May mga bagay na hindi mo inaasahang dumating pero bigla na lang susulpot.
May mga bagay na inaasahan mo na pero hindi naman nangyari.
Yung mga bagay na hindi mo naman kailangan bigla mong makikita.
At meron ding kung kelan ka naman naaaliw at nasasabik bigla na lang mawawala.
Parang ulan lang, hindi mo siya mapipigilan sa pagbuhos at pagbagsak.
Pero maaari mo siyang maenjoy at ikasaya...
Kaso nga lang, kung kelan ka naman nageenjoy at nagsasaya saka naman ito titila at mawawala.
"Nice intro." Puri ko sa natapos kong panimula sa ginagawa kong storya.
"Sariling puri, Klienze?" Tiningnan ko naman ang nagsalita. Si Pamela. Bestfriend ko.
"Ewan ko sayo. Buksan mo na nga lang yung radyo." Utos ko sakanya. Bakit radyo? Ano kasi...
"Naputulan ka na namang babae ka? Di ka na naman nakapagbayad ng kuryente no?" Iiling iling na pagsunod sakin ng baliw kong kaibigan.
Hayy. Oo nga. Naputulan na naman ako ng kuryente. Actually last week pa akong walang kuryente.
Kaya nga yung bago kong story, sinusulat ko muna sa notebook na dapat sa MS Word.
Bakit ako gumagawa ng story? Dahil ako si Klienze Torquiano. At sino si Klienze Torquiano? Ako lang naman ay isang writer. Yeah. Writer ako ng bayan namin. Gumagawa ako ng mga libro na ipinapublish ng Munisipyo.
Pero itong storya na ginagawa ko, ang huling storyang gagawin at ipa-publish ng munisipyo. Wala na kasing bumibili ng mga libro ngayon. Natalo kami ng technology. Hayy. Ambilis ng technology e.
"Hoy, girl. Wala namang magandang station e. Puro balita lang." Puna ng kaibigan ko na iniikot ang ikutan dun sa radyo na pampalipat ng station. Di ko kasi alam tawag dun e.
"Ayos lang yan. Basta may marinig lang ako maliban sayo." Inirapan niya lang ako at humarap na sa pinto. Aalis na ata to.
"Sige na. Alis na ako girl. May date pa'ko e." Sabi na e. Tinanguan ko lang sya. Pagkaalis niya, humiga muna ako sa kama at nakinig sa balita sa radyo. At as usual, puro patayan, aksidente at showbiz ang naririnig ko.
'At para sa lagay ng panahon, buong araw pong maganda ang sikat ng haring araw at walang posibilidad na uulan hanggang pagsapit ng gabi.'
Nice, di naman pala uulan ngayon. So pwede akong lumabas? Ayoko kasing lumalabas pag alam kong uulan o umuulan, hassle kasi e.
Bumangon na ako at kinuha ang notebook ko pati ballpen syempre.
Ang init kasi dito sa bahay. At saka, Kailangan ko ng inspirasyon para kahit papaano gumanda tong storya ko at baka sakaling masalba ang buong publishing group. Kahit alam kong imposible.
Pumunta ako sa plaza. Umupo ako sa swing at sinimulan ko ng magisip ng pang chapter 1.
Wait, ano nga bang plot ko?
Ah! Oo! Naalala ko na!
Magsusulat na sana ako pero napatigil ako ng may nakita akong aso.
Isang beagel na aso at may sinusundan---o more like, hinahabol na paru-paru . Ang cute nila tingnan.
Patawid na yung paru-paru sa kalsada pero sinusundan parin siya nung aso. Napatayo ako bigla ng makita kong may papalapit na sasakyan sa kanila.
Nakita ko pang tumigil yung paru-paru sa mismong gitna ng kalsada kaya tumigil din yung aso at pilit syang inaabot. Tuluyan na nga akong napatakbo ng makita kong halos ilang metro na lang ang layo nung sasakyan. Nabitawan ko na yung notebook at ballpen ko at tumakbo para iligtas yung aso.
Dahil medyo matangkad ako kailangan kong yumuko para mabuhat yung beagel.
Pero mukhang huli na dahil pagyuko ko ay ang sabay na paglipad ng paru paru at pagtakbo ng aso palayo sakin at kasabay nun, naramdaman ko ang parte ng sasakyan na parang tumulak sakin ng napakalakas. Napapikit na lang ako sa sakit, takot at kaba.
Nahihirapan akong huminga. H-hindi ako makahinga.
Napadilat ako ng maramdaman kong hindi na ako nakasayad sa lupa para akong lumulutang. Patay na ba ako?
Hindi pa pala.
May lalake pa lang bumuhat sakin. Tumingin siya sakin pero walang kaemo-emosyon ang mga mata niya.
Tinitigan ko lang sya hanggang sa bigla na lang nagtakbuhan ang mga tao sa paligid.
Bigla ring dumilim at kasabay nun ang malakas na buhos ng ulan.
Nahihirapan na naman akong huminga. Parang inaantok na rin ako.
Pero bago ako mawalan ng malay nasabi ko pa ang mga salitang kung alam ko lang ay hindi na ako lumabas pa ng bahay.
"Uulan pala?"
---
Kinabukasan, nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na nakakasilaw. Pagmulat ko naka-hospital gown ako. So nasa ospital ako? Ah oo, nasagasaan nga pala ako.
Lumingon ako sa paligid at bigla na lang akong napaupo ng makita ko ang notebook ko at ballpen sa tabi ko. Paano to napunta dito? Wala man lang kabasa-basa e sa pagkakaalala ko umulan diba?
Umulan?! Kung alam ko lang.. hayy.
Dahil medyo ok lang naman ang pakiramdam ko e lumabas ako ng kwarto. Nakuuu. Mukhang private hospital to. Wala pa naman akong pambayad.
Di naman ako pinapansin ng mga tao kahit hawak-hawak ko yung dextrose ko at nakahospital gown akong pagala-gala.
Nasan na kaya yung lalakeng tumulong sakin. Siguro siya yung nagdala sakin dito.
Pumunta ako sa Nurse station para magtanong kung nasan na yung nagdala sakin dito. Gusto ko magpasalamat sakanya.
'Buong araw po tayo makakaranas ng magandang panahon. Kaya ayos na ayos lang kung magkakaroon kayo ng outdoor activities ngayong araw.'
Napalingon ako sa tv na nakakabit sa dingding sa loob ng nurse station. Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Bakit sabi kahapon hindi uulan pero umulan? Tss. Sabagay siguro ngayon totoo na yung balita. Antaas naman kasi talaga ng sikat ng araw nung tumingin ako sa bintana kanina e.
Lumapit na ako dun sa nurse.
Magtatanong na sana ako pero may nahagip yung mata ko. Sya! Sya yung lalakeng may buhat sakin nung nasagasaan ako. Siguro sya yung nagdala sakin dito.
Palabas na sya ng ospital kaya hinabol ko sya.
Saktong paglabas ko, hindi ko na sya nakita. Teka, nasan na yun?
Tingin sa kaliwa, wala.
Tingin sa kanan, wala din?
"Nasan na yun?"
Bakit ang bilis naman niyang mawala?
Napailing na lang ako at tumalikod na. Babalik na sana ako sa loob ng ospital pero bigla akong napahinto at napatingala.
"Uulan pala?"
---
MarooElle : tintry ko lang kung ok ako sa one shot. Hahaha.
Magpo-promote talaga ako e. Please read my story. IX-Einstein. Saka yung Don't fall, na one shot rin.
BINABASA MO ANG
Uulan pala? (One shot)
RandomMay mga bagay na hindi mo inaasahang dumating pero bigla na lang susulpot. May mga bagay na inaasahan mo na pero hindi naman nangyari. At meron ding kung kelan ka naman naaaliw at nasasabik bigla na lang mawawala.