"Alam mo bang matagal na kita hinintay...?" Napamulat ako saka nakita ang bulto ng babae sa kalayuan. Nakasuot siya ng kulay puti na hanggang tuhod lang na dress. Ang maitim niyang buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin.
Wala akong maibugang salita. Nanatili akong nakatulala sakanya. Hanggang sa nainagan kong tumutulo ang luha niya at sinabi, "Malapit na."
"James? James...?!" Naramdaman 'kong may umuuyog sa akin kaya minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Nanatili akong tulala sa kisame na para bang kino-kolekta ko pa kung nasa realidad na ba ko na nanaginip lang.
"James naman oh!" At may biglang kumurot sa pisngi ko.
"Owww!"
"Sa tingin ko tulog ka parin huh!" Hanggang sa may dumapi na labi saaking bibig. Hinalikan ako ng hinapuyak na 'to?!
Napabangon naman ako agad kaya nauntog ang ulo naming dalawa. Napaungol siya sa sakit. "Aray James ha! Heh." Ngumisi siya sakin.
Maikailang beses akong nag-blink kung sino ba 'tong babae sa harapan ko. Sandali, sino siya?
"Uhhh..."
"Ako si Hera. Hera ang pangalan ko. Kapatid ako ng kabarkada 'mong si Herald." Nakangiti niyang sinabi sakin. Ah so siya pala ang kapatid ni Herald. Hmm. Maganda siya.
Imbes na humanga pa ako sa kagandahan nito ay agad akong rumeact lalo na sa ginawa niya kanina. "Hoy ikaw'ng hinayupak na babaeng bulgar bakit ka nandito?! Paano ka nakapasok sa kwarto ko? At sino ba 'yang magaling na nagpapasok aa'yo dito huh?" Para na 'kong babae kung makadaldal sa inis. Tama lang naman ah. Paano rin siyang nakapasok sa kwarto ko sa kaaga-aga pa? Imposible namang si Herald dahil hindi si----
"Nag-text si Kuya sa'yo na magbibisita siya ngayon." Bumalik ang tingin ko sakanya. Weird or nati-timing lang? Tch. Nagkibit-balikat nalang ako saka kinuha ang phone ko na nasa gilid lamang ng lampshade. Inopen ko ang password 'nun at totoo nga, nag-text si Herald. Sabi nito...
'Bro goodmorning! bibisita nga pala ako ngayon sainyo, ok lang? I'm on my way na. Isasama ko si Hera :) hehe.' Received: 9:25 a.m
Napadiin ang tingin ko sa screen. 9:25? Ano na 'bang oras at wala na si Herald at iniwan lang ang kapatid niya dito---
"Hayyyy, ang tagal mo namang nagising, James. Tingnan mo, mag-alas onse na. Yaaawn." Umakto siya na parang napapagod sa kahihintay. Nanaman. Nati-timingan nanaman ako sa hinayupak na 'to. Pasalamat siya kapatid siya ni Herald kundi kanina ko pa siya tinulak palayo dito sa kwarto eh. Ang daldal!
Nahuli niya ata akong nakatingin sakanya kaya lumapit pa siya palapit saakin habang nakaupo siya sa kama ko. Is it just me or para 'bang pamilyar ang babaeng 'to sa akin? Hmm.
"Alam mo..." Tinaas niya ang isa niyang kilay at dinampot ang ilong ko. "Ang cute mo!" Masigla niyang sinabi na nagmumukha na tuloy siyang bata. Sht. Ang weird talaga ng babaeng 'to. Childish, annoying at malala madaldal pa! Tangna sira na araw ko.
Biglang lumungkot ang mukha niya, "Ang sakit nun ha." Bulong niya pero agad naman 'yung napalitan nang masiglang mukha.
"Alam mo din..." Lumapit pa ako sa kanya ng lalo at hinawakan sa magkadalawang braso. "Ang ingay mo! Lumabas ka na nga! Kanina pa 'kong nagpupumigil sa ka-childishan mo eh!" At hinila siya patayo. Idadrag out ko na 'to. Ang ayaw ko pa naman ay ang maiingay. Tch. Hinalikan pa ko kanina. Ano siya, basta-basta lang mang-kiss? Manyak na babae.
"Sandali!" Nagpupumigil siyang makawala.
"May dahilan ako sa pagpunta rito. Basta-basta mo lang ba 'ko idadrag out? Bisita mo ko eh!" Sumimangot siya.