DEANNA'S POV
Naglalakad kaming apat papunta sa parking lot. Yes opo tapos na ang klase. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita hanggang sa pinutol ni ponggay ang katahimikan.
"Mall tayo?" Humarap siya samin at isa isa kaming tinignan. Nagkatinginan rin kaming tatlo. Sabagay matagal na rin naman kaming di nakakapag mall na apat. Nung bakasyon kasi ay pumunta kami sa mga probinsya namin at doon nagbakasyon.
"Ako okay lang saken" si Maddie.
"Same, at tsaka may bibilhin din ako" sagot ko kasi kailangan ko na rin talagang bumili ng new laptop. Si Bea na lang ang hinihintay naming sumagot.
Bea naman sana sumama ka please
"I'm tired gusto ko na magpahinga, kayo na lang" walang gana niyang sagot "next time na ako sasama" dagdag pa niya. Ngumuso na lang ako dahil hindi ko rin naman mapipilit yan pag ganyan na itsura niya.
Nasa ganun kaming sitwasyon nang biglang may tumawag kay Maddie. "Ahh wait lang si daddy" agad naman itong sinagot ni maddie ang tawag sa kanya.
CALL
Maddie:
"Hello dad?"
"Yeah, opo pauwi na ako just wait for me."
"Sige dad. Byeee"
Pagbaba niya ng phone ay nagpaalam siya samin "I'm sorry may pupuntahan pala kami ni daddy. Tama si Bea next time na lang huh? Kailangan ko na ring umuwi"Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami ng parking lot.
"Mauna na 'ko. Ingat kayo" si Maddie na dali daling sumakay sa kanyang kotse.
"Ingat ka rin" kaming tatlo.
"I have to go na rin" pumasok na si Bea sa kotse niya na agad din itong pina andar. Kj naman to kakaumpisa palang ng klase ganyan na agad siya. Binuksan niya ang bintana ng kotse niya at nag babye na rin samin.
"Ingat" kaming dalawa na lang ni ponggay ang naiwan. Lumapit muna siya sakin bago tumingin ulit sa sasakyan ni Bea na papaalis.
"Tara sa mall samahan na lang kita bumili" anyaya ni ponggay. Naisip ko ay wag na lang din siguro, kaya ko rin naman bumili mag-isa.
"Huwag na, ako na lang" ngumiti ako sa kanya para alam niyang okay lang sakin na hindi na siya sumama "bukas na lang tayo mag mall pag okay na yung isa"
"Are you sure?" she asked gently. I nodded and just patted her shoulder. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa at nagsipagtungo na sa kanya kanya naming kotse. Bumusina pa kami sa isa't isa bago nagsipag alisan sa parking lot.
Nasa daan ako nang nakaramdam ako ng pagsisisi kung bat diko na lang pinasama si ponggay. Hindi naman sa hindi ko alam bumili pero kung ako lang kasi mag isa ay tatagalin talaga ako pumili. I'm telling you, one hour is not enough. Kailangan ko nang taga pili. Inis kong hinampas ang manibela at nagpapapadyak sa loob ng kotse ko. Wala akong nagawa kundi dumeretso parin sa Ayala Malls Vertis North.
Bumaba ako ng kotse at agad na pumasok sa loob ng mall. Kung sana nagpasama na lang ako edi wala akong problema ngayon, kabobohan ko rin eh no? Lilinga-linga akong lumapit sa escalator nang may mapansin ako na pamilyar sakin. Biglang tumibok ang puso ko ng napakabilis na hindi ko maipaliwanag. Dali-dali akong umkyat at tumakbo para masundan iyon.
Nasa kalagitnaan na ako nang mall ng napagtanto kong bakit ko pa siya hinahabol eh tapos naman na ang lahat. Natigil ako sa pagtakbo at napayuko na lang sa kintatayuan ko. Parang nanghina ako na hindi ko alam, tinatamad na 'ko kahit ni isang hakbang ay hindi ko na rin magawa.
"Deanna?" isang malamyang tono ng isang babae ang tumawag sa pangalan ko na alam ko ay nasa likuran ko. Kaba ang naramdaman ko ng muli kong marinig ang boses na iyon, hinding hindi ako pwedeng magkamali kung sino nagmamay-ari ng boses na yun, dahil nag-iisa lang yun na minsan ko na ring minahal.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Sobrang akong kinakabahan, wala akong masabi. Pano na to? Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya. Wala akong magawa kundi lingunin siya pero nanghina ako sa nakita ko. Hindi ko kaya yung nakikita ko ngayon, nasasaktan ako. Bakit kasama pa siya? Pwede namang ikaw lang Carly!
Si Carly ang nag-iisa kong ex, 5 months na kaming wala but I still love her ano magagawa ko? Minahal ko siya ng sobra, mahirap kalimutan ang first love kaya siguro ganito na lang naramdaman ko. I gave her everything hanggang sa wala nang natira para sa sarili ko, ganun ko siya kamahal pero iniwan niya parin ako and you know what kasama pa niya ang ipinalit niya sakin. Alam kong wala akong laban sa kanya, lalake siya at babae lang ako. Anong magagawa ko?
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita "Ohh Carly ikaw pala" nginitian ko siya, ngiti na may halong lungkot. "ka-kasama mo pala siya" uutal utak kong tanong. Ano ba deanna kailangan mo nang makaalis dito.
"Ahh si Al----"
"Yeah I know him" putol ko sa sinasabi niya, kilala ko siya Carly kilalang kilala.
"I'm sorry" napapayuko niyang sabi. Nangingilid na mga luha ko pero nilalabanan ko ang sarili ko na wag umiyak.
"Ano ka ba hahaha" kunwaring tawa ko "don't be sorry matagal na yun, okay?" pilit parin na nilalabanan ang sarili ko. Gusto ko nang umalis ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan parin ako "sige kailangan ko na ring umalis may importante pa kasi akong gagawin" pagsisinungaling ko "ingatan mo siya wag mo siyang pababayaan" huling sabi ko habang nakatingin ako sa lalake. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Agad ko na silang tinalukaran at nagmamadalilin pumunta sa kotse. Hindi ko namamalayan ay unti-unti ng tumutulo ang luha ko.
Pagkapasok ko ng kotse ay agad akong napayuko sa manibela, hawak ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halo-halo ang sakit na nararamdaman ko ng dahil lnag sa kanya. I can't take it anymore sobrang nakakapanghina.
Hindi ko namamalayan ay nakarating na rin ako ng condo ko. Yup nag-iisa lang ako rito sa manila. Nasa Cebu kasi lahat ang family ko.
Dumeretso ako sa kwarto ko at bagsak kong inihiga ang katawan ko. Nakapikit ako pero ramdam ko na naman ang luha na dumadaloy sa gilid nang aking mga mata.
Binangon ko ang kalahati ng aking katawan mula sa pagkakahiga. I took a deep breath at unti-unting pinunasan ang luha ko.
"Kaya mo yan Deanna. Makakalimutan mo rin siya" bulong ko sa sarili ko at agad na ring tumayo. Naalala ko ay hindi pa ako nakakaligo kaya dali dali akong pumunta sa cr upang maligo. Mas importante parin saken ang pagligo kesa mag emote dahil hindi ako nakakatulog sa gabi pag walang ligo, pero nasaktan talaga ako at nasasaktan parin. Sana sa susunod kung magmamahal pa 'ko sana hindi ko na 'to maramdaman baka hindi ko na kayanin.
Pagkatapos kong maligo ay nag toothbrush na rin ako. Pinatuyo ko muna ng ilang minuto ang aking buhok bago ako pumunta sa higaan ko at humiga na, dahil sa dami ng aking iniisip ay nakatulog na rin ako.