Casa Ela Vindado Part 1
( Horror , Adventure Genre )
( Rated SPG is an advice )
Sabado ng umaga , lalabas sana ako sa amin upang magsisibak na sana nang panggatong ay biglang umulan nang malakas .
" Anak ng p***** nga naman!! . Pagkalakas naman nang ulan ngayon ah paano na ito? "
Malungkot kong pinagmamasdan ang paligid, tila ba nagbabadya na ayaw tumigil sa kakapatak nang ulan ng mga oras din iyon. Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa loob .
Sa halip tinulungan ko nalang si inay sa pagluluto nang aming agahan , samantala si itay ay nagkukumpuni ng pader nang aming bahay . Matapos naming maghanda nang aming makakain ay nag almusal na kami at saka tinulungan ko ulit si inay sa pagliligpit ng aming pinagkainan.
Nakaupo ako sa aming munting kahoy na silya habang nagbabasa ng wattpad book ay biglang narinig ko ang pinaguusapan nila
" Nanding mahal narinig mo na ba ang balita? "
" Hindi pa Amalia bakit? "
" Balita kasi maraming nawawalang mga taga rito dahil sa paghahabol nila ng kakaibang uri ng osa "
" Iyon na nga inaalala ko tara ating pagsabihan si Jana "
Bago pa nila akong puntahan dito ay inunahan ko silang pinuntahan sa kwarto kung saan sila naguusap. Tinanong ko sila kung anong klaseng osa nga iyon.Sagot ni inay ay pati sila hindi nila alam.Pinaalala nila ako na kapag may nakita akong isang kakaibang osa ay huwag ko daw hahabulin baka maging katulad ako sa taga rito biglang nawala na parang bola.Pagkasabi nila dito sa akin medyo naguguluhan at nahihiwagaan dahil osa kakaibang hayop daw . Agad na akong lumabas ng kwarto ng aking mga magulang at pumunta sa sala upang ipagpatuloy ang pagbabasa ko ng wattpad book .
Ala una e medya nang madaling araw ay bigla akong nagising dahil tinawag ako ng kalikasan . Bumangon ako sa aking higaan at lumabas ng aming bahay at dumiretso sa aming cr. Papasok na sana ako ng nakita ko ang sinasabi nilang kakaibang hayop, kakaiba ang laki nito kumpara sa ordinaryong osa, itim ang kulay , kakaiba ang hugis ng sungay , mamula- mula ang mga mata na nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng pagkabiglang kilabot, sindak sa aking sarili . Lalapitan ko sana iyon ng biglang tumatakbo ito papunta sa kagubatan. Agad ko iyon sinundan upang alamin ang misteryong bumabalot sa hayop na iyon.
Nagkataon na bilog na bilog ang buwan kaya hindi ako nahirapan sa aking pagtakbo.Nung nasa kagubatan na ako medyo nahihirapan na ako kasi hindi na tinatablan ng sinag ng buwan ang aking tinatahak na daan. Napamura na lamang ako . Nang nakaramdam ako ng pagod ay may natanaw ako sa unahan na medyo isang mala mansion na bahay, habang pinagmamasdan ko iyon ng hindi ko namalayan na iyong sinundan ko na hayop ay biglang sumulpot sa aking harapan at ipinagpatuloy ko ang aking takbo kahit hingal na hingal ako.
Nang hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng bahay, paglinga ko sa paligid walang katao tao sa halip isa iyong lumang mansion na bahay na iyong istraktura ay panahon pa ng español na napapaligiran ng mga malalaking kahoy sa paligid, at nagkalat pa ang mga lumang sasakyan . Pero ang ikinalito ng aking isip ay may bahay pala dito mismo sa kagubatan? Habang tinitigan ko ulit iyon lalo na sa pangalawang palapag , may napansin ako sa loob kung hindi ako nagkakamali isang pigura ng tao , babae siya, nasa trenta anyos na ito sa aking hula , pero nakita ko sa mga aura niya ang lungkot , lungkot na parang ayaw niya akong papasukin sa loob ng bahay. Naawa akong tinitigan siya ng hindi ko namalayan na biglang dumilim ang kalangitan kasabay iyon bumuhos ang isang napakalakas na ulan.
" Kapag minalas nga naman !! "
Bubuksan ko sana iyong napakataas na bakal na gate, nagulat na lamang ako kusa iyong bumukas kinilabotan man ay wala akong magagawa kung hindi ang pumasok sa loob.Pagkabukas ko sa doorknob ng bahay bukod sa maalikabok ito, bumungad sa akin ang isang napakabaho at maalinsangang amoy. Halos nagsusuka ako sa aking sinapit. Giniginaw man ay agad akong umakyat sa hagdanan ng pangalawang palapag kung saan nakita ko iyong babae kanina nagbabaka sakali na may mahanap akong pansamantalamang damit na aking ipagpalit.
Nung nasa labas pa lamang ako ng kwarto ng pangalawang palapag,agad ko iyon binuksan ng biglang napako ako sa aking kinatatayuan, isang kasindak sindak at nakakapangilabot na pangyayari aking nasaksihan : nakita mismo ng aking mga mata kung paano pinatay ang buong pamilya , winakwak ang katawan nila isa- isa ng isang nilalang na mukhang pamilyar sa akin hindi pa nakuntento pati lamang- loob at puso ay kinuha at kinain pa niya na mukhang nasasarapan iyon sa kanyang ginawa habang tumatagaktak ang preskong dugo sisigaw na sana ako biglang lumingon sa akin iyong nilalang papasugod iyon sa akin ng mapasigaw ako
" Aahhh!! . Huh? P paanong?"
Nagulat lamang ako na nakahiga na pala ako mismo sa higaan ng pinuntahan ko na kwarto ng pangalawang palapag kanina , ng may pumukaw sa aking atensyon , ang larawan ng buong pamilya isang napakasayang pamilya kung tutuusin.Nilapitan ko iyon at tiningnan ng maigi ng may repliksyon ng isang nilalang ang nasa likod ko.Nangangatog man ay nilakasan ko ang aking loob. Paglingon ko iyon ang osa na hinabol ko kanina pero ngayon isa ng naglalaway na osa ang nasa harapan ko na handang sakmalin ako kahit ano mang oras. Napasandal na lamang ako sa pader habang ginagalaw ko ang isa ko pang kanang kamay ,naghahanap ng sandata upang pangdepensa sa halimaw na nilalang na nasa harapan ko ngayon na may mahawakan akong isang basag na salamin kinuha ko iyon at itinutok sa kanya habang papaatras akong lumabas ng nasabing kwarto . Binilisan ko ang aking takbo papalabas ng nasabing bahay ng naunahan ako ng halimaw, sinakal, inangat sa ere at saka ibinagsak sa sahig. Dahil sa pagkakabagsak ko ay nahihirapan akong bumangon kahit masakit ang aking likod ay ipinilit kong igalaw ang aking katawan. Papalapit na sa akin ang halimaw habang ako naman ay nakaupong itinulak ang aking sarili paatras sa pintuan upang sana maisalba ko man lang ang aking buhay pero huli na ang lahat, gamit ang matutulis niyang kuko itinarak niya iyon sa aking tiyan na para bang kinakalkal pa nga niya iyong mga lamang loob ko at saka isa-isa niyang kinain ang mga iyon.Nakangiting humarap sa akin ang halimaw at hindi pa nakuntento sa kanyang ginagawa , gamit parin ang matutulis niyang kuko ay itinarak iyon sa aking dibdib at kinuha iyong tumitibok ko pang puso at saka nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Casa Ela Vindado
HorrorIsang Misteryosong Osa ang gumagala sa Santa Iglesya. Madami na itong nabibiktima na taga doon Abangan sila si Erick, Cain at Jana sa isang mala demonyong adventure Welcome to my Home Hell👿👿👿