Casa Ela Vindado Part2
( Horror, Adventure Genre )
( Rated SPG is an advice )
( Erick vs Cain )
Ako si Erick ,dalawampung walong taong gulang, isang private 1st class ng phil army. Kasalukuyang nasa assigning area kami ng aming lugar ng may natanggap ako na isang tawag galing kay tita amalia na ina ng gf ko na si Jana pero nakapagtataka nga lang bakit kaya tumawag si tita sa akin agad akong kinutuban ng masama. Agad kong sinagot ang tawag ni tita
" Magandang araw po tita , anong sadya niyo at napatawag kayo sa akin ng maaga?" Tanong ko
" E erick s si J jana mo " nauutal niyang sagot
" Anong nangyari kay Jana tita? "
Tanging iyak na lamang ang naisagot ni tita ng mga sandali din iyon , pagkatapos itinurn off niya ang tawag sa akin. Blangko pa rin ang pag iisip ko habang naka duty kami.Nahalata iyon ng isa sa kabaro ko
" Buddy anong nangyari?" Tanong ni pfc Kyle sa akin
" W wala buddy" sagot ko
" Ka buddy kita iyang aura mo alam ko na iyan ,may nangyari ba doon sa Santa Iglesia? "
Huminga ako ng malalim at sinagot ko siya. Nang mapagtanto niya ang lahat sinabihan niya ako na mas mabuti pa raw magpare assign ako sa amin upang masagot ko daw ang iniisip ko ngayon. Tama naman siya bakit ko pa hindi inisip iyon kanina pa.Nang matapos na kami sa aming duty ay sumakay na kami ng army truck papunta sa headquarters .
Pagkarating namin doon, agad kong pinuntahan ang opisina ng general commander namin bilang pagrespeto sa nakakataas na ranggo sumaludo ako at saka umupo. Kinausap ko siya na kung maari ba ay magpare assign ako sa amin , tinanong niya ako kung bakit may naka away ba raw ako o ano pa . Sagot ko ay wala sir may mabigat lamang akong dahilan napaka controversial .Biglang tumahimik , kinalaunan pumayag siya na ayaw sana niya akong bitawan kasi sa lahat ng PFC niya ako daw ang mas nakakaangat kahit papaano pinagaan niya ang aking kalooban na kanina pa ay nakaramdam ako ng masama simula nung tumawag si tita sa akin. Inabot ni sir sa akin ang isang papel na pirmahan ko daw at pagkatapos isi signature na niya iyon tanda ng simula ngayon effective na iyong pagre assign ko sa lugar namin sa Santa Iglesya .
Agad kong natapos ang pinagpirmahan ni sir sa akin at pati sa kanya, tumayo ako muli at saka sumalodo bilang pasasalamat na pinayagan niya ako kahit labag man mismo sa aking kalooban at saka lumabas na ako ng aming opisina.
Gabi na habang kumakain kami ng sinugbang isda na may kasamang kanin, ay tinanong ako ulit ni Kyle
" Buddy ,diba taga Santa Iglesya ka?"
" Oo kakasabi ko iyan sa'yo kanina pa bakit?"
" Tsktsktsk , mukhang napag iwanan ka na ng panahon nuh hehe " pabiro niya
" Kyle!! " naiirita kong sagot
Napalagok lamang ng laway siya at nagsalita ng
" Sorry buddy di ka naman mabiro oh "
" Ano ba kasi ang sasabihin mo sa akin?! "
" Bali- balita kasi na sa lugar niyo ay maraming missing person na ang dahilan daw ay sa misteryosong osa na ang sabi nambibiktima daw kung sino ang ma tyiempohan ay wala kang ligtas "
" May prowiba ka ba?! "
Gamit ang cellphone niya ,ay may ipinakita siya sa akin na isang litrato ng newspaper
MAGBABARKADA BIGLANG NAWALA !! . ANG DAHILAN ISANG MISTERYOSONG OSA .MAGPASA HANGGANG NGAYON AY HINAHANAP PA RIN NG ATING KAPULISAN ANG MAGBABARKADA NA BIGLANG NAWALA NA PARANG BULA.
BINABASA MO ANG
Casa Ela Vindado
HorrorIsang Misteryosong Osa ang gumagala sa Santa Iglesya. Madami na itong nabibiktima na taga doon Abangan sila si Erick, Cain at Jana sa isang mala demonyong adventure Welcome to my Home Hell👿👿👿