Prologue

1 0 0
                                    

Aiah's Pov

Ang aga-aga, pero wala akong choice. I have to wake up kasi kailangan naming pumunta ng Pilipinas ng family ko. Doon na nila ako ipapa-aral because of their 1 year business, at hindi nila akong gustong iwan lang dito sa U.S

Kagabi pa ako nakapag-impake, naligo na ako at nag-ayos at padabog paring bumaba sa hagdan hatak-hatak ang dalawa kong maleta. Siyempre ang dami kong damit na dadalhin kasi one year yon no! 'Di naman ako aasa sa pera lang.

Aaminin kong ayaw ko pang bumalik sa Pilipinas kaya niinis ako. Ayaw ko pang iwan ang U.S because I have a lot of friends. But my parents' work are much important. Kahit si Kuya Kavin nga walang choice kung hindi mag-aral 'rin doon. Since nag UP si kuya, nag UP na din ako, kuya's girl ako eh!!!

1st year college and Civil Engineering ang course na kinuha ko. Actually halos mapilitan akong mag business kaysa mag engineer dahil nga family of business women and men, maski si kuya bussines ang kinuha. Ako ang umayaw, 'di ko talaga type ang business kaya pinatuloy ko ang engineering, wala type ko lang sa bahay. Math math, gano'n.

Malamig dito sa Amerika, 7 A.M pa lang, malamang. Naka black turtle-neck na longsleeves lang ako at black jeans tapos naka black 'rin na boots. Mukha akong may pupuntahang patay, kaya nag coat na rin ako na grey.

"One Year lang naman Aiah" sabi ni Dad nung nakita niya akong dumadabog pagbaba sa hagdan. "I know" I smiled at him. Hindi kami ganoon ka close ng parents ko kasi palagi silang busy sa work. Palagi kapag kailangan ng parents sa school hindi sila nakakapunta, ang dinadahilan WORK. Eh, si Kuya Grae nga pumupunta kahit may work. Palagi na lang kapag kailangan ng parents sa school si kuya Grae at ang asawa niyang si ate Monica ang sumisipot kasi busy daw sila Mommy at Daddy.

Noon, family-oriented naman ako, pero, when I started becoming a teenager, nawala ang nakasanayan kong pagmamahal ng parents ko saakin, kaya pakiramdam ko wala akong mga magulang. 'Di kona iniinda, pinapaaral at pinapakain parin naman kasi ako, somehow I know, may love parin doon.

Si kuya Kavin ang palaging nandiyaan  para sa'kin, that's why I became Kuya's girl. Medyo busy din si kuya Grae kasi may work siya at may asawa, but somehow parehas sila ng asawa niyang si ate Monica na tinutuunan ako ng pansin. Akalain mo bine-baby parin ako ng mga kuya ko kahit 18 na ako. Pa'no ba yan, mayabang na 'ko nito. Charizz!!

Ako ang nag-iisang babae sa amin. Unicahija kumbaga. Wala ako pakialam roon, but that title is all over the world, na ako daw ang magmamana ng Company namin dahil daw only daughter ako. But they don't know, I'm gonna refuse. Matagal namang nakalaan yan kay kuya Kavin. Yung international company namin, pinagkatiwala kay kuya Grae, and company naman sa Philippines kay kuya Kavin, everything was a mess when me happened. Hindi nila alam kung ano ang ipapamanang kumpanya saakin. But I did not hesitate to refuse. Ayaw ko ng business, kahit ano basta wag business!!!!!!!!!

"Hotcake and milk please" sagot ko ng tanungin ako ng flight attendant kung anong pagkain ang gusto ko. I tried to watch netflix na lang yung Encanto, wala nahulog lang kay Isabella, char. 

"You've watched that a thousand times, love" sabi ni kuya. "I love it though" sagot ko naman. "You look like a baby," bakit 'di na ba niya ako baby? "baby mo naman ako kuya, ah!" "Yeah, but you get older so fast" he said, and it almost made me cry. Sa simpleng ganoon, naiiyak ako. Being old, can stop me doing lambing to my kuya, kasi girl ako at boy siya. Pero hindi ako nag stop mag lambing, because he's my kuya! Pagdating kay kuya, nagiging bata ako.

Universe On Earth: Unforgettable AtmosphereWhere stories live. Discover now