"Oh? Anong iniiyak iyak mo dyan?" sabi ni Trisha na umupo sa kaharap na upuan ng kanyang kaibigan na si Ellen.
Tumawag ito sa kanya at naki kipag kita sa kanya dahil broken hearted daw ito. Aba, ewan nga ba ni Trisha kung bakit sa dinami-dami ng lalaking madadampot ng kaibigan niya ee 'yong isa pa sa mga anak ng MonteCarlo.
Kilala ang MonteCarlo sa pagiging mayaman ng mga ito sa kanilang lugar dito sa San Antonio. Maraming pag-aari ang mga ito. Halos lahat na nga yata ng Mall, grocery at apartment ay pag-aari ng pamilya nila. Hindi na nga magtataka pa si Trisha kung bakit halos lahat ng mga babae sa kanilang lugar ay lumuluhod mapakasalan lang ang isa sa mga lalaki ng MonteCarlo.
Well, masasabi niyang mga gwapo nga ang mga ito at malalakas ang dating sa mga babae. Sino ba naman ang hindi magkakandarapa sa mga ito kung nasa kanila na ang lahat. Looks, sexiness, and wealth.
Pero syempre may isang babae ang hindi talaga tinatamaan ng charms ng mga MonteCarlo at iyon ay si Trisha Capili. Ayaw niya sa mga lalaking iyon. Everytime na nakikita niya ang mukha ng isa sa mga lalaking MonteCarlo ay kumukulong talaga ang dugo niya. Mayayabang at mga babaero pa!
Suminghot muna si Ellen bago magsalita. "Beshyy!! Huhu," pumalahaw muli ng iyak ang kaibigan niya. Naiiritang umirap si Trisha. Sa totoo lang ee, gusto niya talagang isungal-ngal sa kaibigan ang inorder nitong cake na nasa harapan nito ng matigil ito sa kangangawa.
Nakakahiya! Nasa public place pa man din sila ay ayaw niya ng attention ng kahit sino. Nasa Mon Caffee kasi sila, lahat ng table ay may naka upo kaya naman na patingin ang ilan sa mga customer ng nasabing caffee.
"Tumigil ka na nga dyan Ellen! Ipapaalala ko lang sayo ha, nasa public place tayo! At saka isa pa, bakit dito ka pa nakipag kita sa akin? 'Wag mong sabihin sa akin na inaantay mong dumating ang magaling mong chupappy at ipakita ang worst ugly crying face mo sa kanya." masamang tingin ang binato niya sa kanyang kaibigan at inabutan ito ng tissue na kinuha niya sa table nila na ngayon ay nasinghot na lang ng sipon.
"Kaibigan ba talaga kita? Ang sakit mo magsalita ah! Palibhasa 'di mo pa nararanasan ang totoong umibig. Bitter ka kasi," sabi pa nito at buong sinubo ang may kalakihan pang cake dahilan para mabulunan ito.
Agad namang inabot ni Trisha dito ang water na inorder niya kanina. Hindi talaga kasi siya nainom ng kape dahil nga allergic siya dito.
"Saan ang totoong pag-ibig dyan, ha, Elly?" sabi niya at hinagod niya ng kamay ang kabuoan ni Ellen. "Kung nakikita mo lang ang hitsura mo ngayon, you looked shit. Hindi na 'yan pag-ibig, pagpapakatanga na 'yan gurl," pigil ang inis na humalukipkip si Trisha sa kinauupuan niya.
"Kasama sa pag-ibig ang masaktan no," dahilan ni Ellen sa kanya.
Hindi na lang nagsalita pa si Trisha. Ayaw niya ng humaba pa ang ang pakikipagtalo niya sa kaibigan dahil paniguradong hindi matatapos ang usapan nila dahil pareho silang may dahilan at pinaglalaban.
Nagpaalam muna si Trisha sa kaibigan niyang si Ellen bago tumungo sa comfort room ng Mon Caffee kung nasaan sila. Hindi nga kayo nagkakamali isa ito sa mga store na pag-aari ng MonteCarlo kaya hindi na siya nagtaka kung bakit dito ginusto ng kaibigan niyang magmeet sila. Well, dito lang naman na tambay ang mga kalalakihan ng MonteCarlo.
Hindi pa man siya tuluyang nakakarating sa comfort room ay biglang may bumangga sa kanya na babae. Nang makarecover si Trisha ay tumingala siya upang tingnan 'yong naka bangga sa kanya. Maganda ito at pang modelo ang katawan. Halata sa mga suot nito na galing ito sa mayamang pamilya.
Well, wala siyang pake. Sino ba naman kasing tanga ang magmamake up habang naglalakad sa gitna ng crowded na Caffee na ito. At hindi siya tatabi para lang sa babae. Hindi siya mag-aadjust para dito kahit kita naman niya na babangga ito sa kanya.
Hindi niya na lamang ito pinansin at nilagpasan ang babae. Hindi pa man siya naka kadalawang hakbang ng may humila sa braso niya paharap.
Iritadong tumingin sa kanya ang naka banggaan niyang babae. "Look what you've done to my eye brows!" she exclaimed ng makita nito sa salamin kung paano lumagpas ang eyebrows na inuukit nito kanina habang naglalakad. "And what, lalagpasan mo lang ako without saying sorry?! Hoy babae! Di mo ba alam kung gaano ko pinaghirapan gawin 'to! Mas mahalaga pa 'to kesa sa buhay mo!" she shouted while pointing her finger to Trisha.
Agad na nakuha nila ang attention ng ibang mga tao lalo na ang mga galing at palabas ng cr. 'Yong iba huminto at pinagtitinginan silang dalawa.
Sinusubukan ni Trisha na pakalmahin ang sarili. Unti-unti na kasing nauubos ang pasensya na tinira niya mula pa kanina kay Ellen. Gusto lang naman niya magrelax ngayong araw pero mukha yatang hindi ibibigau ng panahon iyon sa kanya.
"Stop pointing your finger to me." matigas na sabi ni Ttisha at humakbang palapit sa babae. "Hindi ko na kasalanan kung masyado kang tanga para mgamake-up sa daan habang naglalakad kaya wala kang karapatan para duruin ako."
"Wh-what?! Ako? Tanga?! Para sabihin ko sayo tapos ako ng collage with honor at isang CEO ng kilalang Company. Baka di mo kilala kung sino ang binabangga mo!" sabi nito sa malakas na boses. "Say sorry," sabi ng babae at tinulak ang balikat ni Trisha. "Beg me to forgive you then I let you leave quietly,"
"Don't worry, wala akong balak na kilalanin ka at mas lalong wala akong balak na humingi ng sorry sayo. Ikaw nga ang dapat humingi ng sorry sa akin dahil in the first place ikaw ang nang bangga sa akin AND you fucking wasted my precious time. At para sabihin ko sayo hindi gawain ng may pinag-aralan ang magmake-up sa daan."
Rinig na rinig ni Trisha ang mga bulungan sa paligid ng sagutin niya ang babae. 'Yong iba kumukuha ng pic and video 'yong iba naman ay naka tingin lang.
Wala naman talaga siyang balak na makipagtalo dito kung hindi lang siya nito hinila at dinuro.
"You bitch!"
Sasampalin sana siya nito.
Sasalagin sana iyon ni Trisha pero masyadong mabilis ang lahat.
Dahil may sumalo noon para sa kanya.
Gulat na napatingin si Trisha sa gumawa noon.
Naka side view ang binata. Kitang kita niya ang perfect pointed nose nito, a deep grey eyes na may malalagong pilik mata sa paligid nito, a kissable red lips na gugustuhin ng lahat ng babae na mahalilkan, a smooth milky skin at bumagay pa ang naka ayos nitong buhok dito, and his vien all over his hands up to his arms.
His a god of lust and hotness. Ayan na lamang ang tanging na sabi ni Trisha lalo na ng magtama ang mga mata nila ng binata.
Enjoy :) :*
BINABASA MO ANG
The house of MonteCarlo
RomanceR18 Basahin niyo na lang para malaman niyo haha. Peace yow :*