READ IT GUYS!
VOTE AND COMMENT ALSO!
ALL RIGHTS RESERVED.
ORIGINAL STORY BY ROCKY MARTINEZ
Add me on FACEBOOK: martinezrocky57@yahoo.com.
Follow me on TWITTER: martinezrocky57@yahoo.com.
* * * * *
-chapter one-
Awtomatikong napatingin si Zaira sa suot niyang relong pambisig. Limang minuto na lang at malapit nang magsimula ang first period ng klase niya.
Mangilan-ngilan na lang ang nakikita niyang mga estudyante na wala sa room ng mga ito. Lagot na naman siya! Hindi lang ito ang unang beses na male-late siya sa klase niya.
Nagbuntong-hininga siya!
Binilisan na niya ang paglalakad dahil kapag na-late siya siguradong masasabon na naman siya ng adviser niya na sobrang sungit. Malapit na siguro iyong magmenopause kaya ganoon kasungit.
Malayo pa ang room niya dahil nasa pang-apat na two-storey building ito sa hanay ng mga pilot section. Nasa senior year na siya ng Efipania Delos Santos High School at apat na taon na siyang scholar student doon.
Kaya nga hindi siya gaanong nagigipit sa pinansyal na pangangailangan dahil allowance lang niya ang pinoproblema ng kanyang mga magulang. At ang negosyo nilang bakery ay nakakasapat na sa kanilang mga pangangailangan.
Bago siya umakyat sa hagdan papunta sa room niya ay inayos muna niya ang hawak niyang mga aklat at dalawang folder na naglalaman ng project niya sa Physics at Statistics.
Binilisan niya ang pag-akyat. Nasa pagliko na siya sa pasilyo ng biglang nabunggo siya sa isang bulto.
Naglaglagan ang mga hawak niya at hanggang ngayo'y hindi pa siya makabawi. Nanlaki ang mga mata ni Zaira ng makita niya ang project niya na natapunan ng orange juice na dala-dala ng taong bumunggo sa kanya.
* * * * *
Napangiti na lang si Albie nang malampasan niya ang mga babaeng nagpapansin at nakatingin sa kanya. Sanay na siya doon! He is the most famous crushes in campus because of his prestigious tilt. Hawak niya ngayon ang titulong Campus Heartthrob matapos niyang manalo sa kakatapos lang na pageant na Search for Ultimate Campus Heartthrob.
And he know he deserves it!
Bukod kasi sa kagwapuhang taglay niya ay biniyayaan pa siya ng Diyos ng angking katalinuhan. Kaya nga mas lalo pa siyang naging popular dahil nagfirst place siya sa ginanap na Regional Mathematics Quiz Bee nung nakaraang buwan.
Talaga ngang napakalakas ng appeal niya sa mga babae dahil siya nga ang nanguna sa ginawang survey ng Student Survey Organization ng EDSHS na Most Famous Crush in Campus.
Pero nasa top two lang siya sa kanilang section dahil kay Miss Zaira Olivares. Hindi niya alam kung bakit nagagawa siyang talunin nito.
Pero hindi siya ang tipo ng lalaking madaling magpatalo. He always get what he want. At ang gusto niya ay maging valedictorian paggraduate niya. At gagawin niya ang lahat para matupad ang gusto niya.
Habang naglalakad si Albie ay nahagip ng tingin niya ang isang food booth ng Science Club na nasa building nila.
Lumapit siya roon at bumili siya ng orange juice.
"Here's my pay. Keep the change!" nakangiting sabi niya sa babaeng estudyante na in-charge sa booth na iyon. Pag-abot ng babae sa bayad niya ay halatang sinadya nito na idikit ang kamay nito sa kamay niya.
Pagtalikod niya ay lihim siyang napangiti. Bakit kaya ang daming ganoong babae sa school nila? Madikit lang ng kaunti sa kanya masaya na.
Bigla niyang naalala ang pakay niya kung bakit nag-excuse muna siya kay Mrs. Veron na abala sa pagtuturo nito kanina.
Papunta nga pala siya sa studio dahil ngayon nagpatawag ng audition si Mrs. Gonzales para sa gagawing dula na Romeo and Juliet. Si Mrs. Gonzales ang namamahala sa Theater Club at ito rin ang kanilang Music and Arts teacher.
Uminom muna siya ng kaunting orange juice bago nagdiretso ng lakad. Pagliko niya sa pasilyo ay nagulat siya ng biglang may makabungguan siya. Bigla niyang nabitawan ang dala niyang cup ng orange juice kaya nahulog iyon at tumilapon ang laman niyon sa dalang gamit ng nakabungguan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Albie nang mag-angat siya ng tingin at nang makita kung sino ang nakabungguan niya.
* * * * *