Chapter 2: Interrogation Time

7 0 0
                                    

 *April 18, 2015 (Saturday)*

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

Kakadating lang namin ni Ate Sandy sa bahay. Papasok na ako ng kwarto ng maalala ko yung nangyari kanina. Ibang klase talaga yung lalaking yun. GHAD! Nakakahigh blood siya. Makapasok na nga sa kwarto... Haaays. Sobrang laki talaga nitong bahay na ito para sa amin ni Ate Sandy. May apat kasing kwarto dito sa taas, yung dalawa are Ate Sandy's and my room, and the rest are guestrooms. Actually 2-storey building ang house namin with rooftop. I love going in our rooftop. Ang sarap kasi ng hangin and it's quiet up there— it's so relaxing. Ooops. Maliligo pa pala ako, baka naghihintay na yung pulis sa baba. HAHAHA. Ciao!


After 100 years... I'm done! Ang talaga ko talagang maligo, pero actually I have a lot of rituals to do inside my bathroom. I really do this every day kaya maaga akong gumigising para lang dito, just to make sure I won't get late.


*Phone ringing* 

~Sometimes, you gotta be bold!

Just rock the world! Boo-yah

Lalala lalala lalalala (Happiness)

Lalala lalala lalalala~


Oh? Sino naman kaya ito? Unregistered number eh. Baka stalker? Baka kidnapper na nagkamali ang dinial na number? WAAAH! Sagutin ko na nga lang!


"Hello?" I answered. Baka kidnapper nga ito. Wag naman sana~

"Hi Mahal ko!" Si Kent? GRRR! Hindi ba talaga niya ako titigilan? Mapapatay ko itong batang ere.

"What the! Ano bang itinawag mo huh?" Inis na sabi ko sa kanya. "Uhmm. Wala naman Mahal. Namiss lang kita eh. Gusto ko sana pumunta dyan sa bahay niyo." sagot niya sa akin. Niloloko ata ako nito ah!

"Hoy Kent! Wag mo akong pinaglololoko dyan huh! Baka gusto mong patayin kita?!" sabi ko sa kanya. Kapal talaga ng mukha nito.

"Oo sana Mahal eh. Gusto kong patayin mo ako— sa pagmamahal mo." sagot ni Kent. Aba! Alam talaga nito kung paano ako mainis ah! Sasakalin talaga kita, pag nakita kita!

*Blush* "Heh! Tumigil ka nga! Seryoso ako Kent! Sige na ibababa ko na 'to. Bye." hindi ko na kaya kakulitan niya. Arrgh! Kaya pinagtaasan ko siya ng boses.

"Hehe. Okay Mahal. I love you! Bye." he said. Kinilig ako? OMG! No way! "Heh!" yan na lang sinagot ko sa kanya. And I hang up my phone.

Kainis talaga oh! Badtrip talaga yang si Kent. Diba pwedeng time out muna sa kakulitan niya? Haaays.

"Hannah! Baba na dyan. Let's have our dinner already!" Ate Sandy shouted.

"Okay po Ate. Pababa na!" sagot ko, while combing my hair. Bango ko na! I'm just wearing my usual attire— shorts and t-shirt. Pagbaba ko may narinig akong may kausap si Ate Sandy sa phone. Bigla akong kinabahan kasi baka kausap niya si Kuya. And suddenly, lumingon siya sa akin. As expected, si Kuya nga.

"Okay Kenz! Wala namang nanliligaw sa amin. Ang OA mo!" sagot ni Ate Sandy habang naka pout pa.

"Wala nga eh! Promise Kenz!" sagot ulit ni Ate Sandy habang nakataas ang kanang kamay.

"Bye na Kenz. I know your busy. You take care, okay? Bye!" paalam ni Ate Sandy kay Kuya and hang up the phone.

"Sandy! Hannah! Halina kayo dito at kakain na." tawag ni Manang Cecile sa amin. "Opo Manang. Papunta na po kami." Ate Sandy answered. At tumingin sa akin. Sheymms!

"Oh! Tara lets Baby!" Ate Sandy again at inakbayan ako. "We'll talk later. Okay?" sabi niya at umupo na. Umupo na rin ako sa tabi ni Ate Sandy. Sa harapan naman namin si Manang Cecile at Mang Bert, driver namin.

"Hannah, magdasal ka na." Manang Cecile requested.

"Let's pray. Father God in Heaven. Thank you for the food that is here in front of us. Thank you for the good health and for the blessing that You have showered unto us. We love you Father. AMEN." And my prayer ends.

"KAINAN NA!" Ate Sandy yan. Ang takaw talaga nito, pero bakit ganun? Hindi siya tumataba! Grabe.

"Hija! Hinay-hinay lang naman. Baka mabulunan ka." sabi ni Manang Cecile kay Ate Sandy at binigyan ng tubig si Ate.

"Sorry po Manang. Ang sarap niyo po kasing magluto." sabi ni Ate Sandy at nginitian si Manang. Aba! Nambola pa.

Haaayss. Ang ingay niya talagang kumain. Kumain na din kaya si Kent ngayon? Ooops. Walang ano mang ibig sabihin yun huh. Sadyang nag-aalala lang ako kasi hindi yun kumakain pag hindi ko siya tinetext na kumain na. Geez. No choice, kaya I texted him.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =  TO: KENT

Hoy! Kumain ka na dyan huh. Pag hindi talaga Kent. Malilintikn ka sa akin.

*SENT!*

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

~Oh I Swear

Oh I Swear (promise you baby)~

I open the message that I've receive.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

FROM: KENT

Yiiiee. Kinilig naman ako Mahal. Opo kakain na. Akala ko hindi ka na magtetext. Hindi sana ako kakain. Ge' I love you. <3

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

I smile. What?! Wala yun huh! Wala talagang meaning yun. Promise!

(In denial ka din nuh? Haha xd)

Tumahimik ka Author! Story ko ito! Wag kang epal! Maghintay ka sa susunod mong story about your life. Hmmp.

(Hahaha. Oo na. Defensive ka din. O siya! Babosh!)

Heh! Kainis talaga oh.

"Tapos na po ako Manang! Punta lang ako sa sala. At Hannah, sumunod ka lang doon." Ate Sandy said at ngumiti ng nakakaloko. OH! MY! G!

Geez. I wanna collapse right now. OA man, pero feel ko hindi ko kakayanin yung mga itatanong niya sa akin mamaya. *Cross fingers*

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

 Hello sa inyo! Patawad po sa isang taong delay ng update. Araw-araw kasing busy. Hindi ko kayang mag-update dahil narin sa marami akong iniisip pero ngayong summer I'll try to update this story everyday. Try lang naman. hehe. Sana maappreciate niyo itong story na 'to.

By the way, sorry guys ito lang nakayanan ko eh. Babawi na lang ako next time. Salamat sa support niyo. GOD BLESS. :)

VOTE. COMMENT. :*


P.S. Guys! Plug ko lang other story ko. It was entitled "BOYS LIKE BOYS (A GAY LOVE STORY)". Tsaka paki follow din ako. hehe. Thank you so so so much madlang people!

P.S.S 'Salamat sa 190+ reads guys. Masayang masaya ako ngayon dahil dito! Sige ayun lang. :* :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey! I Love You! (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon