You are my Sunshine

87 6 0
                                    

Matamang pinanood ni Gun ang likuran ng lalaking kasalukuyang tumutugtog ng piano sa kanyang harapan. Ang malapad nitong likod, maayos na pagkakasuklay na buhok, at malinis na piyesa na tinutugtog nito ay sapat na upang maglaro ang mga paru-paro sa kanyang tiyan.

Palihim siyang napangiti.

"Mas masaya bang panoorin ako ng palihim?" Tanong nito. Ngayon ay bahagya nang nakaharap sa kanya.

Lumabas siya sa tinataguan saka nahihiyang tumango. Naalala niyang ganoon din sila unang nagkita. Isa ito sa mga sundalong hapon na dumating sa Pilipinas ilang taon pa lang ang nakakaraan. Nakakatuwa dahil mabilis nitong natutunan ang kanilang salita.

Ngumit siya sa sarili nang maisip na siya ang nagturo rito.

Tinapik nito ang espasyo sa kanyang tabi habang nakangiti. Lumapit siya rito saka umupo sa tabi.

The other night, dear, as I lay sleeping
I dreamed I held you in my arms
But when I awoke, dear, I was mistaken And I hung my head and I cried

Mahinang sinabayan ni Gun ang mabagal na himig ng kanta. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat nito habang ang mga kamay ay nakayakap sa braso.

"Nagalit ka ba sa 'kin noong nakita mong pinanood kita sa sapa?" Tanong niya.

Umiling si Off, ang ngiti ay mas lalo pang lumapad. "Bakit ako magagalit sa 'yo? Karangalan kong mapanood mo habang nililinis ang katawan ko." Mahina itong natawa matapos sabihin iyon.

Namula ang mga pisngi ni Gun dahil sa hiya. Mahina niya itong pinalo saka napanguso. "Pero sinungitan mo ako noon!" Aniya.

"Para makuha ang pangalan mo." Saad ni Off.

You are my sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are grey You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away

Habang tinititigan ang mukha nito, napansin niya ang maliit na peklat sa itaas na parte ng noo nito. Marahan iyong hinaplos ni Gun. "Masakit pa rin ba?" Tanong niya.

Umiling ito. "Peklat na lang iyan. Matagal nang naghilom." Anito.

Nagbaba ng tingin si Gun. Nakuha ni Off iyon nang pumutok ang nalalapit na pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Magulo ang pangyayari noong panahong iyon pero hindi malilimutan ni Gun kung paano siya niligtas ng sundalong hapon na dapat ay lumalaban para sa sarili nitong bansa.

"Sana ikaw din." Marahang saad ni Off sa kanya. "Huwag mo ng alalahanin ito, hm? Maliit na sugat lang ito." Dagdag nito.

I'll always love you and make you happy If you will only say the same
But if you leave me to love another
You'll regret it all some day

Tinignan ni Gun ang mga mata nito saka pilit na ngumiti. Ang malalim na biloy sa kaniyang pisngi ay nagpapakita. Tumango siya saka muling isinandal ang ulo sa balikat nito.

You are my sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are grey You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away

You told me once, dear, you really loved me
And no one else could come between But now you've left me and love another
You have shattered all my dreams

"Kung papipiliin ka muli at alam mo ang mangyayari noong araw na iyon, may magbabago ba sa desisyon mo?" Tanong ni Off.

Tinutukoy ang araw na nakuha nito ang maliit na sugat sa kanyang noo. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang buong pamilya ni Gun. Umalis ang mga ito noong araw na iyon sa kaalamang magkakagulo sa kanilang bayan.

Pinilit isama noon si Gun pero hindi siya pumayag. Alam niya kasing uuwi si Off sa kanya matapos ang digmaan.

Mabilis siyang tumango. Nakita niya ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga mata nito.

"Noong araw na pinipilit nila akong sumama sa kanila, nag-alangan akong manatili rito para sa 'yo. " Aniya.

"Pero kung papipiliin man ako muli, ang magbabago sa desisyon ko ay ito," inilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito saka bumulong.

"Pipiliin kita nang buong puso. Nang walang pag-aalinlangan."

Mabilis na nagbago ang mga mata nito saka malapad na ngumiti. Lumingon ito sa kanya.

"Kasi mahal mo ako?" Tanong nito.

Tumango siya.

"Mahal na mahal."

You are my sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are grey You'll never know dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away

"Mahal na mahal din kita." Saad nito kasabay ng pagtatapos ng tinutugtog na piyesa.

Humarap ito sa kanya pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang niyang pisngi. Pumikit si Gun habang dinadama ang mainit nitong mga kamay. Hinihintay niya ang pagdampi ng labi nito sa kanya ngunit hindi iyon nangyari.

Dumilat siya. Ang una niyang nakita ay ang malungkot nitong mga mata.

"Mahal na mahal kita." Anito muli.

"Kaya ayokong nahihirapan ka nang ganito." Dagdag nito. Kita ni Gun ang dahan-dahang paglandas ng isang butil ng luha sa mga mata nito.

"Off..." Marahan niyang sinambit ang pangalan nito.

"Isang taon na, mahal ko, tama na ang oras na iyon. Maaari mo na akong pakawalan, hm?" Mahinang saad nito.

Kasabay ng pagtatapos noon ay ang sunod-sunod na alaala mula sa digmaang iyon. Tama. Niligtas siya ni Off doon. Nakuha nito ang maliit na sugat sa kanyang noo dahil sa kanya ngunit matapos noon, muli itong umalis para lumaban.

Umalis ito at hindi na muling nakabalik pa.

Lumandas ang luha sa kanyang mga mata. Ang imahe ng Off na nasa kanyang harapan ay unti-unting lumabo dahil sa mga luhang nakaharang.

"Paano kung ayaw ko?"

"Kailangan."

"Gusto mong maghilom ang maliit na peklat na ito. Pero ito," Inilapag nito ang kamay sa kanyang dibdib.

"Ibang klaseng sugat ang iiwan sa 'yo nito. Mas malaki, mas malim, pero kailangan mong tanggapin. Mas kailangan nitong maghilom."

Umiling siya at pilit itong niyakap.

"Ayoko..."

"Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako." Nakangiting saad nito. Ang malungkot na mga mata ay mataman siyang tinititigan.

"Mahal na mahal kita." Bulong nito muli sa kanya.

Mabagal na tinipa ng mga daliri nito ang piano.

You are my sunshine, my only sunshine

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OffGun One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon