Chapter 3

0 0 0
                                    

CHAPTER 3

Eavesdrop

NATAPOS ang mag hapon ng iyon lang ang laman ng kokote ko, hindi ko na nga halos maintindihan ang sinasabi ng teacher namin sa unahan habang nag didiscuss. Kanina pang uwian pero andito pa din kami ni Hazel at ng tatlo pa naming kaklase na sina Hanna, Janice, at Lester dahil kaming lima ang naka assigned sa pag lilinis ngayon ng classroom.

Mag aalasais na ng hapon pero hindi pa din kami tapos nag linis. "Mga baks! Sino mag tatapos ng ating basura dun sa baba?!" matinis na sigaw ni Lester o kilala bilang Lesley dahil mas prefer daw nyang tawagin ng ganon, nakakatanggal angas daw kase ang Lester.

Nag wawalis ng sahig si Hazel tapos nag pupunas naman ng bintana si Hanna at nag pupunas naman ng mga lamesa at bangko si Janice, nakakahiya naman kung si Lesley pa ang mag tatapon ng mga basura e sya na nga ang nag segregate ng mga yun.

Napagpasyahan kong ako nalang ang mag tatapon tutal tapos na din naman akong mag dilig nang mga halaman sa loob ng classroom at napunasan ko na din ang blackboard."Ako nalang magtatapon! Saan ba sa baba yan tinatapon Les?" presinta ko at tinanong kung saan parte sa baba ang tapunan noon.

"Ah dun sa may parteng likod ng building, doon kase pinagsasama-sama lahat ng mga basura ng buong school eh makikita mo naman yun agad kase tambak ang mga trash bag doon kaya madali ng hanapin." sabi ni Lester at maarteng ipinilantik ang mga daliri sabay spray ng alcohol dito kaya napatawa kami.

"Sure ka babae na ikaw na ang magtatapon?" tanong ni Hazel na mukhang nag-aalala pa dahil alam nya na madalas akong maligaw. "Baka mamaya maligaw na ka nanaman tulad noong nangyari nung nag banyo ako" anito sabay halakhak ng malakas na akala mo'y hindi babae.

"Ano ka ba Hazel. HAHA. Kaya ko na to tutal sabi naman ni Les ay madali lang yung hanapin at saka sa likod building lang pala eh baka nakita ko na yun kanina di ko lang napansin, doon kase ako dumaan kaninang umaga eh." mahabang salaysay ko dito na may pangungumbinsi sa mata para di na niya isipin maliligaw ako. Busy na ang tatlo sa pag lilinis ng iba pang bagay sa classroom kaya kami nalang dalawa ni Hazel ang nag-uusap.

"O siya sige na nga. Nasayo nanaman ang number at saka hindi ko naman tinatanggal sa bulsa ko ang cellphone ko kaya pag bigla kang naligaw tumawag ka nalang sakin" saad nito at humagikhik. " Ano ka ba! Ginawa mo namang MOA ang school natin!" tumatawa-tawa pa ko habang sinasabi yun.

Nag paalam na ako sa kanila na itatapon ko lang yung mga basura at ng makita ko ang tinutukoy ni Les ay inilapag ko ang mga trash bag na hawak ko sa dapat nitong kalagyan.

Aalis na dapat ako ng may marinig akong nag sasalita. Rinig na rinig ko ang nagsasalita kaya sigurado akong malapit lang ang kinaroroonan nito saakin.

"Yskaela will you please SHUT THE FUCK UP?! You know me better than anyone! I don't put any attention on that kind of bullshits!" mariing anas nito sa kausap nito sa....telepono. Hindi ko alam kung bakit ako lumapit pa dito pero siguro dahil dala ng pagiging curious ko sa pinag-uusapan nila noong nasa telepono.

Nang makakita ako ng malapit na pedeng pagtaguan ay doon ako nag punta at pilit na isiniksik ang sarili doon pagkatapos ay nilingon ang lalaking may kausap sa telepono. Jusko Estella ang pagiging chismosa mo. Kahit malayo ay kitang-kita ko ang pagmumukha ng lalaki at ito ay wala iba kundi si Luigi Gonzalez.

Nag patuloy pa ang pakikipag-usap nito sa telepono at halata ang tensyon sa pagitan nito at ng kausap. "Hindi nyo pa ako kailangan dyan at habang hindi nyo pa ako kailangan dito muna ako sa Hacienda natin sa Laguna mag-sstay para mapag-aralan ko na din ang mga pasikot-sikot ng trabaho dito ng mapakinabangan ang lupa" mahinahon na salaysay nito at mukhang humupa na ang pag tatalo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday's MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon