Kabanata 1
Aya
"Mahal kita , Higit pa sa buhay ko.. " . Isang seryoso at malalim na boses ang nahagip ng aking tenga .
"Alam ko nayan babe, matagal na "
"I'll always be here with you, always"
Pwe! Ang lalandi naman ng mga 'to! Kahit nasa loob ng bookstore, aba'y naghaharutan?! Maypa-always2x pang nalalaman!! Juskooonaman!! Hustisya!!
Feel ko parang sasabog na ang aking 'precious ears dahil sa kanilang pagpapalitan ng mga matatamis na nakakakilabot na mga salita.
"L-likewise Babe". Dinig na dinig ko ang pag-unga ng babae sa lalake na nasa unahan ng pila.
Jusko po! paupo saglit! Tatlong tao ang pagitan namin, pero the heck?! I can still hear them as clear as crystal clear! Hustiysa!!
Nasa isang Mega Mall ako ngayon at bumibili ng libro sa isang bookstore, unfortunately, di parin umuusad ang pila! hustisya naman oh! hustisyaa!!
Took me more than 30 minutes just to officialy buy this book! T_T
"Maam, Ito na po yung change niyo "
Kaagad kong kinuha ang sukli at nagmadaling tumalikod.Pero biglang kumulimlim ang langit at bituin sa paligid ko nang nakita kong naghahalikan na sila sa harap ko pa mismo.
In front of my TWO-NAKED-EYES!
Isang lalaking matino-sa-isang-tingin look at isang maganda-ako-pwede-ba-tumabi-ka look ang nagpapalitan ng halik sa harap ko.
Di ako umimik for a sec habang kinukunot ang buong mukha ko para i-internalize ang nakikita ko ngayon. Para bang si guko kapag nagcha-charge? yan, yan ang mukha ko ngayon!
"WHAT THE HELL? , THIS IS NOT THE APPROPRIATE PLACE PARA MAGHARUTAN KAYONG DALAWA! DUN KAYO SA MGA HOTEL HINDI DITO! JUSKO NAMAAAN! HUSTISYA!! DI BA KAYO NAKOKONSENSYA SA INYONG GINAGAWA HA?! PINAPAARAL KAYO NG MABUTI NANG MGA MAGULANG NIYO, TAPOS YAN LANG ANG ISUSUKLI NIYO SA KANILA? HA? ANG MAKIPAGHARUTAN HA?! HA!!!! HUSTISYAA!! ". Parang makinarya ang bibig ko sa walang tigil na pagratrat.
Nalaglag ang kanilang mga panga sa sahig dahil sa sinabi ko.
Nakita kong namumula na ang mukha ng babae na para bang sasabog na. At mas kitang-kita ko ang lahat ng mga mata nang mga taong nasa aming tatlo.
Hindi ko na hinintay kung ano pa ang sasabihin nila, kaya nagmartsa ako palabas ng bookstore.
Pero di parin ako nakuntento sa sinabi ko, kaya nilingon ko ulit sila. I'm just so upset right now! Hustisyaaa!!
"BETTER YET , PUNTA NALANG KAYO SA C.R ! LIBRE PA ! ". Sigaw ko sa kanila.
Nagmistulang 'Eye-Catcher of the Night' ako.. Haynako.
Pinagtitigan ako ng mga tao mula sa loob ng bookstore, maging dito sa katabi nito na music store.
"May problema ka? ha?". Tinirikan ko siya ng mata.
Agad siyang tumalikod at umiwas sa tingin ko . Ibinaling ko nalang ulit ang aking atensyon sa pagpili ng bibilhin.
Nang natapos ko na ang lahat, umorder na ako ng pagkain sa isang sikat na fastfood chain.
At halfway na para maubos ang aking order nang nag-ring ang phone ko.
"Aya?! Sunduin mo ako bebe! palabas na ako ng airport. Pleasee! Maawa ka bes! Baka mabulok ako dito! Wala kase yung driver namin kasi nag out-of-town sila mom at dad"
BINABASA MO ANG
HOPE
Teen Fiction"May pag-asa". 'Yan ang sinasabi nila pag wala ka nang kawala sa iyong mga kamalian at alam mo nang wala kang patutunguhan .Iyan ang inaasahan ng lahat ang pag-asa. Pag-asang mabuhay sa haba ng panahon . Loss of Love, Courage , Disaster and Life is...