Chapter 5

9 2 0
                                    


Pinagpagan niya ang suot na damit then he quickly stood up. He was wearing a white polo and black jeans. Honestly I'm not sure kung tama ba ang kulay nang damit nito na nakikita ko sapagkat ang nagbibigay lang ng liwanag samin ang silver screen sa harapan.

He ran his hand through his hair. I kept looking at him and noticed na namumungay ang mata niya as if he had just woken up.

When our eyes met I immediately averted my gaze.

"Rare?" Napalingon siya sa gilid ko para kumpirmahin kung sino ang tumawag sakanya.

"What are you doing here?" Tanong ng lalaki habang nakatingin sa katabi ko. Alice looked at me-- Nagsusumamo ang mga mata nito na animo'y tulungan ko siyang magpaliwanag. So i don't have a choice but to help her.

Wait do they know each other?

"He's my cousin" Sambit ni Alice na parang nabasa ang nasa isip ko.

I looked at the man and noticed that he was also looking at me. It was obvious on his face that he was waiting for an answer. Tumikhim ako at nag-isip ng tamang salitang gagamitin. Bakit ba kasi kailangan sabihan pa siya feeling magulang lang? kalalaking tao napakachismoso.

"You look familiar" Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nauna

Natawa si Alice bago kami tinapunan ng tingin.

"Paanong hindi magiging pamilyar. Dinala mo na si Fleur sa bahay eh" Pagsabat ni Alice na ikinagulat ko. Anong pinagsasabi nitong babaeng 'to? kailan pa ako sumama sa mga walang kwentang lalaki. 

Tumingin na naman ang pinsan niya at hindi nahihiyang sinuri ang itsura ko na parang may inaalala

"Ikaw nga ang babaeng nakita ko sa play ground at inuwi ko sa bahay" I rolled my eyes when he suddenly smile.

I covered my ears nang pumailanlang ang napakalakas na tunog na nanggagaling sa silver screen. Mabilis pa sa alas kuwatro na napadako ang mata namin dito para tignan kung anong nangyayari, Purong puti lang ang makikita hanggang sa bigla itong mamatay na nagdulot na naman ng kadiliman sa paligid. Wala pang isang minuto ng bumukas na naman ito at may mga pangalan na lumalabas sa screen na halatang pinapakilala ang mga bidang gaganap sa movie na gagampanan.

Kasalukuyang pinapakita ang food court sa background ng palabas. Hindi karamihan ang tao na nakaupo sa iba't ibang table at kapansin na pansin na sa bawat isang table isang tao lang ang pinapayagang maupo. Pinagmasdan ko ang mga ekpresyon ng mga characters kaya lang bakit wala akong makita ni kahit anong emosyon sa kanila, mga robot ba sila or ano? Wala rin kahit anong boses na maririnig tanging tunog lang ng cutlery, plates, foot steps, ang nangingibabaw sa scene. Ang weird lang.

Pinakita ang nangyayari sa labas ng food court at may malaking warning sign na nakalagay sa gilid ng parang white board. Nanliit ang mata ko nang mabasa ang nakasulat.

"No one is allowed to talk. Respect our rules if you don't want to put yourself in danger."

Narinig kong may pumalatak sa tabi, sigurado ako na hindi ito galing sa palabas.

"Kalokohan" Seryosong sabi ng pinsan ni Alice

Naupo na kaming tatlo para mas makapanood ng maigi. Nagpalit kami ng puwesto ni Alice at siya na ang nasa gitna ngayon. Napahawak ako sa magkabilang braso ko nang lumamig ang paligid tinodo ba yung aircon? Pakiramdam ko nasa loob ako ng refrigerator. Napatingin ako sa dalawang tahimik na nanonood sa gilid na tila walang pakialam kahit halos mangatog na ako sa lamig, bakas sa mukha nila na hindi sila tinatamaan ng ginaw. Ngunit nagkamali rin ako kalaunan sapagkat makalipas lang ang ilang segundo napahawak na rin si Alice sa braso niya na ginaya rin ng pinsan niya, Aba nakakaramdam naman pala akala ko ako lang.

Abandoned MallWhere stories live. Discover now