00:00:20

2.9K 62 16
                                    

"Nakita mo yung lalakeng naka blue polo?" Sabi ng kapatid kong si Mika

"Bakit?"

"Ang gwapo niya! Waaaah!" Lagi naman eh, lahat ng gwapo nahuhuli niya.

Tinitigan ko lang siya at nung napansin niya iyon, bigla naman siya tumigil.

"Wala kasi akong crush kaya nagaapreciate lang ako ng kagwapuhan ng ibang lalake."

Pareho kami. Pero di ko masyado pinapakita na naapreciate ko yung kagwapuhan nila.

"Tara na nga, malelate pa tayo." Hinila niya na ako.

Papunta kami ngayon sa Children's Home. Bahay ampunan 'to.

Lagi akong pumupunta dito kapag may free time ako. Paminsan may idodonate o magbibista lang para makipaglaro sa mga bata.

Ngayon na lang ulit sumama si Mika saakin kaya excited siya.

"Ate Reyn!" Sigaw ni Yanny, 9 years old

"May kasama si ate Reyn!" Sabay lapit saakin ni Traisse

"Hello!" Sabay kaway ni Mika sa mga bata. "Ako nga pala si Ate Nica, kapatid ako ni Reyn."

"Hi po ate Mika!"

Pumasok na sila sa loob habang ako nasa may playground.

After how many years, pumupunta parin ako dito.

My mother was once an orphan here. Kaya lagi kami pumupunta dito simula nung bata pa ako.

Ampon lang rin Mika. Pero itinuturing ko na rin siyang tunay na kapatid. She's with us for almost 10 years.

Nasa states ako with dad for ilang years.

Ngayon lang rin kami free since busy ako sa work at busy siya sa school. Kaya we are having a bonding now.

Kami dapat yun dalawa kaya lang ayaw niya. Ang arte eh.

"Ate Reyn!"

Napangiti ako sa narinig kong boses.

"Axice!"

Lumapit siya saakin at umupo sa katabing swing na inuupuan ko.

"Ilang years nang nakalipas ate. Kumusta na?"

"Oo nga. Ilang years na ang nakalipas. Ang tangkad mo na Ice! Tama pala ako na gwapo ka talaga paglaki mo. Parang dati isa ka pang 10 year-old boy na nakikipaglaro sa mga kaibigan mo." Ngumiti ako

"Ate naman. Hahahaha"

"Ikaw parin pala ang Ice na kilala ko.

"Ate!"

Pareho kaming napatingin ni Ice kay Mika

"A-axice! Hi!"

Awkward atmosphere here. Ang alam ko kasi. May gusto sila sa isa't isa dati. At may pakiramdam akong meron parin hanggang ngayon.

Di ko nga alam kung bakit hindi nila inaamin sa isa't isa.

Sabay kaming umalis sa bahay ampunan at naglakad papuntang school. Malapit lang naman eh.

"Sige ate, una na po ako. May kailangan pang gawin eh" Kumaway si Ice at pumunta sa building nila.

"Tara! Biumili tayo ng ice crea--- ayy lollipop nalang pala."

Lumabas ulit kami ng school para samahan si Mika bumili.

"Ate Reyn, manliligaw mo oh." Ngumuso naman si Mika sa likod ko.

"Mika, binusted ko na yan eh."

"Aba malay ko ba, ate."

Lumingon ako kay Wraze.

00:00:20 [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon