Prologue

294 15 10
                                    

"Sir, wag niyo naman po akong alisin sa trabaho ko, please? Ito na lang po talaga yung pag-asa ko para makatapos ako. Sir, please po."

Pagmamakaawa ni Clara sa boss niya. Aalisin na kasi siya nito sa trabaho niya dahil tapos na ang kontrata niya sa pinagtatrabahuhan. Limang taon lang ang kontrata niya rito, last day na niya sa kanyang trabaho ngayon.

"I'm sorry, Clara. Tapos na kasi ang kontrata mo sa amin."

Sagot naman nito sa kanya. Gusto man siyang ibalik sa trabaho ay wala na rin itong nagawa dahil may bago nang papalit sa kanya.

"Sir, please naman po oh. Parang awa niyo na po. Gawan niyo na lang po ako ulit ng kontrata."

Pagmamaka-awa pa ni Clara. Kulang na lang ay umiyak siya ng dugo sa harap nito.

"Pasensya ka na talaga, Clara. Alam ko kung gaano kaimportante sayo ang trabahong ito, pero may papalit na rin kasi sayo. Kanina lang sinabi sa akin ni Patricia iyon. Pasensya ka na. Pero wag kang mag-alala dahil tutulungan kitang mag-hanap ng trabaho. Pambawi ko lang sayo. Pasensya ka na talaga."

Tumango na lamang si Clara sa sinabi ng kanyang boss.

Labag man sa loob ni Clara ay inintindi na lang niya ito. Naging malapit siya sa kanyang boss. Bakla ito. Naging matalik niyang kaibigan ito. Gustung-gusto siya nito pagdating sa trabaho. Kita kasi nito ang pag-pupursigi sa trabaho ni Clara.

May kaya naman ang pamilya Clara. Pero gusto na kasi niyang maging independent. Ayaw na niyang dumipende sa pamilya niya. Hindi na raw siya bata para umasa sa mga magulang niya kaya naman sa maynila siya nag-aral ng kolehiyo.

Kumuha ng kursong Education si Clara. Gusto kasi niyang makatulong sa mga batang hindi nag-aaral. Gusto niyang turuan ang mga ito kahit walang bayad.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang matapos ang kontrata niya. Nalaman ng magulang ni Clara ang tumgkol doon kaya naman pinadalhan siya ng mga ito ng pera saka siya tinawagan nito nung isang araw para kunin ang pinadala nitong pera para sa kanya. Nung una ay tinanggihan ito ng dalaga pero sinabi ng magulang nito na naipadala na kaya no choice siya.

Katatapos lang maligo ni Clara nang biglang mag-ring ang phone niya. Tiningnan muna niya kung sino ang tumatawag. Si Cara. Ang boss niya. Agad naman niya iyong sinagot.

"Hello, sir?"

"Hello, Clara. Oh, just call me 'Cara.'"

"Okay, Cara. Napatawag ka?"

"Uhm. Napatawag ako kasi may trabaho na akong nahanap for you."

Masayang balita nito para sa kanya. Agad siyang ngumiti nang malapad sa ibinalita nito. Tinotoo nga nito ang sinabi nitong tutulungan siyang makahanap ng trabaho.

"Talaga? E teka, anong trabaho naman?"

"Naku. Yun ang hindi ko alam. Hindi kasi niya sinabi e. Pero wag kang mag-alala dahil kakausapin ka palang din naman para if ever na hindi mo gusto yung trabaho na io-offer niya sayo, pwede ka pang umatras diba?"

Napaisip siya sa sinabi nito.

"O sige. Babae ba ang magiging boss ko?"

"Naku, Clara. Isang 'Oh-So-Hot-Guy' ang magiging boss mo. Saka sobrang yaman. Naku. Oo nga pala. Magbihis ka na dahil kakausapin ka niya ngayong araw."

"Ah. Teka. Anong oras?"

"Mamayang 1pm. Sa Twin Tower Mall, sa Sugar Cafe. Okay?"

101 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon