oneshot

11 4 2
                                    

errors ahead

-----------------------------

FRIENDSHIP

Angelo

"GELO!!"

Napatigil naman ako sa pag-lalakad at bumaling kay Chris. Sinamaan ko siya ng tingin ng batukan niya ako. Akmang babatukan ko din siya ng kumaripas siya ng takbo at nauna na sa'king pumasok sa room namin.

Umiling lang ako bago nag-patuloy sa pag-lalakad. Bumuntong-hininga ako at nilagay sa bulsa ang aking kamay. Tinignan ko si Chris na naka-abang sa'kin sa pinto. Ngumiti ako at binilisan ang pag-lalakad pero napa-hinto din ng may lumapit sa kaniya na babae at hinalikan siya sa pisngi.

Nagulat pa ako ng biglang nilagay ni Chris ang kaniyang kamay sa bewang ng babae. Napa-lunok ako sa nasaksihan para mawala ang naka-bara sa lalamunan ko. Kumuyom ang kamao ko na nasa loob ng aking bulsa at halos bumaon ang kuko sa palad ko.

Fuck! Nag-seselos na naman ako!

Alam ko na dapat hindi ko 'to maramdaman kasi mag-kaibigan kami at parehas kaming lalake. But, damn it! I can't stop myself falling for him! Sinubukan kong makipag-date sa ibang babae pero wala akong maramdaman na iba. Kay Chris lang talaga.

I closed my eyes tightly before I started walking to our room. Nginitian ko lang si Chris at 'yong girlfriend niya ng ma-daanan ko sila. Kumaway na lang ako kay Chris ng tawagin niya ako at nag tuloy-tuloy sa upuan ko.

Kinuha ko na lang 'yong libro ko at nag-simulang mag-review. Mahirap na at baka magpa-surprise quiz ang Prof namin. Mabuti na din 'to para mawala sa isipan ko ang nasaksihan ko sa labas.

Sa totoo lang, pilit kong sini-siksik sa utak ko na hindi pwedeng maging kami dahil parehas kami ng kasarian. But, call me stupid or what pero gusto kong makatuluyan si Chris. Sa mundong ginagalawan namin, mabibilang lang sa daliri ang mga taong sumu-suporta sa rainbow society. Mabibilang lang sa daliri ang mga taong sumu-suporta sa mga mag-kaparehas na kasarian na mag-kasintahan.

I composed myself and tried to focus on what I'm reading when Xander called me. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Nilagyan ko naman ng bookmark ang binabasa ko bago ako pumunta sa tabi niya.

"Punta ka sa bahay mamaya. Doon na lang tayo gumawa ng project. Wala kasing mag-babantay sa pamangkin ko."

Tumango lang ako sa kaniya at muling bumalik sa upuan ko. Kami kasi ang partner ni Xander para sa research paper namin kay Mrs. Rivero. Mabuti na lang at wala akong gagawin mamaya kaya makaka-gawa kami ng project namin.

Nag-klase lang kami at mabuti na lang dahil walang quiz. Nasayang lang 'yong review ko pero okay na 'yon. Niligpit ko na ang gamit ko at pupunta na sana kay Xander ng akbayan ako ni Chris. Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang sasabihin niya.

"Sama ka sa'kin sa bahay."hinintay ko pa ang sunod na sasabihin niya pero wala na siyang sinabi. Papayag na sana ako pero naalala ko 'yong project na gagawin namin ni Xander. Mabuti siya at tapos na ang research paper nila kaya nakakapag-liwaliw siya samantalang ako hindi dahil naging busy kami parehas ni Xander ng nag-karoon ng quiz bee at kami ang pinang-laban.

"Ahh Chris, hin--"

"Aish! Tara na."hindi na ako nakapag-reklamo dahil bigla niya akong hinila palabas. Mabuti na lang at nakuha ko agad ang bag ko kun'di maiiwan ko 'yon.

Reklamo ako ng reklamo dahil hindi niya ako pinatapos sa pag-sasalita. Baka kanina pa nag-iintay sa'kin si Xander sa gate. Nakakahiya.

"Chris, hindi ako pwede ngayon. May gagawin ako."kanina ko pa ito sinasabi sa kaniya pero tuloy-tuloy lang siya sa pag-hila sa'kin patungong parking lot.

Friendship | oneshotWhere stories live. Discover now