Hiro/Rainie/Unknown

70 1 0
                                    

/I just wanted u to know that I'm a RaDar shipper👻/

/This ff is dedicated to those two peeps who voted at the first chapter. Luv u <33/


————————————————————————————————

"WILL you go out with me?", basa ko sa text ni Darwin. Napalakas ata boses ko or dahil lang sa sixth sense ni Akane dahil agad siyang nagtitili at patalon--talon na lumapit sa akin.

"OMG! Kayo ha!", sinusundot sundot niya pa bewang ko. "Lmelevel-up na talaga beauty mo Akemi!", tumili na naman siya ulit. Nagpatuloy sa pag sundot si Akane sa tagiliran ko.


Nakarinig kami ng yabag na papunta dito sa amin sa kusina. Si Riye pala na nakakunot noong kinukusot kusot ang mata niya. Halatang kakagising niya lang.

"Bakit po ba kayo nag sisigawan, nee-san? Nag aaway po ba kayong dalawa?", tanong niya sa amin. I find her so cute, she's talking while her forehead is creased.

Akane giggled. "Ano ka ba, Riye. 'di ka pa ba sanay sa boses ko?", sabi ni Akane habang lumalapit naman kay Riye.

Tinapos ko na ang pagluluto at hindi ko muna nireplyan si Darwin. Nakaramdam ako ng presensya sa may bintana. Lumingon ako doon at nakita ko na naman ang boys na umaakyat.

"Hi ladies! Good Morning, yow! Makikikain kami ngayon for today's videyoww!", bungad ni Ken.

"Shut up Ken! Umagang umaga ang ingay-ingay mo!", sigaw pabalik ni Akane sa kaniya. At ayun, nagsimula na naman silang mag bangayan. Napatakip na lang sa dalawang tainga si Riye dahil nasa gitna siya ni Akane at Ken na nag sisigawan. Napailing na lang sa kanila si Reiji. Si Hiro naman, as usual tahimik lang. Tinapos ko na lang ang ginagawa ko sa kusina at naghanda na.

"Okay kids, hali na kayo, tapos na ako mag handa.", nakangising aya ko sa kanila.

Agad naman na nagunahan si Akane at Ken sa upuan. Si Riye naman ay dahan dahang naglalakad papunta sa upuan niya. Si Reiji naman tumabi na rin kay Riye. Si Hiro ay tahimik na umupo.

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Nasanay na ako na kumakain sina Ken at Akane na tahimik. Pinagalitan ko kasi sila isang beses na huwag masyado mag ingay habang kumakain. Natakot sila sa akin and I don't know why. Sabi kasi ni Ken biglang nag green daw ang mata ko habang pinapagalitan sila.

I suddenly felt my phone vibrated. Tinignan ko ulit yung message ni Darwin.

Pupunta ako d'yan. I will bring foods, luto ni Mama. Baka kasi gusto mo kaya nag tabi si Mama. Of course, I also wanted to see you. I will tell u something urgent. Probably dadating ako diyan by lunch. Is it okay with u?

Message niya.

Talaga? Damihan mo ha? Ingat ka sa pagpunta mo dito.

Reply sent.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at nakita kong nakatitig lang si Hiro sa akin. I raised my brow, mouthing the word 'what'. He just ignored me.

Kahit kailan talaga..

Napailing na lang ako sa sariling iniisip. Pagkatapos ko kumain ay agad akong umalis sa hapagkainan. Sinabihan ko sila na mauuna na ako dahil susunduin ko pa si Darwin.

Hindi ko naman sixth sense ang enhanced hearing pero narinig ko pa rin na nagbangayan si Akane at Ken habang bumubulong.

"Tsk napaka ungentleman naman ni Darwin. Amp, babae pa sumusundo"

Erityian Tribe SeriesWhere stories live. Discover now