Ilang araw na rin ang lumipas, Wala pading akong kaibigan sa batch ko. Madalas si crush ang kumakausap sakin. Mahuhulog ako nito for sure, Sana naman saluhin niya ko. >///<"Jasmine. Nakikinig ka ba?" Ay kabayo. Anu daw? Uy. Di ko narinig! Isip JG. Anu ba topic niyo! Sagot ka na nga lang, Cross fingers. "Oo. Tama yung sinabi mo." Breathe. Baka sakaling tama sagot ko.
"Tama akong di ka pa naliligo?" Natatawa niyang sabi. Owmen. "Hoy! Naligo ako noh. Wag mo ipasa sakin mga ginagawa mo." Naiinis kong sabi pero syempre chos lang, Paano ako maiinis eh ngiti palang niya mapapatawad mo na siya!
"Uy. Biro lang, Di mo kasi ako pinakikinggan. Sabi ko bakit di ka maghanap ng kaibigan mong 1st Yr.?" Ang cute mo. Haha! Sasagot na nga ko baka magdaydream nanaman ako.
"Eh walang malapitan eh. Puro merong friends na." Habang patingin tingin sa paligid. "Hahahaha! Jas. Di naman boyfriend hinahanap mo, Kaibigan. Porke meron ng kaibigan bawal na makipagkaibigan pa? Ikaw talaga." Aba. Bakit ako hahanap ng boyfriend eh matagal ko na nga tinitignan si future ko.
"What I meant is Ma-Oop ako. Tsaka bakit ba? Nagsasawa ka ng kasama ako noh? Kasi 1st Yr ako tapos 3rd Yr ka." Pacute ko noh, Okay lang cute naman talaga ako. Hehe!
"Uy. Tampo agad, Bakit ako magsasawa eh ang ganda ganda lagi ng nakikita ko araw araw?" Nakangiti niyang sabi sakin, Ginoo! Naginit agad ang pisngi kong malandi. "Tse." Para medyo pabebe muna ko.
"Kayo ah! Nakakahalata na kong araw araw kayong magkasama." Panira nanaman ng moment tong Nathan na to. -.- "Edi araw araw ka palang nangiistalk samin?" Pangaasar na sabi ni Jake sa kapatid niya. "Hoy Jake. Hindi porke tropa tayo ligtas ka na sakin ah! Bunso padin namin yan, Aakyat ka muna ng ligaw sakin." Pambabanta naman ni Kuya. Enebe Kuya, Don't pressure my baby! HAHAHA!
"Gusto mo ata Kerbs ikaw ligawan ko eh." Sagot naman ni Jake. Tinaasan lang siya ng kilay ni Kuya sabay sabi, "Aba. At talagang meron kang balak ligawan kapatid ko ha?!" Namumula tuloy ako. Meron ba talaga? Yes. YES I DO! Ang landi ko lumablife noh? Sorry po. :)
"H-ha? Niloloko ka lang eh. B-bata bata ng kapatid mo. Parang bunsong kapatid ko lang din siya." *BOOM.* #Bunsozoned. #TeamKapatid. Aray ha! Mga lalaki talaga paasa. =///=
After ng moment of realization ko, Nalutang ako. First time na naturn down ako indirectly ng gusto ko. :( Sadlife. Magmomove on na ko habang maaga pa, Crush lang yan ah. Haha!
"Miss. Is this seat taken?" Tanong ng isang lalaki na british ang accent. "I think It is obvious?" Pagsusungit ko. Kitang naeemote ako tatanong tanong pa! Pakielam ko ba sa upuan na yan.
"I'm just asking you know. Sayang ganda mo, Rude." Tapos umupo sa tabi ko. Aba aba! "What did you say? Rude? Eh pakielam ko ba sa upuan na yan! Marami kaming upuan sa bahay, Hindi ko kailangan mangakin. Hmp!" Sabay tumalikod ako, Epal. Makarude! Porke --
"Porke gwapo ka. Letse!" Pabulong kong sabi, Hetong nageemote tapos masasabihan pa ng rude nitong One direction Wannabe na to. -.- "Gwapo ako?" Nakangisi niyang sabi sakin. "In your dreams." Mataray kong sagot sa kanya. "I'm not asking. You said "porke gwapo ka." So you are saying gwapo ako." With quote marks pa. Sus! Bahala ka dyan, Feeling close.
"Miss.." Humarap ako para makita siya ng buo, Aba'y laki ng ngiti mo boy. "Anu? Wag mo damdamin. Sinungaling ako!" Pasigaw kong sabi buti di kami napapansin ng Professors dito. "Edi panget pala ako?" Nakapout siya, Sh*t. Ang cute niya, pero hindi! Cute nga nakakapikon naman. "OO!" Idiniin ko ang pagsagot para tagos hanggang buto. "Oh! Edi gwapo nga ko para sayo. Sinungaling ka diba? Ikaw miss ah. Di pa nga tayo close ganyan ka agad. I'm Russly, Russly Dorscher." At sabay inabot kamay niya para makipagshake hands sakin. Wow, Anu feeling nito?!
"Wow. Hangin mo ah. Tse! Nakakapikon ka." Sabay tapik sa kamay niya. Ngumiti lang siya at Kinurot pisngi ko..WAIT. Rewind! Kinurot? Pisngi? KO?! "ARAY! Anu ba ha?! Feeling close ka ba? Epal. Tss! Can't you see I don't want to talk to you?!" Naiirita kong sabi habang hinihimas ang parte ng pisngi ko na kinurot nitong kalawang na to. Gets ba? Russly, R-U-S-T..Kalawang. Haha! *Slow Clap.*
"Nakikipagfriends lang naman ako. Hindi ako feeling close noh!" Sagot nito. Tumingin ako sa mata niya, Maaninag na kulay berde ang mata niya. "WOAH. Purple mata mo?! Shet. That's Amazing!" Pasigaw na sabi nitong Russly na to. Did I forget to mention? Sorry. I have Alexandria's Genesis. It's a mutation that caused my eyes to become purple. :)
I also don't grow any facial, body and pubic hair, Maliban sa buhok sa ulo, Kilay at Pilikmata ofcourse. I also don't gain weight and I have porcelain white skin. So, Yea. Alexandria's Genesis."Yeah and?" Masungit kong balik sa kanya. "Di ko kasi napansin kanina na totoo. Akala ko nakacontact lens ka. It's real diba?" Naaamaze na tanong niya sakin, Napangiti naman ako sa reaction ng mukha niya. "Yes. It's a genetic mutation." Simple kong sagot at bigla akong nagulat ng iharap niya ang mukha ko sa mukha niya. Wtf! Hahalikan niya ba ako?! "Ang ganda.." Pabulong niyang sabi.
"MISS LI AND MR DORSCHER! WHAT ARE YOU DOING INSIDE MY CLASSROOM?!" Sigaw ng Professor namin na nakita kaming nakaharap sa isa't isa at TAKE NOTE, Nakahawak si Russly sa pisngi ko. Napayuko nalang ako dahil lahat ng mata nakafocus samin! >///
"Ah. I was just.." Panimula ni Russly pero hindi na siya pinatapos ni Ma'am. "Trying to kiss your girlfriend in the midst of my class." Holla holla holla! What?! Girlfriend? "I'm not his girlfriend." Sagot ko habang nakayuko padin. Wala pang isang buwan napahiya na agad ako! "No I was.." Tinatry nanaman magexplain nito. "Enough, Dean's Office. NOW!" Sigaw nanaman ng professor naman at nakaturo pa sa pinto na as if di naman alam saan! "WHAT?! I am a Top student! I can't be sent to the dean's!" Pasigaw kong sabi habang nagpapanic ang utak ko. No! No! "That's not an excuse for your explicit behavior Ms. Li!" EXPLICIT?! Anu ko Nicki Minaj Video?! Grr! Pahamak letse.
"But.."
"OUT NOW!" And we're out!
"Hey! Oy! Li. Anu ba sandali nga!" Sigaw ni Russly habang hinahabol ako. "Li? Wag mo kong matawag tawag na Li! Hindi tayo close. Punyeta! Pahamak ka!" Naiinis kong sigaw sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad.
"Li! Uy. Kausapin mo ko sandali lang. Makinig -- "
"Ilang beses ko ba sasabihin na wag mo kong tawaging Li! At ayoko, Nang dahil sa kakulitan mo madadala pangalan ko sa Dean's. Top Notcher ako, Ang panget sa image nito! So just SHUT UP!" And with that, Walk out ule ang kagandahan ko. Padabog na naglakad, Nang makalapit sa pinto ng Dean kinabahan ako, Hindi pa ako pinapunta dito dahil sa Class Disturbance.
"Miss." Tawag nanaman nitong walang kwentang kalawang na to! "ANU BA!" Humarap ako sa kanya, Mukhang nadedemonyo na sa inis pero syempre OA lang ako. "I'm sorry." Nakayuko niyang sabi habang pinagmamasdan ang paa niya. "Naamaze lang ako sa ganda ng mata mo. Hindi ko naman gugustuhing mapahamak ka." Tuloy niya, Tumingin siya sakin at ngumiting malungkot. "Fine." Simpleng respond ko sa kanya. Okay maybe kasalanan ko din dahil sinungitan ko siya before this.
"Okay na tayo ha?" Nakapout pa!
-->
Leave Suggestions & Comments. :)x