Hindi lahat ng tao maswerte, Hindi tulad ng dalagang si Jasmine Giniane Li, Anak at Heiress ng Milyon ng kanyang magulang na si David at Megan Li.
Maganda, Makinis, Matalino at Mabait. Mga salitang nakasanayan ng dalagang marinig tungkol sa kanya.
Ika nga nila isang buhay na "Princess from Fairytales." Napakaswerte pero hindi lahat ng swerte maaari niyang angkinin.
Marunong din bumawi ng swerte ang tadhana at kapag binawi niya, Wala ka ng magagawa.
"Magandang umaga!" Painat inat na sambit ko paggising ko, Masarap talaga ang gumising sa buhay ko, Masaya ako sa realidad ko eh.
"Miss, 8am po ang klase ninyo. Bumangon na po kayo." Ani ng isa sa mga maid namin rito mula sa labas. "Sige Ya. Ako na bahala sa pagligo ko, Pakihanda nalang ang uniform ko." Sagot ko at Nagtungo sa labas ng pinto upang kunin ang kape na iniwan sa aking pinto. "Mmm." Ani ko pagamoy sa kape, Imported kasi ito kaya mabango.
Pagtapos kong magkape sa aking Balcony, Nagtungo ako sa banyo ko, Very hygienic ako kaya kailangan relax ako sa pagligo, Ayokong namamadali ako sa paglinis sa sarili ko. "Yes, I do, I believe that one day.." Panimula kong kanta habang nagpupunas ng katawan.
Paglakad ko sa labas ay nakita kong nakahanda na ang aking uniform, (Uniform ng Korean School pero PHILIPPINE SETTING PO ITO.)
Pagtapos kong magbihis, Naglipbalm lamang ako at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok, Masaya ako sa buhok ko dahil diretso siya maliban sa dulo na kulot."Dad?" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. "Miss, Wala na po si Sir. Meron po siyang meeting ngayon." Napapout ako. "He promised me.." Pabulong kong sabi, Sabi pa naman ni Dad ihahatid niya ko this 1st day of College ko. "Halika na, Sabay ka sakin." Ani ni Ate Annie na nanggaling sa likod ko, Unlike me, Ate Annie has a Bob cut hairstyle, pero maganda siya, Mana sakin eh. Hehe!
Tatlo lang kaming Li Siblings. Nagiisang lalaki ang pinakamatanda samin, si Kuya Kerbee. Swerte nga daw, dahil unang anak ay lalaki. Nasundan ni Ate Annie at Ako ang huli. Kung nagtataka kayo bakit hindi chinese ang pangalan namin, Ginagamit namin ang english name namin ever since nagstart kami ng High School dito sa Pinas.
"Nakakatampo si Daddy." I pouted as I unlock Ate Annie's car door. "Hayaan mo na baby. Dad is very busy, lalo na't out of town si Mum." Sabi ni Ate at pumunta na sa Driver seat.
Pagdating namin sa Supreme International Academy, Naghiwalay na kami ng landas ni Ate dahil higher year siya. Very Independent talaga si Ate kaya ineexpect niya na dapat ay ganun din ako. "Chin up. You're the Li Corp Heiress." Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ito, Pitong salitang habilin ni Ate. Outgoing si Ate at dahil sa supportive sila Daddy, Hinayaan siyang sumabak sa Arts and Literature.
"Welcome to SIA Babysis!" Sigaw ng Kuya kong muntik na ko patayin dahil sa gulat! Kainis. Anu kaya itsura ng mukha ko?! Aish.
"Kuya naman. Don't call me Babysis. I'm 17 na kaya!" Reklamo ko habang inaayos ang buhok ko na lalo pa niyang ginulo! -.-
"Wag ka nga magayos, Maraming babaero rito. Hindi ka pwede maligawan." Sabi niya habang nililibot ako sa school, Famous si Kuya Kerbee rito, Kaya ang daming nakatingin sa amin. Napaka gwapo naman kasi niya, Chinito at Gentleman. Aayaw pa ba?
"Kuya naman, I won't let them play me." Nakangiti kong sabi. Sobrang spoiled ako ni Kuya kaya mas malapit ako sa kanya. "Pre" "Kaya pala nawala, Humanap nanaman ng babae. Ke aga aga pa Kerbs!" Ani ng dalawang lalaki sa likod namin.
"Mga g*go. Bunsong kapatid ko to!" Sagot ni Kuya ng humarap kami. "Talaga? Meron pa palang sumunod kay Annie." Sabi nung isang mukhang koreano. "Malamang. Kakasabi lang na bunso." Pabalang na sagot ni Kuya. "Lahi niyo talaga ang magkaroon ng magagandang babae sa pamilya noh?" Singit ng isa na mukhang half american? Nako di ako magaling dyan.
Naramdaman ko naman ang paginit ng pisngi ko.
"Jas, Mga tropa ko si Jake (Koreano), Ito naman si Nathan. Magkapatid tong dalawang pugo na to. Mga pugo, Kapatid ko si Jasmine." Pakilala ni Kuya sakin. Magkapatid? Paano? Eh hindi nga sila magkamukha.
"Magkapatid kayo? Paano?" Natanong ko, Napakaepal ko naman.
"Sa iisang v*gina kami lumabas Jas." Nakangising sagot ni Nathan sa akin. Namula naman ako dahil napaka vocal nila sa ganung bagay.
"G*go talaga to, Pesensya ka na. Magkapatid kami sa Ina, Ang father ko koreano, Amerikano naman ang Ama nitong satanas na to." Pageexplain ni Jake, Buti pa to matino kausap. Nginitian ko nalang siya biglang sagot dahil wala akong masabi, Ngumiti din ito pabalik. Ginoo! Ang gwapo pala niya lalo kapag nakangiti. Bago ko na tong crush! >////<
"Osha. Ihahatid pa ba kita sa classroom mo? 7:40am na." Pasingit ni Kuya. "Hindi na Kuya, I'll call you nalang if I need you. Bye!" At nagwave ako sa kanila.
Ngumiti lang si Nathan bilang paalam. "Bye Jas." Sambit naman ni Jake at ngumiti ng pagkaganda ganda. Hay! Bye crush, Il --
"I love you c -- KUYA. Mahal na mahal kita, Uh. Bye!" At agad agad akong tumakbo papuntang classroom. Nako naman JG! Ang bobo mo, Bakit mo sasabihin yun! Aish. 0///0
Pagdating ay umupo ako sa bandang bintana, Nakinig ng lesson at Nakatapos agad ng Dalawang klase. Tahimik ako tuwing merong discussion, Masyado ko atang namana ang pagiging hard at work kay Mummy eh. (British Slang for "Mom.")
Naglakad ako papuntang Cafe para bumili ng lunch. "Jas!" Paglingon ko, Ay jusko! Si Crush. :">
"Oh?" Pacool vibe lang. Ayoko maturn off siya sakin agad. Charot! "Nakita mo ba Kuya mo? Kanina ko pa hinahanap." Ngayon ko lang napagtanto na maarte siya magtagalog. Sosyal pakinggan, Nakakainlove. #DreamGuy.
..
"Jas? Jasmine? Uy." Alog niya sakin. Ohmy! Nakatitig na ba ako? Namula agad ang pisngi ko, Siguradong nahalata niya yun dahil maputi ako. "Uh-- T-tawagan ko gusto mo?" Ang init padin ng pisngi ko.
Nagchuckle lang siya at umiling lang. "Wag na. Kumain ka na? Sabay nalang tayo." OO NAMAN SASABAY AKO OMG. Naglakad kami sa Vacant table at umorder ng lunch. Halos puro nguya, ngiti at titig ang nagawa naming dalawa pero okay lang kasi kotang kota! #TeamJasKe. Ship niyo ba? Hahaha. Go JG! Ga--
"Ganda ko talaga!" Ay litsi naman. Nakita kong natawa siya sa nasabi ko, "Oo Jas. Di naman ako kokontra, Maganda ka." Ay kota talaga ako, 1st day! Namula naman agad ang malandi kong pisngi.
"Ay. Thankyou. Hehe!" Tumuloy lang kami sa pagkain hanggang sa nakita kong papalapit na si Kuya at si Nathan sa amin. "Sabi sayo Kerb, Balang araw magiging kapatid mo ko." Biro ni Nathan ng makalapit samin. "Hoy Jake. Bata pa yang kapatid ko dumadamove ka na agad!" Sabi ni Kuya at sabay binatukan si Jake at tumabi sakin.
"Sinabay ko lang maglunch yung kapatid mo. Mga utak talangka talaga kayo!" Asar ni Jake at nagasaran na sila. Epal! Moment namin to ni Crush eh. :(
Natapos ang araw na silang tatlo kasama ko, Nadatnan kong nagpapaint si Ate sa labas kaya di ko na dinistorbo at tumuloy sa loob. "Ni hao Baba (Daddy)." At hinalikan siya sa pisngi. "Ang kuya mo?" Tanong niya habang nagtatype ng kung anung kaengkantuhan sa laptop. "Naglalaro po sila ng basketball. Later na daw po siya uuwi." Sagot ko at nagtungo na sa taas para magpahinga at maligo.
-->
Leave Suggestions & Comments. :)x