CHAPTER 2
Pagdating sa clasroom halos silang lahat nakatingin sakin..
Bakit ba kasi?
Ay oo nga pala nakalimutan ko..
Alam na ng buong school na may crush ako kay Nathan Andrew Soo na kakagraduate lng noong March.
Bakit ba nila alam?
A/N: Nagtakakapa?
OO nga nagtataka ako..
Ano ba author panira ka!..
Well kasi isa lang naman akong tanga dahil nagkapalit ang sulat na ibibigay ko sana sa kanya after sa graduation sa sulat na babasahin ng salutatorian ng batch nila..mantakin mo pati ang salutatorian nila bobo?..basahin ba daw yon..eh alam naman nyang love letter iyon!!!
Binasa pa talaga!!
Flashback
Nandito sa gym ang kanilang batch dahil nagprapractice sila para sa graduation rites nila.
Kaso nalinutan ng aking friend na si Cathy ang ginawa nyang speech, kaya nagtext siya sa akin na kunin ko sa kanyang locker ang sulat.
"Cathy, Eto na yong pinapakuha mong letter para babasahin mo mamaya.."
"Thanks Zorj, maasahan ka talaga!"
"No Problem Cath!.."
Hanga talaga ako kay Cathy kasi kahit na mahirap lang sila, nagsisikap siyang makatapos ng pag-aaral. At bukod dyan makakapasok sya ng College dahil sa Scholarship grant.
Ako hindi naman mahirap, di rin mayaman..sakto lang na nakakapag-aral kaming tatlong magkakapatid. Gitna ako, tapos lalaki na ang mga kapatid ko.
Si Kuya Zion Alchemy, 3rd year college na sa kursong Education..Gusto kasi nyang maging teacher para daw matuturuan nya yong mga estudyanteng matitigas ng ulo..
Si Zayred Aaron na bunso namin ay first year high school na rin pero nasa ibang skol sya nag-aaral, ayaw nya kasing bantayan ko daw yong mga kilos nya..
At pumunta na si cathy sa entablado dala ang envelope na naglalaman ng kanyang thank you speech na babasahin nya pagdating ng graduation day.
Cathy: "To my dear alma mater, teachers, friends, guests and classmates
I would like you to know that there is one thing in my heart that I would like to share. He is the person I have been meaning to be my inspiration. I have been attracted to him for the longest time already. Three years has it takes for me to tell him that I love him. He makes my day complete. He inspires me with his enthusiastic way of life. I want him to notice me but I know he is distracted. I am willing to wait no matter how it takes. For me, he is my most precious jewel, my hero, my Romeo. I hope that he would consider my intent.
Sincerely yours, Zorjina Austin Madalng-awa"
What!!
Ano yon?
Teka yon yong love letter na ginawa ko para kay Andrew., bakit nabasa niya yon?
Shit memeng bakit yon ang kanyang binasa?
Waaaaaaaaaa
Oh Lupa Lamunin mo ako!!!
End of Flashback
Kaya hayan tuloy alam na ng madla ang pagkahumaling ko kay Andrew..oo yan ang gusto kong itawag sa kanya..I prefer calling him on his second name..Para maiba..
Kaya nga medyo nakakahiya, masyado daw akong makapal..pero whatever hindi sila ang nagpapakain sa akin..