《Ang simula》

10 4 1
                                    

Sa isang payak na tahanan sa San Jose Del Monte.



"Prima!! Diyos ko pong bata ka oo. Wala ka na bang gagawin na ibang bagay kundi ang matulog diyan!" Bulyaw ng aking ina sa labas ng aking kwarto. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mga medalya na aking nakamit sa iba't ibang patimpalak dito sa San Jose at aking paaralan. Tumingin ako sa aking gawing kanan at nakitang naiwan ko palang nakabukas ang aking night lamp habang nagbabasa kagabi. Nakabuklat naman ang librong aking binabasa sa ilalim ng lamp na pinapatungan ng aking reading glasses. Dumiretso ako ng tingin at inunat ang aking mga kamay at humikab. "Magagalit kaya si mama kung natulog ulit ako..." pinagisipan ko ito nang maigi at pinagpasyahang bumangon nang tuluyan. Pumunta ako sa aking aparador na pinakaiingat ingatan kahit wala na ang mga maliliit na pinto ng ibang lagayan. Kumuha ako ng towel at agad na lumabas ng kwarto. Katapat lang ng aking kwarto ang cr  dito sa taas. Ako'y pumasok at nagsimula ng maghilamos.

"Ma, anong almusal?" Tanong ko sa aking ina na kasama na ang aking kuya at nakababatang kapatid na kumakain na sa hapag-kainan.

"Ayan oh, Bacon saka scrambled. Jojo, hainan mo nga kapatid mo" Agad namang kumilos si kuya at tumayo upang kuhanan ako ng plato at sandukan ng kanin.

"Ano gusto mo? Bacon o scrambled?" Tanong ni kuya sa akin. "Both hehe" sagot ko sa kanyang tanong. Nagsimula na akong kumain at mas nauna nang matapos sa akin sila mama. Ilang saglit pa ay natapos na rin ako, agad kong tinungga ang isang basong gatas na para sa akin. Umakyat na ako at inantay matapos si Bunso na maligo. 

Nagtungo muna ako sa aking silid upang maghanda ng bihisan at siguraduhing nakaligpit ang aking mga gamit sa pagpasok. Inilabas ko mula sa aparador ang naka plantsa na aking uniporme. Ito ay skirt lagpas tuhod at long sleeves na may katerno na blazers at tie. Narinig kong bumukas na ang pintuan ng cr kaya dali-dali kong kinuha ang aking towel at palabas na ng pintuan nang may kumatok.

"Ate, tapos na po akong maligo" Pagpapahayag ni bunso na tapos na siyang gumamit ng cr. "Oo, papunta na. salamat" Pagkukunwaring hindi ko alam dahil minsan lang magsalita si Yohanne, sa kasalukuyan niyang edad na anim na taong gulang ay kailangan niyang matutong makipagusap at sabihin ang mga nais niyang sabihin. Pagsasawalang bahala sa ating karapatang magsalita ang manahimik kahit "Ayaw ko ng gulo." ang ating iniisip.

Tumungo na ako sa aming cr at nagsimulang maghanda sa pagpasok.


Kami ay nakarating na sa aming paaralan. Ang kakaiba sa paaralang ito ay senior high school at college students ang mga naka enroll. Hindi sila tumatanggap ng JHS at elementary. Pampubliko kung SHS ang pag-uusapan ngunit pribado kapag college ang ituturing na paksa. Si Yohanne lang ang nahiwalay na paaralan, magkasama kami ni kuya, 4th year na siya sa pagtahak niya ng The Doctor of Medicine (M.D.) Degree sa kolehiyo. Next year ay maaari na siyang maging intern.

"Dito na ako Prima, kita kits" Pagpapalam sa akin ni kuya habang patungo na siya sa kanilang building. "Okay! nasa library lang ako kasama si ate Lea!" nobya ni kuya. Nakilala niya si ate Lea sa unang taon niya bilang college student. Nagulat nalang kami ni mama may sinama siya sa family trip namin, si ate Lea. Pumayag naman si mama, pero sinabihan niya na huwag muna mag ka-anak. 

Habang naglalakad patungo sa auditorium ay may bumangga sa akin. "Tumingin ka nga sa dinadanan mo!" wika sa akin ng babae. Iniangat ko ang aking paningin at tumambad sa akinasul na headband at buhok ng kapatagan na kasindilim ng gabi. May mga ngiti sa labi ng babae kahit pagalit ang kanyang tono. "Bevvie, kanina pa kita hinahanap. Bakit ngayon ka lang?" pangiti kong sinabi sa aking kaibigan simula elementarya. "Gurlll, may commotion kaya sa labas. Feeling ko dito na natin mararanasan yung campus crushes and hearthrobs na nakikita natinsa tv tapos yung mga malditang may crush sa lalaki na bubugbugin yung bid--" akin siyang pinatigil sa pagsasalita dahil mas may halaga pa kaming dapat asikasuhin. "Oo Bev, alam ko. Mamaya mo na i-kwento yan, may mas mahalaga pa tayong dapat puntahan." Sabi ko sa kanya na mayroong kaunting tawa. "Nakita mo ba sila Ivan at Eizel?" dagdag na tanong ko. Hindi ko sila makita sa buong paligid.

Pumasok na kami sa auditorium at hindi ko na kailangang mag-alala sa kanila, nakita ko silang nakaupo na at inaantay kami habang naglalaro ng games.

"Good morning~" sabayang bungad sa amin ni Ivan at Eizel. Ibinalik namin ang kanilang bati at umupo na sa dalawa pang upuan na pinagigitnaan nila. "So...first day nervousness ba prims?" bulong sa akin ni Ivan sa kadahilanang magsisimula na ang orientation. Tinignan ko siya at nagulat siya, "Kailan ako kinabahan" tugon ko na may halong ngisi at kumpyansa sa aking sarili. Nagsimula na ang orientation.

Autumnless SpringWhere stories live. Discover now