranda." Sabay nilang sagot.
"Sa kabilang veranda ako." Pagtatama ni Josh.
"Huh? Isa lang veranda niyo ah?" I confusedly asked, they're both suspicious huh.
"Pa-inom nga ako tubig." Sabi ni Ate Jal at inagaw sa akin ang basong hawak ko.
She seems nervous‚ hinayaan ko nalang sila at bumalik na ulit sa loob ng kwarto kung nasaan andun ang mga kaibigang babae ko.
YOU ARE READING
Bubbly Hearts
General FictionShe's lovely, bubbly, smart, and caring. But why does she sound delusional? "I wish I didn't forced my brain to study very hard, he was numb. An idiot." Said Akkari. She's a mirrorball who's shining even when she's broken, she's trying, and she's th...