~Makalipas ang ilang araw,pagkatapos ng libing.~
Pinasok muli ng kanyang ina ang kwarto ni Mike. Doon lang niya napansin na may nakaipit na papel sa ilalim ng unan ng anak.Binuksan niya ito at binasa ng paunti-unti.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Nanay,Marami-rami na din ang mga sakit ng ulo na naibigay ko sa inyo. Sana'y patawarin niyo po ako.Sa pagkawala ni Ama. Alam ko po na ako ho ang may kasalanan no'n. Kung hindi ko na sana siya tinawag noon, marahil siya po'y buhay at malakas pang kasama natin ngayon. Pasensya na po talaga. Yung bisikleta ko naman pong bagong bili na nasira agad ay dahil po yun sa mga kaklase ko. Pinagbintangan po kasi nila ako na nagnakaw ng gamit niya. Hindi ko naman po talaga kinuha yon.Ni hindi ko nga ho nakita yung gamit niya. Mga walanghiya lang talaga sila!! Nay, inaamin ko po na naiinis po talaga ako sa inyo simula nong dumating sa buhay natin si May-Anne. Lagi nalang pong nasa kanya ang atensyon niyo. Ni hindi niyo na nga ho napapansin kung ayos lang pa ako o may nararamdaman ba akong sakit sa aking katawan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pinuntahan ng Ina ang puntod ng kanyang anak."Änak, hindi naman talaga ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng ama mo. Aksidente ang nangyari. May titignan lang sana daw ang ama mo ng hindi niya napansin na man unti palang butas na naging dahilan ng pagkalaglag niya. Anak naman, tungkol sa bisikleta bakit hindi mo sinabi kaagad na inaaway ka pala ng mga kaklase mo. Dapat naparusahan yung mga yon. Napagalitan pa tuloy kita agad. " sabi ng ina.
Ang tahimik ng paligid at tanging hikbi lang ng Ina ang maririnig.
"A--nak ko, hindi mo naiintindihan ang sitwasyon natin. Anak, sana i-ntindihin mo na kailangan ng m-as malaking atensyon ng kapatid mo. Kasi anak, merong sakit si May-Anne. K-ailangan niya ng kalinga kasi meron siya dinadalang sakit. Nung araw na nag-aaway tayo sumigaw siya no'n kasi sumisikip na naman ang puso niya. Inaatake na naman siya.May heart problem ang kapatid mo anak. Hindi ko sinabi sa iyo agad dahil ayaw ipasabi ng kapatid mo para hindi mo daw siya bigyan ng kakaibang atensyon.Palaging nga akong pinapagalitan niya nitong mga nakaraang araw dahil kesyo hindi raw kita inaalagaan. Pinapabayaan ko lang ang sinsabi niya kasi ang alam k-o ay okay ka lang na hindi kita masyadong pinapaki-alam. Pero anak pasensya na,hindi ko nahalata sa mga kinikilos na nakakaramdam ka na pala ng sakit dyan sa loob mo. Pasensya na talaga anak. M-ahal na m-ahal kita. Sana map-atawad mo ako." Patuloy niyang sabi habang umiiyak.
Biglang umihip ang malamig na hangin.At parang may nagsalita.
"Mahal din kita Nay, sorry."
"Miss ka na namin Nak"mahinang tugon ng ina.
"Anak, Pasensya na."
BINABASA MO ANG
Anak, pasensya na.
Short StoryIlan na bang problema ang iyong napagdaanan? Anu- ano ang iyong mga natutunan mula dito? Ngunit papaano kung muling susubukin ng kapalaran ang iyong pagiging matapang. Tatakbo ka ba papalayo o haharapin ng buong tapang ang hamon ni kapalaran? Makaya...