CHAPTER 2

3 1 0
                                    

Pagdating nila tita sinabi ko agad yung nangyari sa lakad namin ni Ella. Sabi naman niya na okay lang. Siya nalang ang pupunta at kakausap sa bagong lipat.

Kaya andito ako ngayon, nakatayo sa labas ng gate at nag aantay sa mga maduduming damit. Kanina pa ako nakatayo dito at nag aantay. Ilang kilo kaya yung papalabhan nila at sobrang tagal naman. Nababagot na akong mag antay.

Aalis na sana ako pero biglang lumabas yung babaeng may ari.

"Iho pasensya ka na at kanina ka pa nag aantay," paghingi niya ng paumanhin.
"Okay lang po ma'am. Asan na po yung mga maduduming damit?" tanong ko.
"Yun na nga. Hindi ko pa nahahanda. Okay lang ba kung pumasok ka muna at sa loob nalang mag antay?" sabi ng may ari.

Sasabihin ko sanang okay na ako dito sa labas pero binuksan na niya ang gate. Wala akong nagawa kundi pumasok.

Pagpasok ko sinundan ko lang ang may ari hanggang sa makarating sa loob ng bahay.

Namangha ako sa lawak ng bahay. Malaking tignan sa labas pero mas malaki sa loob. Ganito din naman bahay namin sa probinsya ang pinagkaiba lang bago to samantalang luma na yung sa amin.

Naiwan ako sa sala habang nakatingin sa mga palamuti. Wala akong ginawa kundi ang maupo sa sofa. Sayang naman yung pagpasok ko sa malaking bahay na to kung di ako uupo.

Habang nag aantay ako biglang may lalaking bumaba sa hagdan. Siya ata yung anak ng may ari na nakita namin sa bintana noong nakaraang araw.

Napalingon siya sa akin. Binigyan ko siya ng simpleng ngiti bilang pagbati. Tumango lang siya at patuloy siyang naglakad.

Ang init dito sa pilipinas pero ang lamig ng pakikitungo. Pero in fairness hindi nagkamali si Ella, pogi nga siya. Hindi ko nalang inintindi yung lalaki.

Maya maya pa dumating na yung may ari. Binigay niya sakin yung maduduming damit tsaka ako nagpa alam. Inaya niya pa akong mag meryenda bago umuwi pero ilang oras na akong wala sa bahay. Baka nag aantay na sila tita.

Pag uwi ko sinalubong agad ako ng tanong ni Ella. Sinagot ko ang mga tanong niya at kinuwento ko din na nakapasok ako sa bahay nung bagong lipat.

"Pano yung lalaki? Nakita mo ba?" tanong niya pa habang nilalagay namin sa palanggana ang mga damit para malabhan.

"Oo," sagot ko.
"Pogi diba?"
"Oo,"
"Sabi ko na nga ba!" nabigla ako sa sigaw niya. Mga babae talaga basta pogi ang usapan sobrang active.

"Pogi nga siya pero malamig naman," sabi ko sa kanya at iniwan siyang kinikilig pa din. May isinigaw pa siya pero hindi ko na narinig. Nakakaumay bunganga ni Ella.

Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw ako kakasagot sa tanong ni Ella.

Napag alaman ko noong nakaraang araw kay aling Marites na pamilya Suarez pala yung bagong lipat. Napag alaman ko din na isa ang pamilya nila na mayayaman sa bansang pilipinas. Talagang mayaman sila akalain mong pang mayaman din yung apilyedo nila. Pero kahit ganun karangya buhay nila parang hindi ko nakikita sa pamilyang yun ang saya. Hindi ko nakikita yung sa kanila yung nakikita ko sa pamilya ko.

'O baka ganun lang talaga sila.'

Bigla kong sinampal ang sarili dahil sa mga naiisip ko. Bakit ko ba kasi iniisip ang pamilya nila?

'Feeling concerned ka Andrei?' saway ko sa sarili.

"Dre!"

Para akong binuhusan ng tubig dahil sa sigaw ni Ella. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin habang siya pa tawa tawa lang.

"Sign na yan para tigilan mo na ang pagka kape," sabi pa niya at mas nilakasan pa ang pag tawa.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Itong babaeng to ginagalit ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COLORLESS Where stories live. Discover now