4

3.2K 141 14
                                    

Azrael

" Just like what I told you last meeting, you'll have your summative test now. I don't tolerate cheating in my class so kindly put away all your belongings and just leave your pen. " Malamig na pinasadahan nito ng tingin ang buong klase kaya walang nagawa ang mga kaklase ko kundi ang sumunod.

Napabuntong hininga nalang ako at saka itinabi ang ilang pointers na ginawa ko kagabi. Isang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula syang magturo dito sa university. Sa loob ng isang linggong iyon ay halos sya ang bukang-bibig ng mga estudyante at kapwa nya guro.

" Get one and pass. "

Nagsimula nang na kaming magsagot pagkadating sa amin ng test papers.

Katahimikan ang bumabalot sa silid na tanging tunog ng kanyang takong ang nagbibigay ingay at ang ingay na nagmumula sa aircon.

Dahan-dahan itong naglalakad at sinusuri ang mga ginagawa ng aking kaklase. Palakas nang palakas ang tunog ng kanyang takong hudyat na malapit na ito sa pwesto ko. Nasa panghuling upuan kase ako dahil sa aking mata. Farsighted kung ba gah.

Wala sa sariling napangiti ako nang makitang pamilyar lahat ng tanong at iilan lang ang medyo nahirapan ako.

" Stop smiling you look like a creep. "

Tila dinagsa ng kung ilang daga ang aking dibdib dahil sa kaba nang maamoy ko ang mamahalin nitong pabango. It's sweet but not that too sweet. Hindi nakakahilo ang amoy.

Nag-angat ako ng tingin dito. Kagaya dati ay ang malalamig nitong mata ang sumalubong sa akin at ang walang emosyon nitong mukha. Nakatayo kase ito sa gilid ng kinauupuan ko at ang isang kamay ay nakatukod sa sandalan.

Hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na ito kaya sinundan ko nalang ito ng tingin.

Maging ang iba kong kaklase ay napasunod din dito.

Para syang modelong ginagawang runway ang kanyang dinadaanan. How her hips sway side by side. Mas lalo pang nakadagdag sa kasexy-han nito ang kanyang suot na humahakab sa kanyang katawan.

" Eyes on your papers! " Madiing bigkas nito bago muling pinasadahan ng tingin ang mga estudyanteng nakamasid sa kanya at agad namang nagsitungo ng mga ulo ang mga ito para ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.

" If you're done bring your paper here and you can take your leave. " pagkuwan ay naupo na ito sa kanyang upoan at kung may anong itinitipa sa kanyang laptop.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako para ipasa ang aking papel.

Hindi nya pa ako napansin kase busy ito sa kanyang ginagawa.

" Just leave it. " She said tapping the one side of her table with her point finger.

" Y-yes Ma'am. " Napapikit ako ng mariin ng bahagya pa akong mabulol at napakagat labi.

" Stop it! " Mahina ngunit madiing bigkas nito na syang nagpamulat sa akin.

Madilim ang mga matang nakatingin ito sa aking mukha partikular sa aking labi kaya lalo ko pa itong nakagat ng medyo madiin dahil sa hatid ng tingin nito na nakakapanghina.

" !f*ck it! " Napasapo ito sa kanyang noo at marahas na tumayo sa kanyang upuan. " Everyone finish your paper.  And don't cheat! I'll be right back. Understood?! "

" Yes ma'am! " Sabay- sabay na bigkas nila.

Hawak ang isa kong kamay ay hinila nya ako papalabas ng room papunta sa hindi ko malaman na lugar.

Hindi ako makapalag dahil sa pagbigla.

Malakas na pagsarado ng pinto ang nagpabalik sa aking ulirat at saka lang rumihestro sa akin ang mga nangyare.

" I told you to stop biting your lips but you didn't listen instead what... You bit it even harder! "  naglakad ito pabalik balik sa loob ng kanyang opisina...

Yes po... Opo. May sarili po syang opisina dahil anak lang naman sya ng isa sa mga shareholders.

Naisama din kase ako dito ni Troy nung una araw nito sa pagtuturo.

Madilim pa din ang mukha nito at malalim ang paghinga tila pinapakalma ang kanyang sarili.

" I- I'm sorry, Miss. " I said while fidgeting my fingers because of nervousness and unconsciously bite my lower lips again.

" Fuck! "

Nanlalaki ang mga mata at halos malagutan ako ng hininga ng lumapat sa aking labi ang isang malambot na bagay.

Shit! She's kissing me!

Nakalapat lang ang labi nito at hindi gumagalaw.

Ilang segundo pa ang lumipas at ito narin ang kusang humiwalay.

Madilim pa din ang mukha nito pero may kung anong emosyong umusbong sa malalamig nitong mata.

" Out! "

Napakurap pa ako ng ilang beses. "M-Ma'am Loraine? "

"I said out! Get the fucking out now! "

Hindi nya ako hinintay makalabas ng kusa kase itinulak nya ako papalabas, literal. At nakakabinging pagsara ng pinto ang umalingaw-ngaw sa buong hallway.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang katao- tao sa labas. Ngunit mabilis pa din ang tibok ng puso ko. Am I going to die?

At isa pa.... Palamura ang ate nyo.






Obsessed With My Brother's Best friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon