Chapter Two

7 0 0
                                    

*Chapter One Preview*

"Ay palaka!" Ano ba naman yung paharang harang at nadapa tuloy ako. Umupo ako sa pagkakahiga ko sa sahig at tiningnan yung nakahara. Lumingon ako at...

WTH?! Its a... GUY

"Kyaaaaah~!!!!"


(Continuation...)


*Ace' P.O.V"


"Ace! Pinapatawag ka ng nakatataas!" Sabi sakin nung isa kong kasamahan, si Kuya Jaden.


"Ahh, sige, papunta na." Sagot ko pabalik. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin ng nakatataas? Hmm, we'll find out~

"Ahh, pinapatawag niyo daw po ako?" Sabi ko pagkapasok ko.

"Ace. Oo, pinapatawag nga kita. May gusto sana ako sayong sabihin."

"Ano po iyon?" Hmmm, baka nakarating sa kanila yung insidente nung isang araw! Paktay, nagsumbong yata si Kuya Jaden.

"Alam mo naman na marami ang nagnanais na mapataas ang ranko nila dito diba?" Woo! Akala ko yung insidente, mukhang hindi naman yata. Tumango nalang ako.

"May misyon akong ibibigay sa iyo, at kapag nagawa mo ito, ipopromote na kita sa mas mataas na ranko, yung hindi lang basta normal na anghel." Whaaat? Ayus ah!

"Ano po ba iyon?" Sabi ko.

"Nakikita mo ba ang babaeng ito?" May pinakita siya sa aking imahe ng isang babae. Waahh *Q* ang ganda naman niya. Tumango ako sa sinabi niya.

"Ang babaeng ito ay... hindi kasing ganda ng itsura niya ang ugali niya." Hah? Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Wala siyang pakielam sa mundo, arogante, hindi palakaibigan at malamig ang pakikitungo niya sa mundo. Ngayon, inaatasan kita. Baguhin mo siya para sa nakakabuti... pero ipinapaalala ko lang... hindi dapat mahulog ang iyong loob sa kanya." Nabahala ako sa huling sinabi niya.

"Ano, handa ka na ba?"

"Ha? Ngayon na po? Paano po ako mabubuhay sa lupa eh wala po akong matitirahan. Tsaka paano po yung kapangyarihan ko?"

"Magagamit mo pa rin naman ang kapangyarihan mo, pero dapat kapag nasa panganib ka lang. At ikaw na ang bahala sa iba." Nakangiti niyang sabi sa akin. Haayy. Kaya ko 'to!

"Handa na po ako!"

"Sige, pero tandaan mo, walang dapat makaalam sa tunay na ikaw." Pagkasabi niya nun ay biglang nagdilim ang paningin ko...


(to be continued...)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teach Me How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon