Chapter 7

554 5 2
                                    

Sab's P O V

"ano nang-yari sayo, Boss? Parang nakakita ka ng multo. Wala ka ng dugo na na titira sa mukha mo oh"

"oy.."

Kiefer cupped my face so I could face him cause i was looking straight. Tinitignan ni Kiefer ang mukha ko tapos tinignan niya ako sa mga mata.

Ang ganda ng mga mata niya. I could stare at his eyes all day.

Lumapit sakin si Kiefer then he let my head lean on his shoulder tapos bumulong siya sakin

"okay ka lang?"

Di na ako nakasagot.

Biglang namuo ang mga luha sa mga mata ko. Iilang seconds nalang at feeling ko babagsak na to.

Bakit ko pa nakita si Fort? Bat ko pa siyang namimiss? Bakit ang lakas talaga ng tama niya sakin? Ayoko na siyang maalala. Ang sakit kasi. Sobrang sakit.

Kiefer rubbed my left arm.

"Kumain na tayo and we'll make this day memorable." sabi sakin ni Kiefer at ngumiti siya. Nag wink siya after.

Haha para siyang gago. Nagwink na nakabukas ang baba niya. Loko. But i'm glad he made it a lot easier to make me feel relief. But I was relief to know that he is with me. Kiefer is with me. Feeling ko ngayon, ang problem free ko.

"pwede muna kitang picturan? Pang twitter lang" tanong ni Kiefer sakin habang nakangiti ng malaki.

Tumango ako at pinicturan ako ni Kief. May feeling ako na dinala ya ang mga pagkain na inorder namin -______-

Agad sumabog ang notifications o interactions namin ni Kief at tumawa lang kami. Actually ako, sanay na rin. Bestfriend ko kaya si Jeron.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang interactions sa twitter ko. Pag bukas ko ng twitter, nakita ko ang tweet sakin ni Kiefer

--

@kieferravena: baboy kasama ko! :@) @sablacson twitpic/89Zc6

--

Pagkakita ko, agad kong hinapas si Kiefer.

"aray! Ano bang problema mo?!" tanong ni Kiefer habang may kahalung tawa at inis sa boses niya. Pero alam ko di niya kaya mainis sakin. Joke. Feeler ko, shet.

"ano to caption mo? Sama mo!" nagbiro ako na nalungkot ako.

"joke lang, kung noon palang nalaman ko na Panda mo pala ako, eh di sana noon pa ako nag papayakap sayo" sabi ni Kiefer

Wnat the heck. Pano niya nalaman na... I can feel na namumula ang ang mga pisngi ko. Shet i'm blushing all because of Kiefer, and in front of Kiefer. Huhu

"ha? Pano mo-" hindi pa ako nakatapos sa pagsasalita ko ng biglang ako ni Kiefer ininterrupt.

"kasi tinatawagan ko phone mo. Di ka sumasagot. Tapos may nag vibrate sa pocket ko. Kinuha ko, phone mo pala. Nakalimutan ko na nasa akin pala. Pero nakalimutan ko na ikaw pala tinatawagan ko kaya naman, nadisappoint ako sarili ko. Kasi di ka sumasagot and the fact na hawak hawak ko phone mo, pero tawag parin ako ng tawag. Nakakabobo lang. Tapos i stopped calling you, then nag stop rin ang vibrate. Then nagtaka ako, tinawagan ko ulit phone mo, nag vibrate. So, dun ko nalaman na, ako si Panda." ang ngiti ni Kiefer hangang tenga oh. Tapos yun ngiti ngiti lang.

"nag tampo din ako noh! Kahit nung huli ko nalaman na ako si Panda, nag tampo ako kasi di ko kilala si "My Panda"." pagpatuloy niya

Tumawa si Kiefer. Oh shit, palpak kananaman, Sab. Kahit kelan eh mahuhuli at mahuhuli ka pa rin.

Taking RisksWhere stories live. Discover now