Ang Alamat Ng Kulay

11 0 0
                                    

Mayroon isang diyos, ginawa niya yung mga bagay upang hindi siya nag-iisa. Ginawa niya mga planeta, langit para dito siya gumawa ng mga anghel, purgatoryo, mga bitwin at araw, at buwan, kahit ano nasa isip niya. Nagpatulong sa mga anghel niya magkulay na ano ang gagawin sa pinakamagandang gawain niya. Mga anghel nagsabi sa kanya, "Aba, panginoon ko, bigyan natin ng buhay at mga ideolohiyang siyensya tulad ng mga bato at mga tubig." Ang mga ibang anghel nagsabi, "Hindi, paano yung mga pagkain para sa mga buhay, o paano mga hayop na saan sila mapanganak?" Ang diyos ay nagsasabi, "Huwag kayong mag-away. Ang gagawin niyo ay magkaintidahan kayo isa't isa." Hindi pumayag ang mga anghel at umalis lang sila. Isang anghel hindi umalis sa tabi ng diyos at may ideya siyang ginawa. Binulong niya sa diyos, "Paano kaya gawin natin ang buwan sa itabi ng magandang nilikha mo at pagsama yung mga ideya nila."

At ginawa niya ang ideya ng isang anghel, at sunod gumawa siya ng tubig at hiniwalay ito sa lupa. Pagkatapos, may ideya na gagawa siya ng mineral para may ilikha ang mga hayop. Ang mga anghel ay nagseselos sa isang anghel. Lumingon ang anghel dahil may tumawag sa kanya, sumunod ay pumunta siya sa isang lugar kung saan ang mga anghel nagtambay. "Bakit ka naman nagsabot sa diyos?" Hindi niya sinagot muna ang anghel na masmataas kaysa sa kanya sa sobrang takot. "Sagutin mo ako!", sigaw ng isang anghel sa kanya. Sinagot niya, "Dahil gusto ko tumulong sa kanya." Tumawa ang mga anghel sa kanya at nagsabi yung masmataas sa kanya, "Kung gusto mo tumulong, hala, mag-antay ka doon hanggang sa may sinabi ko sayo." Ang pinakamalala ay sumunod siya sa nagsabi sa kanya. Naghanap ang diyos na saan yung isang matalinong anghel at nakita ang mga anghel sa tingin niya. Nagtanong siya kung saan ang batang iyan at ang sagot ng pinuno ng anghel, "Aba, nagsanay lang siya sa labanan niya. Sa bagay, meron ka bang kailangan para dito."

"Meron, tatanungin ko sana kung ilalagay ang bioma para dito nakatira ang hayop sa iba't ibang lugar. Kung maari, o titira ko lang sila sa isang lugar lang dahil hindi ako sigurado.", Sumagot ang diyos sa mga anghel. "Pwede mo ilagay ang mga tahanan ng hayop sa mga iba't ibang lugar.", sinabi ng pinunong anghel sa kanya. Habang nagsabi sila, nandito yung batang anghel, naghintay. Nahanap ng isang kapwang anghel at nagtanong, "Anong yari sa iyo, bakit ka malungkot?" Ang sabi niya, "Wala, gusto ko lang tumulong sa diyos para magawa niya at makita ko ang pinakamagandang gawa nilikha niya." Nagkuwentuhan sila isa't isa sa labas at nagharutan sila isa't isa hanggang sa pumayo yung kapwa niya na sinabi, "Huwag kang maniwala sa mga anghel na nagbibigay sayo ng kasamaan. Dapat ka makipaglaban sa kanila at huwag kang sumunod sa kanila, baka ka nila pagtawanan at hiyain ka. Intindihan mo?" At pumayag ang batang anghel na may tapang at sinabi sa kanya, "Opo, naintindihan ko po." At umalis papunta ulit sa langit, pagkakita nila, Nakita nila na parang nakumpleto na ang nilikha ng diyos. Mayroon mga hayop, mga halaman at mineral, at mga ibon na lumilipad kung saan-saan. Napatingin ang diyos sa mga ingay nila dahil nagbulongan sila isa't isa kung gaano kaganda ang likha ng diyos para sa kanila.

Nagtanong ang diyos, "Kala ko nagsanay ka sa laban, wala akong nakita napawisan ka." Pati ang mga anghel napatingin sila sa kanya. Ang akala lang nila ay nagsanay siya sa laban at naglaban siya kasama yung kapwa nyang anghel. Nagsalita na may galit at tapang ang batang anghel, "Ama ko, nais ko ipaliwanag ko sayo ito po. Hindi po ako nagsanay sa labas ng langit, nagkuwentuhan lang kami. Ang sinabi niya sa akin ay parang niloloko kami dahil gusto po nila ng kapangyarihan at kayamanan, at ang gusto ko lang ay makipagtulong po kami sa inyo." Ang pinuno ng anghel ay nagtaka, "Ano ang pinagsasabi mo? Dapat nga ikaw kaganina sa labas ka, pinasakit mo ulo ko." Nagsalita naman yung isang lalaking anghel sa pinuno niya, "Alam mo ba, kaganina ka pa puro saliri mo iniisip at kaganina pa kami tumitiis." Ang diyos naman ay sinubukan niya tumigil sa laban nila pero hindi. Patuloy nalang ang laban, hanggang sa sinakpan mga anghel niya. Sinabi niya ng mahinahon, "Sinabi ko tama na, pero ayaw niyo. Bakit hindi nalang kayo tumulong. Nakakahiya naman kayo, pwede naman kayo nagtanong na pwede kayo tumulong. Hindi, kundi naghilabot ka pa sa isang batang anghel. Pwede naman kayo magbigay ng tsansa sa iba, kaya pala nainis yung anghel dito." Lahat ng anghel nanahimik sa sinasabi niya at tumigil na ang proyekto ng nilikha niya hanggang sa meron nanaman isang ideya yun mga anghel, at nagtulungan sila sa isang proyekto ng nilikha ng diyos, pati naman yung mga batang anghel. Kinulay nila ang mga lupa, isa't isa para sa mga tahanan ng hayop. Isa para sa mga nadagdag na halaman at isa sa mga nadagdag sa mga ibang bahagi ng hayop. Tumulong sila hanggang sa lumingon ang diyos sa kanila. Tumabi ang anghel sa kanya dahil meron siyang gagawin. Gumawa siya ng tao galing sa putik at buhangin.

Sinabi niya sa mga anghel, "Alam mo ba kung bakait nagpapatulong ako sa inyo? Dahil alam ko mayroon tutulong sa akin at sa mga iba. Kabilang na kayo tulungan sa akin, gawin mo ito sa iba." At ito ang katapusan kung paano nakagawa ang mundo nilikha niya kasama ang mga anghel niya. Kahit may problema yan sa pagkikipagawa, wala parin at tuloy parin ang gawa.

Alamat ng KulayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon