GRAMMATICALLY ERROR.
TYPOGRAPHICAL ERROR.prologue.
"Dria! Aalis na tayo! ang tagal mo namang mag bihis, mahuhuli tayo doon sa simbahan! jusko kang bata ka!" sigaw ni Mama, nag susuklay nalang ako ng buhok ko. Pupunta kami ngayon sa binyag ng pamangkin ko, anak ng pinsan ko.
"Wait lang po! pababa na!" sigaw kong pabalik, nagmadali na akong bumaba dahil kung hindi pa ako bababa ngayon ay papaulanan ako ng sermon ni Mama.
"Jusko kang bata ka, ang ganda ganda mo na ha, bakit ba kailangan mo pang mag-ayos ng matagal ha? Siguro, may boyfriend ka na---"
Pinutol ko yung sasabihin niya. "Ma! 17 years old pa lang ako, ayoko muna mag boyfriend boyfriend na 'yan, sakit lang 'yan sa ulo." naubo s'ya kunwari sa sinabi ko. Totoo naman yung sinabi ko, sakit lang 'yan sa ulo, sa una lang masaya 'yan nako, kahit wala pa akong nagiging boyfriend, alam ko na masasaktan ka lang dahil sa pag-ibig na 'yan. Nakikita ko kasi sa mga kaibigan ko na umiiyak sila dahil niloko, iniwan, pinaasa sila, kaya ayoko mag boyfriend.
"Mag 18 ka na kaya! baka pangarap mong maging madre? jusko kang bata ka gusto ko ng apo," inirapan ko nalang si mama dahil sa biro niya.
Bakit kaya gan'to si Mama, parang gusto n'ya na ako paalisin sa puder niya.
"Ano ka ba naman Elinor! napaka bata pa ni Alexandria, at gusto mo na agad magkaroon ng apo! nako! tara na nga at mahuli pa tayo sa simbahan." Tumawa kami ni Mama dahil sa sinabi ni Lola, alam ko naman na nagbibiro lang si mama.
Sumakay na kami sa sasakyan ng Tito ko, sinundo niya kami para sabay sabay na kaming pumunta sa simbahan.
"Marami bang ninong at ninang?" Rinig kong pagtatanong ni mama kay Tito Elyson, kapatid ni mama.
"Medyo marami," maikli sagot ni Tito at lumingon saakin habang nagmamaneho. "Ninang ka rin diba?"
Tumango ako. "Opo, kinuha akong ninang ni ate Saira." Panunukoy ko sa pinsan ko, nanay ng pamangkin ko na bibinyagan ngayon.
Nakarating kami sa simbahan, pumasok kami sa loob at naupo sa upuan ng mga ninong at ninang, pangalawa kami sa dulo naupo, dahil sa pinaka dulo may tatlong lalaki, siguro mga ninong din.
Nagmisa lang saglit at sinindihan na yung mga kandila ng mga ninong at ninang. Noong ang pamangkin ko na ang bibinyagan ni father, tumayo ako sa kinauupuan ko dahil ako raw ang kukuha ng litrato.
Nung natapos ay tumayo ang mga ninang at ninong ng pamangkin ko at isa isa nila itong binuhat, at kinuhaan ko sila ng litrato gaya ng utos saakin ni ate Saira.
Napatigil ako sa pagkuha ng litrato dahil nakuha ng lalaking nasa harapan ko ngayon ang atensyon ko. Isa s'ya sa lalaking naka upo sa likuran ko kanina.
Matangos ang ilong, mapula yung labi, hindi singkit o hindi rin malaki ang kanyang mga mata, mapungay ang mga ito at kapag tumawa s'ya mas nakaka attract, may brace siya at halata na maputi ang kanyang mga ngipin.
"Hoy! Dria! picture na dali, para maka kain na tayo," doon pa lang ako natauhan dahil sa kalabit ni mama.
Kinuhaan ko siya ng litrato, buhat niya ang pamangkin ko.
Sana all.
"O-okay na po," nahihiyang saad ko. Ngumiti siya saakin.
Sumunod na kinuhaan ko ng litrato ay yung dalawang lalaki na mukhang kaibigan n'ya rin.
Noong natapos ang pagkuha ng litrato ay pupunta na kami sa bahay nila ate Saira, doon kasi kami kakain.
Nauna akong sumakay sa sasakyan dahil ang sakit sa balat yung init ng araw.