Laura's POV
"The President of the Republic of the Philippines is attending the annual charity party of the Go and Co group of companies.."
"Kasama ang first family, dumalo sa charity party ang Presidente Ferdinand Bongbong Marcos, ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan din ng ilang mga negosyante mula sa iba't ibang panig ng ating bansa..."
"Dumalo kasama ni Presidente Bongbong Marcos ang kanyang pamilya, muli namang inaabangan ng publiko ang pagbabalik ng bansa ng pangalawang anak ng pangulo na si Simon Marcos..."
kanya kanyang balita ang naririnig ko mula palang sa labas ng hotel, maraming midya ang naka abang dahil ito ang unang party na dadaluhan ni BBM I mean ni President Marcos, naalala ko pa kasama pa ako noon sa caravan ngayon presidente na sya
"Ms. Salvador dala mo ba yung pinapadala ko sayo?" sinalubong ako ni Mrs. Thea ang EA ng boss ko
"yes maam, nasa backstage na po" medyo kumunot yung noo nya
"hindi ba yun mawawala? I mean, baka masira or kumuha, we never know--"
"hindi po maam, nandun yung..." naalangan akong magsabi na may kasama akong yaya at security guard na padala ng mama ko, matanda na ako pero may yaya padin
"aaah, I understand" ngumiti si Mrs.Thea, alam naman nya yun eh kahit yung boss ko. Lumingon sya sa likod ko at alam kong nakita nya security na nakasunod lagi sakin, nakakahiya, ako lang may security akala mo naman VIP. Magkaroon ba naman ako ng nanay na praning, kapag umapak ako dito sa maynila akala nya laging may mangyayaring masama
"sige na, I will see you later, good luck Ms. Salvador" tinapik nya ako sa balikat bago sya umalis dito sa lounge ngumiti na lang ako Napa buntong hininga ako, bigla akong kinabahan, ang daming tao panu kung mapahiya ako?
(Laura's Dress on the multi media)
Naglakad na ako papuntang grand ballroom ng okada, hindi naman bago sakin to pero napapa wow parin ako, madaming matatalinong tao dito kilalang mga negosyante.
"Laura!" narinig kong may tumawag sakin pag lingon ko yung organizer ng event which is kaibigan ng kaibigan ko, nakaka kilala ako ng mga bagong tao dahil sa mga kaibigan ko pero kung wala sila wala din siguro akong ibang kakilala
"Hi liz!" bati ko pabalik at ngumiti sa kanya
"buti nakita kita, mamaya pagkatapos ng event dito punta ka sa kabilang hall may after party kasi duon and yung organizer sinabihan ako na kung pwede kumuha ng dj kasi nagka problema sila taranta na nga eh wala man lang silang back up ang sabi ko naman no problem! dadalo ang kakilala ko magaling sya kaya ikaw ang mag d dj mamaya"
sunod sunod nyang sabi akala mo nag rarap kaya napatango ako pero hindi ko gets yung huli
"ano? ako?"
"oo ikaw! diba ikaw din dj dun sa party ni Pat! ang galing mo ah"
"ano kasi.."
"oo sige! see you there, tawagan kita! bye!"
nagmamadali syang umalis at may mga kinausap na staff napa buntong hininga ulit ako, ang sabi ko pa naman kay mama babyahe ako pauwi before 10 mukhang aabutin pa ako ng madaling araw, napa kagat labi ako, I feel anxious nanaman mahirap pa naman magkaroon ng striktong magulang Dumiretso ako sa likod ng stage sinalubong naman ako ni Ate Rina ang yaya na pinadala ni mama
"bhe tawag ka na duon" nakita ko ang concern ni Ate sa mga mata nya, hindi ako nag kukwento ng personal kong nararamdaman pero pakiramdam ko nararamdaman ni Ate Rina bawat emosyon ko
YOU ARE READING
Please, I love you
RomanceFor someone who doesn't fall in love, will he found love? for someone who wish and dream to love by him, will she found love in return? she said to me "please, I love you" the most heartbreaking sight is seeing her kneeling and begging for love. He...