CEO'S ASSISTANT (3)

271 11 0
                                    

Still jah's Pov

Alas sais na nang gabi at isang oras nalang bago mag sara ang shop. Medyo marami ang tao nung gumagawa ako ng resume kanina kaya hindi ko natapos. Nagpatulong din ako kay Finn kung anong mga pwedeng ilagay .

"Nako latte, wag ka masyadong kabahan. Hindi ka tatanggapin niyan" ani nito habang pagkabalik ko sa katinuan mula sa pagkatulala

"Hindi ano ba, hindi naman na ako kinakabahan. Mamimiss ko lang siguro dito"

"Isama mo naman ako. Sakit mo rin eh"

"Kasama ka gagi. at tsaka nga pala may nahanap ka na ba?"

"Wala pa eh, pero nagpaskil ako kanina dyan sa labas at nagpost din ako sa fb at twitter"

"Okay thank u, i'll try din magpost mamaya baka mas maraming maging interesado" sumige lang ito at nag-ayos ayos na rin ang kami dahil magsasara na rin kami.

FINN

May pumasok na lalaki at dumiretso ito sa cashier tinawag nito ako.

"Uyy Finn!" At tumangin naman ako para makita kung sino iyon.

"Uyy Cullen! What's your order?"

"Isang espresso nalang"

"Matanong lang , diba kaibigan mo yung boss ng Superior Son?" Tanong ko habang gumagawa ng kape

"Oo bakit?"

"Eh mag aapply kasi yung kasama ko dito doon. baka pwede mo isabay papuntang manila kaso baka sa susunod pa balik mo?"

"Sige sure okay lang pabalik naman na ako bukas, anong oras ba?" at saka ko iabot yung Kape

"Teka tawagin ko lang."
"Psst Latte!"

"Bakit?" Sagot nito habang nagliligpit

" Bilis may kakausap kakausapin ka nung kaibigan ko"

"Sige sunod ako" tugon nito at bumalik na sa harap.
Tinanggal ko muna ang apron at hinarap ko ulit ang kaibigan ko at lumabas na si Coffee.

"Ayan, Coffee meet Cullen. Cullen meet Coffee" sambit ko at sila naman ay nagshakehands

JAH

Pinakilala sakin nito ang kaibigan niya na kaibigan rin ng aapplyan ko

"Sige maiwan ko muna kayo, ako muna magliligpit"
tinapik kami nito At saka lumakad papalayo

"Good Evening, Coffee. Nabanggit nga pala ni Finn na mag aapply ka daw sa bestpal ko?
Bigyan na kita ng tips para di ka matanggal agad" tumango at nakinig lang ako dito

"Una, Ayaw niya sa mababagal at gusto niya mas maaga ang assistant niya pumasok para daw naka ayos ang office nito pagdumadating ito and He likes coffee pero depende sa mood. Yun lang naman"

"Ahhh Yun lang naman pala... Sige sige salamat btw mga 7 am andito sa cafe dito mo nalang ako daanan."

"Sige noted.
Una pala ako may aasikasuhin pa pala ako sa bahay"

"Sige salamat ulit sabihin ko nalang na aalis ka na"
At saka dinala ang kape nito at kumaway na paalis.

"Sige salamat ulit sabihin ko nalang na aalis ka na"At saka dinala ang kape nito at kumaway na paalis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
𝐂𝐄𝐎'𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐭 | 𝐀 𝐊𝐄𝐍𝐓𝐈𝐍 𝐎𝐍𝐄𝐒𝐇𝐎𝐓 Where stories live. Discover now