Madison's POV
Isang buwan na ako rito sa Olimbos University at sa loob ng dalawang linggong yun usap usapan ako dahil nga may kakaiba akong Ganda.tsk
Narito ako ngayon sa Gubat nasa likod ito ng school at mukhang Hindi ito pinupuntahan ng mga istudyante Kase restricted Area ito at Nakakatakot ang itsura ng Gubat nato.
Nasa sanga ako ng Puno nakaupo kakatapos ko lang kumain ng tanghalian.Dito na ako
Kumakain ng tanghalian Kase tahimik dito Hindi tulad sa cafeteria maingay tas nakakarindi pa na pinaguusapan nila ako kesyo mas maganda pa raw ako sa Anak ni Aphrodite tsk pinagkumpara ba naman ako sa pangit na anak ng deity na yun.!Habang nagpapahinga ako nakaramdam ako ng presensya sa likod ko kaya Bago niya ako sunggaban nagsalita na ako.
"Anong kailangan mo sakin?" Seryoso kong tanong at humarap sa kanya.
Bumungad saakin ang Kulay gintong ahas nagtaka ako bakit may ahas dito atsaka hindi siya galing sa Bundok ng Samara hindi siya tagarito.
"Sino ka at saan ka galing?" Seryoso kong tanong ulit
"Sss....sss...sss...sss...sss...sss...sss..sss." (Hindi mo rin naman ako maiintindihan kahit sumagot pa ako) May halong lungkot na sabi nito.Napakunot noo akong muli, isa siyang Batang ahas.
"Naiintindihan kita batang ahas kaya sagutin mo ako, Hindi ka Taga rito kaya sino ka at saan ka galing?" Tanong ko habang tinitignan siya ng seryoso mukhang nabuhayan ito ng marinig niya ang sinabi ko
"Sss...sss...sss...sss...ssss....sss...sss...sss" (Totoo ba yan?! Kung oo ako si Are William, Pitong taong gulang at galing ako sa ikalawang Mundo kung tawagin ay Miami world kung saan bilang lang ang mga taong may kakayang maglabas ng kapangyarihan at isa na ako duon!" Galak na sabi nito kaya napangiti ako.Nanggiging malambot ako pagdating sa mga ahas.
"Pero kung galing ka sa ikalawang Mundo paano ka napunta dito sa Rohana?"
"(May nangyayari po Kaseng kaguluhan sa aming Mundo, sumugod po Kase ang mga mangkukulam sa aming baryo dahil tinutugis po ng mga mangkukulam ang tulad po naming may kapangyarihan hindi ko po alam kung bakit .Hanggang sa May dumating pong isa pong di pamilyar na tao ang tumulong saaming Lima tulad ko po may kapangyarihan din po sila , dinala po kame nung taong yun sa forbidden forest at sinabi niya na hanapin po raw namin ang kakaibang Puno sa forbidden forest para raw po makatakas kame sa mga mangkukulam kaya po hinanap po namin nang magkasama ang punong sinasabi niya Hanggang sa nahanap po namin ang punong iyon mayroon pong bilog na iba't-ibang kulay sa gitna ng parte ng punong iyon kahit po nag aalinlangan po kameng pumasok duon pagpasok po ng mga kasama ko sa kakaibang bilog na iyon Bago po ako pumasok may bigla pong dumating na mangkukulam at nagbanggit po ng di pamilyar na salita at itinutok po saakin kaya nangging ganito po ang itsura ko tapos po paggising ko nandito na po ako" mahabang eksplanado nito saaking isipan siguro isa ito sa mga ability niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/306813243-288-k298453.jpg)
BINABASA MO ANG
Medusa's Daughter
FantastikAno kaya ang mangyayari kapag ang anak ni Medusa ay papasok sa paaralan ng mga kinasusuklaman niyang anak ng mga Diyos? Si Madison Ellis ay anak ni Medusa ang isinumpa ng Diyosang si Athena. Nang malaman ni Madison na may paaralan na pinapasukan ang...