"ano ba naman yan chi! bakit ka ba palaging tulala dyan? kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig!" yan nanaman ang bunganga ng aking bestfriend, ang aga-aga bunga-bunga agad niya ang sumalubong sa akin. Ako po pala si Steph Chen at oo tama siya hindi ko siya pinapakinggan dahil inaalala ko ang boyfriend kong pumunta sa Canada at ni hindi man lang nag paramdam. Kung nagtataka po kayo kung bakit Chi ang tawag ng bestfriend ko sa akin ay ganun po ang tawagan namin. "hoy! chi! hello?" sabi naman niya, "o bakit?" sagot ko "inaalala mo na naman siya noh? hay nako chi! kalimutan mo na siya!" sabi niya. Naiiyak na talaga ako tuwing naalala ko siya pero hindi ko magawang hindi alalahanin siya minsan nga napa-isip ako inaalala niya kaya ako?? "sabi ko, pupunta tayo sa shop mo ngayon. Kaya magbihis ka na, palagi ka na lang nagmumukmok dito sa kwarto mo eh." aniya niya. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at nag lagay ng light make up pagkatapos bumaba na ako at doon ko nakita si bestfriend na nakikipaglaro sa kapatid ko na triplets.. "chi.. tara na"sabi ko sa kanya, "oh triplets aalis muna kami ng ate niyo hah?" sabi niya sabay nag wave "okay po!" sabi nila ng sabay-sabay.. sumakay na kaagad ako sa kotse ko at sumakay na rin ang bestfriend ko. Habang nagda-drive ako may kausap sa phone si chi, hindi ko na lang siya pinansin at nag focus na ako sa pag da-drive hanggang sa nakarating na din kami sa shop ko. Na-unang bumaba si chi at hindi ko alam kong saan siya pumunta. Habang naglalakad ako papunta sa pintuan ng shop ko ay may napansin akong maraming flowers na naka paligid sa shop. bubuksan ko na sana ang pintuan kaya lang biglang may nagsalita "ako na magbubukas Steph" sabi ng isang lalake na alam na alam ko ang boses, boses pa lang niya alam ko na kung sino siya, ang aking boyfriend na hindi nagparamdam.. paglingon ko sa kanya may nagbago sa kanya mas lalo siyang gumwapo at pumuti "surprise!" bungad niya sa akin binigyan ko agad siya ng isang smack kiss sa cheeks "I miss you so much! robert!" sabay hug sa kanya.
Fin
BINABASA MO ANG
Door Knob [one shot]
ChickLitnaranasan niyo na bang makulong sa nakaraan? paano kung hindi ka maka move-on? paano kung palagi mo siyang inaalala pero hindi ka naman pala niya inaalala? sakit noh?