(Alexa's POV)
No one ever notice kung gaano kasakit sa mata ang paligid na nakikita ko ngayon. Nagkalat lang naman kasi ang mga linta sa paligid na akala mo mamatay kung hindi nakadikit sa isa. Wala man lang silang konsiderasyon sa mga single na nakakakita sa kanila. Mga PDA!
Nagkalat pa iyong mga pulang puso sa buong parke at ang mga pulang banners na may nakasulat na "Happy Valentines day!" Ang cringe! Kung araw ng mga puso ngayon bakit andaming nagkalat na mga magkasintahan na akala mo mga mamatay kong hihiwalay sila sa isa't isa. 'Di ba dapat mga cardiologist ang narito? Sila dapat ang nag cecelebrate! Saka may nakasabit pa na kupido na pinapana ang isang puso. Jusko naman, kung alam niyo lang kung sinong papana sa inyo baka umiyak pa kayo.
"Mga gunggong hindi si kupido ang papana saiyo," wala sa sariling sambit ko.
Laking gulat ko ng biglang may nakakaasar na boses ang nagsalita sa tabi ko, "Alexa, hindi na naman maiguhit ang mukha mo. Kung makatingin ka sa dalawang magkasintahan na iyan, parang any time ilalabas mo na iyang pana mo at papanain mo na iyong dalawa, ah. . . Oh, bawal mo nga pala iyon gawin. Kawawang Alexa. Naiinggit ka na ata sa iba? Wala ka kasing lovelife. Saka hindi ba sapat iyong napana mo kanina? At gusto mo pang panain iyong dalawang iyon?"
Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na siya sa tabi ko. Sa sobrang inis ko siguro sa mga mag kasintahan dito sa parke, hindi ko na namalayan na may isa pang nakakainis na tumabi saakin. Nasa isang rooftop kami ng building ng Garden of Avilla, at pinagmamasdan ang mga linta.
Bakit nagkalat ang mga gungong ngayon? At ang isa pa ay umupo sa tabi ko. Nakakainis!
I shifted my gaze towards him and looked at him with irritation. "How annoying, Mr. Kupido. Hindi ko alam na namamana ka na pala ng puso. At ngayon ko lang din nalaman na may pakpak ka pala. Ilabas mo na iyong little white wings mo," pangkukutya ko sakanya. Diniretso ko pa ang dalawa kong kamay at umaktong pakpak.
Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng isang sarkastikong ngiti dahil sa pagkunot nito ng noo. How amusing, Mr. Kupido is pissed. Ganito pala ang hitsura ni Kupido pag naiinis.
"Mr. Kupido?" tanong nito.
Pangiti ngiti pa akong tumango-tango sakanya, para mas lalo pa siyang asarin. Ngunit agad nawala ang ngiti ko ng may malakas na paglapat ng kamay sa likuran ko.
Ansakit potek!
Sa sobrang lakas ng pagampas niya saakin parang matatanggal baga ko. Sobrang lakas ng impact na kamuntikan pa akong mauntog sa railings. "Potek ka! Kung makahampas ka riyan, pag natanggal 'tong baga ko dudukutin ko iyang baga mo para naman quitz na tayong gunggong ka!" pagdaing ko.
Ansakit naman kasi talaga. Alam mo iyong hindi mo alam kung anong uunahin, iyong gulat dahil 'di ko inieexpect iyong paghampas o iyong sakit dahil ang lakas non.
"At least pinagdiriwang nila kung gaano ako kagaling pumana ng mga puso nila. Eh, saiyo? May nagdiriwang ba kung gaano ka kagaling?" nakasmirk nitong wika. At pinag lalaruan ang mala dugong kulay na string sa kamay nito.
Now, I'm pissed. Hindi ko o namin kailangan na may ipagdiwang ang trabaho namin. Hindi kailaman man dapat ipagdiriwang iyon. Dahil hindi naman namin gustong gawin iyon. Talagang kailangan lang talagang gawin. No choice.
Nagsalita siya muli ng hindi ako umimik. "Natahimik ka ata? Mind sharing your thoughts... Mrs. BlackArrower?"
Nakakainis! Ayoko sa lahat iyong pinipikon ako, lalo na't kung sa isang ito. "My thoughts is not your business, Harry, or should I say Mr. Redeaser." nakasmirk kong sagot sa kanya.
Hindi ka magiging kailanman na tagapana, Harry. It's not your job, it's my job.
****
Note:
Picture is from: https://unsplash.com/photos/2ejojNr
YOU ARE READING
War Between Our Hearts
RomanceWhen we thought that our hearts were encased in a solid block of ice that no one could shatter, love is the one thing that will remind and surprise us about how powerful it is to shatter that ice. Would you be willing to put up a battle for it? If i...