Chapter 1:

1 0 0
                                    


Tok tok tok

Zzzzzz...

Tok tok tok

Hmmm...

Tok! Tok! Tok!

"Argh ! Bakit ba? Anong kailangan mo?", ano ba naman to nakakainis.

"Hoy! Anna! Bumangon ka na nga dyan! Kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig!!"

"Eh bakit ba? Natutulog pa yung tao iniistorbo mo na."

"ANO?!! Nakong bata ka. Makakatikim ka sakin.."

(silence)

"Hay! Buti naman." makatulog nga ulit..

Zzzzzzz

(tunog ng susi)

Bangggg !!! (Binuhusan ng tubig)

"Arghhh!! Bakit ba?!! Kailangan ba talaga malamig na tubig?! Mamang naman eh!"

"Pasalamat ka nga at hindi mainit na tubig ang ibinuhos ko sayo. Bumangon kana nga dyan", batang to talaga oh

"Eh bakit ba ? Anong meron?" sabi ko

"Malalate ka na po sa school niyo. Mag aalas otso na" , hay nako!

Oh my god oh my god!!

"Ha? Ba't ngayon nyo lang ako ginising. Argh! Mang naman eh" first day pa naman ngayon sa school. Tsk -_-

"Nako kang batang ka! Maligo kana nga dun. Mamatay ako ng maaga nang dahil sayo"

"Eh! Mang, wag ka namang ganyan. Sayang ang beauty mo no. Alam mo namang mahal kita eh"

(Sabay kiss sa cheeks)

"Ses. Mambola pa.. Maligo kana nga dun."

"Sige Mang. I love you.."

******

Yan ang Mamang ko. Si Theresa Garcia, 30 years old, isang government employee.

Laging wala sa bahay kasi busy palagi sa office.

Every sunday lang sya buong araw naming makakasama. Kasi sa sabado mag o-overtime sya sa araw, uuwi rin pag hapon.

May pagka highblood talaga si mamang ko, kahit maliit na bagay magagalit siya at dinadaan sa lakas ng boses.

Pero kahit ganun cya, love ko parin cya :)

******

(Lumabas sa kwarto)

"Mang tapos na po ako. Tayo na"

"Mag almusal ka muna anak. Sasabay na tayo sa papang mo. At bilisan mong kumain ha."

"Opo mang" oy si papang ko

"Good morning pang :)"

"Good morning din anak. Kain kana dyan"

"Sige po pang", sabi ko

******

Yan ang dakila kong Papang. Si Amando Garcia, 37 years old, isa ding government employee tulad ni mamang.

Siya ang lagi naming kasama sa bahay. Taga hatid at taga sundo namin sa pang araw-araw. In short, siya ang superhero/driver namin.

Kahit na government employee ang mga magulang ko, di kami mayaman, di rin kami mahirap. Nasa average level lang kami :)

******

"Anna nasan na ba yung mga kapatid mo. Malalate na tayo oh. Pakicheck nga kung tapos naba silang nagbihis."

argh! ano ba naman to, utos ng utos -_-

"Sige po mang"

(pumunta sa kwarto ng kapatid niya na babae)

Tok tok tok

"Lucy halika na. Malalate na tayo."

"Eto na ate. Patapos na po."

"Bilisan mo na diyan para makakain na tayo."

"Sige po.."

******

Ay. Nakalimutan ko nga pala. Tatlo kaming magkakapatid. 2 girls and 1 boy.

Lucy Garcia, 8 years old nasa Grade 3 na ngayon. Sa mata ng mga magulang ko, sya ay matalinong bata. Well , agree din naman ako dun. Pero pambihira, sa school lang nagmamarunong tapos sa bahay ala senyorita. Diba nakakainis ? Argh!!

******

(pumunta sa kabilang kwarto)

"Cj bilisan mona diyan. Malalate na tayo. Tapos ka na ba jan?"

"Oo. Palabas na ate."

"Bilisan mo!"

******

My one and only brother. Cj Garcia, 12 years old, mala heartrob sa school nila. Ewan ko ba ba't naging ganun. Di naman ka gwapuhan -_-

Joker sa bahay namin. Maraming pakulo para lang mapatawa niya kami. And it actually works.

******

Hay. First day of my highschool years. Ano kaya mangyayari sakin dito? I hope it would be fun and EXCITINGGGG !!! :D

Hi. I'm Anna Garcia, 13 years old, 1st year highschool pa lamang. Chubby, average ang beauty, mabait minsan bad girl, average din yung IQ ko, energetic, i can sing, dance and act. You wanna be my friend ? :)

Anyway, this is it. My highschool years starts now.
YEAAAAHHHHH !!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STORY OF MY LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon