Kinabukasan ay back to normal ang lahat. Seryoso na ulit si Kuya kaya hindi ko siya maka-usap ng maayos dahil nagmamadali siya.
"Drive safely, Kuya." Tumango lang siya.
Pagkarating kong school nagpanic ako nang sinabing may long quiz kami sa Physics. Yun pa naman ang pinaka nahihirapan kong subject. Kaya hindi ako nag snack ng dahil doon. Nag-aral ako ng mabuti pero ang ingay ng classroom kaya lumabas ako. I still have 10 minutes.
Mabuti nalang at peaceful sa garden plus maganda pa ang view.
Scan... scan...
I don't get anything. Ano ba yan. Sana pala nagpaturo nalang ako kay Cyan. Siya ang magaling dito eh. Tatayo na sana ako nang mahulog ang book ko at may taong umapak nito. Tinignan ko siya at napataas ang kilay ko nang makita kung sino ang gumagawa nun.
"Hi there." Pinitik ko ang paa niya kaya natanggal ang pagkakaapak niya sa libro ko. I grab my book and walked away. Likas yatang makulit ang babaeng 'to kasi hinila niya ang tip ng damit ko.
"Ano ba, Princess." nginusuan niya ako at tinignan niya yung hawak kong libro.
"I can teach you, you know."
Umiling ako at tinanggal ang kamay niya sa damit ko. Sabi ko nga diba sa inyo na makulit siya? Ayun at panay na ang hila sa akin hanggang sa makarating kami sa room ay hindi pa rin niya ako tinantanan. Pinandilatan ko siya nang tumabi siya sa akin.
"Kopya ka nalang sa akin." Sabi niya sabay kindat. Inirapan ko siya para malaman niyang hindi ko gusto ang pinaplano niya pero I think she doesn't get it.
Princess Gonzaga. The campus sweetie, athelete and the running Valedictorian of our batch. I hate how she makes me feel na mas angat siya sa akin. She's always a threat to me. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay umiinit ang ulo ko. Ng dahil sa pamilya niya ay bumagsak ang kompanya namin na ngayon ay nakabangon na at hinahandle ni Kuya Rio.
Hindi lang dahil doon. Isang araw ay sinagip niya ang buhay ko. Nag e-emo kasi ako noon. Hindi ko na maalala ang dahilan. Since lutang ako ay hindi ko namalayang may kotseng paparating at saktong tatawid ako. Eto namang si Princess na feeling cool ay nakasakay pa sa skateboard noon nung sinagip ako. Siya ang kamuntik nang mabunggo dahil tinulak niya ako at hindi siya sumabay sa akin. "You owe me one." Sabi pa niya ng nakangiti. Lintek na ngiting yan.
Hindi ko siya gusto! Hindi siya maganda! Pa-cute siya! Pa-cool kid! Pwe!
Pangatlo ay noong may report ako. Ang rami niyang tinatanong noon sa akin at mahihirap pang tanong! Gusto niya bang gumanti sa akin? Teka wala naman siyang dahilan para gantihan ako. Pinahiya niya ako sa harap ng teacher at mga kaklase ko.
Minsan na siyang pinagselosan ng nililigawan ko noon. Wag kayong mag-alala girls, hinid ko tinuloy panliligaw ko sa niligawan ko noon. Narealize ko kasing masyado akong gwapo para sa kanya. Naks, hangin mo Red!
Naiinis ako kapag ngumunguya siya. Wala naman dapat na dahilan para kainisan ko siya. Ano ba nangyayari sa akin? Siguro nga yata ay may isang tao sa buhay mo na kamumuhian mo sa di malamang dahilan. And in my life, it's Princess.
"Get one whole."
Kahit anong mangyari hinding hindi ako mangongipya sa kanya. Good boy ako noh. Baka ipagkalat niya pa sa buong campus! Mabuti nalang at wise ako! Kala nang prinsesang bakulaw na yan ha? Nasa loob yata ang kulo niya eh.
"Pst."
I ignored her. Hindi naman pati PST ang pangalan ko. Mas cool naman po ang Red kesa sa Pst. Walang taste ang bakulaw na yun. Tsk tsk. Muli siyang sumitsit at narinig siya ng teacher namin kaya pinagalitan siya. I giggled softly enough for her to hear. Nginusuan lang niya ako. Hilig naman nitong ngumuso. Ano siya bibe eh. Ew lang diba. You sound gay on the ew word, Red. Pake mo ba?
Wag mo nga munang isipin ang bakulaw na yan, Red. Sumagot ka muna! Mabuti nalang at saulo ko ang formulas at may calcu ako.
Pagkaraan ng kalahating oras ay pinapasa na ng teacher namin ang papel at che-chekan pa namin. Pagkatapos mag-check ay ibinalik ko na sa may-ari ang papel which is si Cyan na perfect score. I wonder if pasa ako? Hndi ko kasi maalala ang mga sagot ko. Ganun ako kabulok sa physics.
"45. Not bad." Ani Princess. Kinunutan ko siya ng noo. May hawak siyang papel at inuusisaang papel. Ayokong maki-usyoso kung kanino man yung papel. Umupo ako at sinandal ang baba sa kamay ko.
"Papel mo, Oy."
Tinaasan ko siya ng kilay at tinanggap. "May good news ako!" Sigaw niya sa akin, trying to catch my attention pero too bad dahil waepek.
"I don't care."
Hndi niya ako pinakinggan at pinagpatuloy lang ang pagsalita. "I don't know if it's a good news for you. Basta sa akin good news!" she paused. Okay, nacurious ako kung ano man yung good news ang pinagsasasabi niya. "Magkatabi na tayo from now on."
"What?" I shouted. Mabuti nalang at nakaalis na ang teacher namin.
Paanong... mas gusto kong. Makatabi yung boring girl kesa kay Princess noh! Seeing her face eveyday and smelling her perfume? Torture in my eyes and nose! What have I done wrong? Wala naman ah! Pinalaki kong maayos si Browns. Tinutulungan ko sina Manang maglinis ng bahay. Ano ba ang ginawa kong mali para maranasan ko ang ganitong kasaklap na -- OA mo na, Red. Seatmate mo lang naman. Hindi ka niyan kakainin. Pero kahit na! I hate her so I should avoid her! Ngayon siya ang gumagawa ng way para mapaglapit kami?
"Tapatin mo nga ako." Seryoso kong sabi. Hndi siya nagseryoso im es ay ngiti lang siya ng ngiti. Siguro kinikilig sa kagwapuhan ko. Iba talaga kapag Biv. "May gusto ka ba sa akin?" Makapal na ang mukha kung makapal. I just want to know.
Baka kulamin niya pa ako or painumin ng gayuma. Oh no! Girls nowadays are desperate. And Princess is one of it.
Namula siya sa tanong at bigalng tumawa. Namula yata ang mukha kakatawa. So she doesn't like me? Fair enough. Mabuti na yung klaro. Akala ko kasi type niya ako. Mabuti na ang klaro.
"Good then."
I grabbed my back pack. Hinigit niya ang strap ng bag ko at hinigit ang braso ko. Nahalikan noya ang kaliwang twnga ko sa sobrang lakas ng pagkakahigit niya sa akin. I felt something strange. Was is thunder or electricity?
"So what if I am?"
No freaking way. No. This is bad. Siguro kung ibang lalaki ang nasa posisyon ko ay liligawan na nila si Princess. Pero iba ako and I hate her.
"The more you hate the more you love." Ani Sec sabay tingin kay Mayflor. Tinamaan ng magaling ang isang 'to. He's been loving her sincei-dont-know-when. Basta yata simula pa noong elemntary. Ang bata pa pero lumalandi na. Tsk tsk.
"The you love the more you hurt kamo." Klaro ni Mayflor. Hanggang ngayon ay bitter pa rin ang isang 'to.
Andito kami sa bahay nila Sec doing our project. Shinare ko sa kanila ang nangyari noong Friday. Mas kinilig pa si Sec kesa kay Mayflor. Hindi pa rin yata nag-uusap si Bast at ang babaeng 'to.
"Iiwasan ko siya. Tatabuyin ko. I will make her hate me." And I made an evil laugh. Tnapunan ako ng scratch paper ni Mayflor dahil sa ang ingay kondaw habang tawa ng tawa si Sec. "Seriously guys. Help me."
Sinandal ni Mayflor ang paa sa desk. "Sabihin mo sa kanya na ayaw mo sa aya. That you loathe her so much. Sigawan mo. Ipamukha mo! Dapat in the middle of the crowd mo yun sabihin! Diba, good idea?"
"May naman eh. Hinid naman ako ganung tao."
"Tss. Hingi hingi pa ng tulong aayaw rin naman." Tumayo siya at lumabas. Pasalamat siya at kaibigan ko siya kung hindi kanina ko pa soya nabuhusan ng juice na nasa tabi ko. Nako ha!
Binalingan ko si Sec na tahimik na nag-iisip. Sa laht ng barkada ko siya ang pinaka matino. No girlfriend since birth. Tsaka na daw siya manliligaw kapag nasa 20 na siya. Arte noh?
"Pahirapan mo. Kung hindi sumuko ay ligawan mo. Malay mo siya na ang the one?"
What? No way! Its a big no!