Naalala ko bigla ang unang pagkikita
Ang iyong mga mata ang una kong napuna
Ito ay nagniningning na para bang bituin
At ang 'yong mga ngiti na abot hanggang langit
'Di napansin dahil sa iba pa nakatingin
Ngunit sa kinalaunan, sayo'y napatingin
Dahil 'to sa pinakitang kabutihan sa'kin
Laging kausap, mapaaraw o mapagabi
Hindi namalayan na ako'y napapangiti
Simula nun, ikaw na ang laging hinahanap
Ako ay todo tanggi sa mga nagtatanong
Hindi ko mawari kung ito ba ay totoo
'Di maamin sa sarili na ikaw ang gusto
Nang napagtanto na ikaw ang nais ng puso
Hindi masabi at ito ay aking tinago
Akala ganun talaga ang pakikitungo
Hanggang dumating ang 'di inaasahang araw
Ika'y nagtapat sa'kin ng nararamdaman
Puso pala nati'y magkaparehas ng laman