Nagising ng isang araw,
Ikaw ay aking natanaw.
Sa'yong magagandang ngiti,
Ako bigla'y nahumaling.
Madalas kitang makita,
Sa ganda ng iyong mukha,
Ang kabutihan mo'y kita.
Tibok ng puso'y iba na.
Ikaw sa'kin nagpakita,
Ng kabutihang 'di akala.
Ako ay iyong napansin,
May pinakitang damdamin.
Pagmamahal na akala,
Nadama'y di naman pala.
Ako nama'y naniwala,
Sa huli'y naiwang wala.
Natatanging lungkot lamang,
Sa puso ay tanging laman.
Sakit nitong nadarama,
Halos ako'y mapatay na.
Heto ako't nag-iisa,
Pilit ngumingiti kahit na,
Sakit sa puso'y buhay pa.
Naririto't kaybigan ta.
Nakilala at Minahal,
Pinaasa at Umasa,
Nasaktan at Nagdurusa.
Sa huli'y kaybigan lang pala.
BINABASA MO ANG
Ang Bakas
PoetryNa-fall. Na-inlove. Pinaasa. Umasa. Nasaktan. Lumuluha. #Friendzoned