Pangalawang Sangay.

3 1 0
                                    

Napansin ni Jean na tumahimik ang buong milktea shop at nasa kanila ang buong atensiyon, At pati narin ang kinakapatid niyang si Camille ay tahimik lang na nakamasid sa kanila lalo tuloy siyang naasar dahil ayaw niya ng atensiyon ng mga tao, Pero hinding-hindi siya papatalo sa dumoghong nanlait sa kanya...

"Eh ano naman ngayon sayo! May batas na ba ang shop na'to na bawal ang mga taong kagaya ko na hindi nag-aayos?"

"Wala naman. Pero dapat maging considerate ka naman sa ibang tao. Pumupunta sila dito para mag-relax at paano sila makapag-relax kung ikaw ang makikita nila dito?"

"Aba't, Matibay kadin ano, Hoy ikaw na dumogho ka kung hindi mo nagugustohan ang nakikita mo sakin, pwes problema mo na 'yon at tsaka sino bang nagsabi sayong tingnan mo ko?"

"I can't help it, You're distracting me" Naka kunot-noong saad sa kanya ng lakaki.

"Hindi kuna problema yan"

Binalingan ni jean ang mga ka barangay niya na andon at sabay na tinanong "Nakaka distract ba sa inyo ang hitsura 'kong ito?" Sabay namang umiling ang mga kabarangay niya..

"Oh kita mo, hindi sila na d-distract at wala silang problema sa hitsura ko, kahit mag mukha pa yata akong manang dito, Kung ayaw mong maka kitang ganitong pagmumukha, ganitong ayos, ganitong, hitsura, umalis ka hindi porket maayos ang hitsura mo pwedi muna akong insultohin, Wala naman akong ginagawang masama, walang inaagrabiyadong tao, kaya wala kang karapatan na insultohin ako sa harap ng maraming tao dahil lang sa ayos at hitsura ko"..

"I'm not insulting you"

"So ano ang tawag mo dun kung hindi yun pang-iinsulto, panlalait. Tantanan mo yang kakatingin mo sakin"

Inirapan ni jean ang lalaki at bumalik na siya sa mesa niya, Napatingin siya sa tinapay at milktea niyang nangangalahati palang, Sinubo niya ang buong tinapay at nilagok ang natirang milktea dahil sa inis niya sa lalaki. At hindi pa siya nakontento kinaha niya yung Notebook niya at binalikan ang lalaki sa mesa nito na nakasunod ang tingin sa kanya.

"Hindi porket, hindi ako kaaya-aya sa paningin mo, hindi ibig sabihin nun eh mababawasan na ang pagkatao ko. Tantanan mo' ko dahil sa susunod na mag-kita tayo at inunsulto mo ako papakainin kita ng mga ballpen at notebook ko, Badtrip ka"..

Nag mamartiya siyang lumabas sa Milktea shop ng ninong niya na hindi man lang nakapagpaalam sa kinakapatid na si Camille, Lintek! Minsan na nga kang siya lalabas sa bahay nila ma-iinsulto pa siya ng dumogho na yun, Nangangalati siya sa galit at nang makita nita ang isang puno sa daan pinag-sisipa niya nagbabaka-sakaling kahit paano ay mabawasan ang inis niya...

"Ang dumoghong yun ano ang karapatan niyang insultohin ako. May araw karin sakin dumogho ka".

Napalingon ulit si Jean nang marinig niya ulit ang boses nang lalaking dumogho na nang insulto sa kanya. Namumula pa anh mukha dahil seguro sa kakatakbo para mahabol siya. Lalo siyang nainis ng makita na nasa harap na niya ulit ang binata..

"Ano nanaman ang kailangan mo sakin huh. Bakit mupa ako sinundan, hindi kapa ba tapos sa pang-iinsulto mo saking bakulaw ka. Subokan mo ulit akong insultohin papakainin na talaga kita nitong ballpen at notebook ko.

"I'm sorry". Parang namingi si Jean ng marinig niya ang sinabi ng lalaki so ngayon mag-sosorry siya, Pagtapos ng ginawa nito parang ganon lang yun!.

"Hindi ko gustong eh offend ka"

"At sa tingin mo ganon lang kadali yun, maayos lang nang isang sorry mo ang ginawa mong pang-iinsulto sakin kanina? manigas ka! Habang buhay kitang hindi papatawarin!.

Napabuntong hininga nalang ang binata, Pero mukhang pinag-sisisihan naman talaga nito ang ginawa, Pero kahit nakikita ni Jean na nagsisisu na ang bakulaw, hindi niya parin mawala ang init ng ulo at inis niya sa bakulaw na nasa harapan niya....

Tumalikod na sana siya para hahakbang umalis ng bigla nanaman siyang hinawakan sa braso...

"Okay ano bang gusto mong gawin ko para patawarin muko?"

"Halikan mo ang talampakan ko"

Sakrastikong sagot ni Jean sa binata at sabay piglas sa ng braso niya na hawak nang binata pero bigo siyang makawala dahil ma's malakas sa kanya ang lalaki..

"Ano ba bitawan mo nga akong bakulaw ka"..

"You're being so unreasonable"

"So ngayon ako pa yung unreasonable?.

"Pwedi bang huminahon ka muna pwedi?"

Parang asar na sansala sa kanya ng binata. Nang mapansin nitong ayaw niyang mapagkumbaba. Napabuntong hininga nalang ito..

"Look, I'm really sorry okey, alam kung na offend kita. Ganito kasi ako minsan hindi muna nag-iisip pag nagsasalita, bago ko pa mapigilan ang sarili ko naka bitiw na ako ng mga salitang hindi dapat sabihin. At hindi kuna mababawi ang mga sinabi ko, Kaya humihingi ako ngayon ng tawad sayo, At ano ba ang pwedi kung gawin para mapatawad mo ako?"

"Linisan mo ang bahay namin sa loob ng isang buwan" Hindi nag-iisip na saad ni Jean.. "Tapos ikaw mag luluto sakin araw-araw"

"Okey, Deal"

Tiningnan ni Jean kung seryoso ba ang lalaki na mukhang nasisiraan na ng bait dahil nakipag deal pa talaga sa kanya..

"What sa tingin mo matatakbohan ko ang deal natin, hindi ako yung taong tumatakbo sa responsiblidad"

Nagkakamot pa ito ng ulo Sira nga seguro to..

"At isa pa, magagalit mga kapitbahay natin at ka barangay sakin kapag hindi ako makipag bati sayo, Nang naka alis ka kasi kaninana sa milktea shop, pinagtutulongan nila ako, So ano good na tayo huh".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAG PARAANANG MULI.Where stories live. Discover now