Chapter 1

2 0 0
                                    

Naya's POV

"Nayaaaaaaa!!!!"

Pupungas-pungas akong nagising sa malakas na sigaw ng ate ko, hays for sure iuutos na naman nya sakin ang mga trabahong iiwanan nila.

"Naya! Ano ba di ka pa babangon dyan!? Nagmamadali kami!"

Si ate Nayih ko yun, napaka maldita nya, spoiled brat pa! Ang hirap na nga ng buhay namin, ang galing pa mag waldas ng pera. Hindi na naawa kina mama't papa.

Lumabas na lang ako sa maliit at masikip kong kwarto at pumunta sa kanya. "Ano po ba yon?" Maang kunwareng ani ko.

"Ikaw na muna ang maiwan dito sa bahay, aalis kami at mamayang gabi pa ang balik namin. Siguraduhin mong mag-aasikaso ka dito Naya, kung hindi malilintikan ka kay mama" pshhh sabi ko na nga ba eh.

"Opo te, saan ho pala kayo pupunta?" Muling sinabi ko

"Wala ka na ron, tsk!" Huling sabi nya bago sya tumalikod at naglakad paalis papunta sa labas ng bahay kung na saan nag aabang ang mga magulang namin pati na din ang kambal n'yang si kuya Neo.

Oo may kambal sya, tatlo kaming magkakapatid ako ang bunso at masasabi kong sila dalawa ang paborito ng mga magulang namin.

Naglakad ako papunta sa bintana at sinilip kung paano sila mawala sa aking paningin. Hindi na bago sa akin ang ganto, palagi silang umaalis kapag may pera sina mama o di kaya'y nag inarte na naman si ate Nayih. Palagi nila akong hindi isinasama dahil dagdag gastos lang daw at walang maiiwan dito sa bahay para mag bantay at mag trabaho.

Hindi ko sila maintindihan pero hinahayaan ko na lang. Hindi ko namalayan na nagsisipag bagsakan na pala ang mga luha ko, agad-agad ko iyong pinunusan " ano ba Naya, huwag ka ngang iyak ng iyak dyan hindi bagay sayo!" Saway ko sa sarili ko.

Syempre para sa isang anak na tulad ko, hindi maiiwasang hindi masaktan sa mga bagay bagay katulad ng ganto.

Tigil na nga muna ang emote. Maglilinis pa pala ako.

.
.
.
.

Tanghali na ako natapos mag-asikaso dito sa bahay. Hays napaka hassle ano ba yan! Pano ba naman kasi labahin dito labahin doon, kalat dito kalat doon. Ang kakalat jusme!! Akala mo may mga katulong.

Gumawa na lang muna ako ng pananghalian ko dahil kanina pa ako gutom na gutom. Tinapos ko lang talaga yung mga gawain para makapag pahinga na ako ano.

Pritong itlog, nilagang talbos ng kamote at okra lang ang ulam ko dahil ayon lang naman ang meron kami dito. Hindi naman ako maarte sa ulam kaya ayos lang sakin kahit na ano.

Hindi ako ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig kaya wala akong karapatang mag inarte. Si ate Nayih lang ang may guts na umarte e.

Since tapos na din naman lahat ng gawain ko at nakakain na rin ako, so it's time para magpahinga naman ako. Nag set na muna ako ng alarm para magising ako bago dumating sina mama, mahirap na baka may isumbat nanaman sila sa akin.

Maya maya pa ay hindi ko na malayang nakatulog na pala ako.

__________________

Omyyyyyy mga vebz sana magustuhan nyo
Hindi pa ganon kaganda pero I'll try my best para maimprove to^^

-lostwitch

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Echivary's Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon