Sa hospital,stable na ang lagay ni Caloy,si Nica nag-iisip ng sa gastusin ng kapatid,ilan araw na din na nakaconfine dun ang kapatid,sa pangaraw-araw na gastusin nila,kahit papano nakakaraos sila,pero ngaun hindi nya alam kung pano at san nya kukunin ang pera.Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may lumapit sa kanya na 2 pulis.
"Ikaw ba si Janina Carmela Agustin?tanong ng matabang pulis
"Ako nga po"sagot ni Nica
"inaaresto ka namin sa kasalanan ng Physical Injury"
"Ho,ako?' gulat na tanong ni Nica
"Sumama ka na sa amin"
lumingon sya kay Lyca na noon ay ngbabantay kay Caloy
"aalis lang si ate saglit ha"sabi ni Nica
Sumama si Nica sa mga pulis,at sinamahan siya ng kaibigan nya din si Amalia
Tahimik lng si Nica pagdating sa presinto at ibinilin sa kaibigan ang mga kapatid.Hindi sya madalas umiyak,matibay ang dibdib,pero ngaun nalulungkot sya para sa mga kapatid.
"Agustin,may dalaw ka"sigaw ng pulis
Dalaw?dalawang oras pa lang akong nandito ?sa isip ni Nica
Lumabas siya at nakita ang kanyang dalaw na agad ngpataas ng kanyang dugo
Dali-dali cyang lumapit dito at binigyan ito ng malakas na sapok sa ulo na ikinagulat nito at tumayo
Mukha naman talagang kagalang-galang ang lalaki,at nagsalita ito
"Nakulong ka na lahat-lahat matapang ka pa din"
"Diyos ka ba?para sambahin ko?tandaan mo nasa hospital ang kapatid ko dahil sayo! sigaw ni Nica
umiling lang ang lalaki,at nagslita sa pulis
"Aalis na ako,kayo na bahala sa babaeng yan" sabay talikod
"Ms,hindi nyo ba kilala yun lalaking yun?tanong ng pulis kay Nica
"Hindi,kriminal siguro,sindikato,kapal ng mukha,inunahan ako sa pagsampa ng kaso"tuloy-uloy na litanya ni Nica
"Ms,si Mr Viktor Apacible del Tierro yun,anak ng may ari ng textile at mga hotels d2 sa bansa natin"sagot ng pulis
Inirapan ni Nica ang pulis
"oh eh ano ngaun?kelangan ko na lumuhod sa kanya?
Natawa ang mga pulis,at binigay ang papel na pinapipirmahan sa kanya
hindi man nakatapos ng elementary si nica,nakababasa naman siya,
Releasing Paper? wla pang 2 oras lalaya na siya...
BINABASA MO ANG
abakada,mahal nga kita!
RomanceSi Janna Carmela Agustin a.k.a Nica in short...ang sosyal ng pangalan pero reyna siya ng kalsada. Simpleng dalaga?mahinhin?malayo sa description nya.Maganda?pwede na din,o talagang malakas lang ang loob niya.Feelingera?Oo!! Si Viktor Apacible Del Ti...