Chapter 11

2.3K 130 43
                                    

Maureen

"Huwag kana sumama" konting-konti nalang ay pagsu-sungitan ko na 'to.

"I insist. Please?" Pag mamaka-awa nito with slight pout pa.

"Huwag na nga kasi. Baka dumugin kapa 'don. Oh tapos masaktan kapa" concerned na sagot ko.

"I'll wear a cap and surgical mask naman. I have one in my car in case of things like this"

"Baka naman bawalan ka sa palengke kasi akalain na may nakaka-hawa kang sakit"

"Edi handkerchief nalang"

Tinitigan ko ito ng matagal at humalukipkip. "Ugh fine"

Ngumiti ito ng malapad at kinuha ang sumbrero niya sa sasakyan niya.

Alas-sais palang ng umaga at sinabihan ko ito na mamamalengke ako sa bayan para sa uulamin namin sa mga darating na araw. At ayon na, pinilit ako nito na gusto raw niyang sumama kaso tumatanggi ako dahil nag-aalala ako para sakanya.

Kilala siyang artista sa buong bansa at panigurado akong kilalang-kilala siya ng mga tao rito saamin dahil narin sa kasama ko ito sa aming pelikula.

"I'm ready" ngiti nito saakin nang nilapitan ako.

"Tara na. Marunong kaba umangkas?"

"Saan?"

"Sa motor. Sasakay ka saakin"

"Sasakyan kita?"

"sa motor" at siningkit ko ang mga mata ko dahilan para matawa siya.

"Oo marunong naman ako"

Sunod akong sumakay sa motor at hinintay siyang umangkas. Naka-suot kami ng helmet kaya safe kami.

"Kailan kapa natuto mag-motor?" tanong nito nang makasakay na siya.

"Hawak ka" sabi ko, "Noong first year highschool ako"

Nagulat nalang ako nang yumakap ito saakin. Pakiramdam ko tuloy sa ulap ako nakasakay. Charot.

"Ano pa ang kaya mong i-maneho?" tanong nito habang lalong dumikit saakin dahil hindi ko ito gaanong marinig.

"Sa totoo lang, kahit anong sasakyan.. maliban sa mga truck. Manual at Automatic na sasakyan. Motor"

"Ang dami naman. Buti marunong ka?" tanong nito ulit.

"Ako lang halos ang kaagapay ni Nanay sa buhay. So simula't sapul pakiramdam ko ay kailangan kong matutunan ang mga bagay-bagay lalo na kailangan ko mamalengke lagi at mamili ng stock sa tindahan. Mas tipid at less hassle kung nanghihiram nalang ako ng sasakyan"

Hindi ko na ito narinig pang nag-tanong at nag-focus nalang ako sa pag mamaneho.

Nang makarating nakami sa palengke ay halos 'di mag-kamayaw ang mga tao. Ang aga-aga pa pero halos siksikan na sa loob.

Hinawakan ko ang kamay nito bago kami pumasok sa pinaka-palengke dahil baka mahiwalay siya saakin. Napatingin ako sakanya at kita kong namumula ang kaniyang mga tenga.

Silver Screen (GxG) [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon