Chapter 18 Festival

5 0 0
                                    

ilang gabi na siyang nahihirapang matulog at laging nasa isip na mawawala ang kanyang ina. Iyon ang hindi niya kayang mangyari.

tumawag ito kahit gabing gabi na para lang marinig ang boses ng ina.

"May problema ba anak?"

"Wala naman mommy, namimiss ko lang boses mo"

"I miss you, baby. I'll go home right after what I'm doing here, okay. I love you. It's late at night, so you might still be awake. I'll just call you okay... Good night, love you much"

nagpunta ito sa stock room. Nakita niya ang mga instrument ng daddy niya. Naalala niya bigla yung mga lalaking noong isang araw

pagdating sa school ay agad niyang hinanap ang mga ito.

tuwang tuwa sila sa ibinalita ni Carmen.

Nang hapon ding iyon ay sumabay sila sa kanya sa pag uwi.

Ipinakita niya ang mga instruments na ngayon ay nasa rooftop. malinis at naka set up na.

malapad ang mga ngiti ng mga ito ng lumapit at nag umpisa silang tumugtog.

bakas sa mga ngiti nila ang lubos na kagalakan.

"You can borrow these" aniya

"lahat to?" hindi makapaniwala sa sinabi ni Carmen

masayang tumango si Carmen sa kanila.

"Hulog ka ng langit sa amin Ms.Carmen" sabay sambit nilang lima

"Carmen na lang, hindi ako sanay sa address na MS."

"Alam mo bang tugtugin ang mga ito?"

"oo, noong nabubuhay pa si daddy, ako ang drummer niya"

"woooah so drummer ka?'

"Oo pero kapag nagtutugtog langn kami ni dad"

"Bakit hindi ka sumali sa banda namin" alok noong isa

"Oo nga, mas maganda kung kasali ka. may drummer kaming babae astig kaya nun"

"Tama tama, ang cool nun, sa banda lang namin may drummer na babae"

"Sa tingin nyo makakatulong ako?'

"Oo naman tyaka ito pa lang pagpapahiram mo sa amin malaking tulong na, yun pang kasama ka sa band. 101% ang tulong mo"

"Why not" may sumabat

paglingon niya.

nakangiting si Luz ang bumungad sa kanya.

mabilis itong lumapit at yumakap.

"Mom mga school mates ko, sasali sila sa festival at wala sila gagamiting instruments kaya naisip ko ipahiram mga instruments ni dad, okay lang ba?'

"Sure, no problem. Matutuwa ang daddy mo for sure kasi makakatulong ka"

"Thanks mom"

"Alam mo gusto yung idea na sumali ka sa banda."

"It's okay with you?"

tumango si Luz

tuwing hapon ay nagpapractice sila.

lihim na pinapanood siya ni Ruper. ayaw niyang malaman ni Carmen baka mahiya ito at baka siya pa ang maging dahilan para hindi na niya ituloy.

napapangiti ang mga katulong tuwing nakikita nila si Ruper na pinanonood si Carmen.

busy ito sa practice kaya hindi niya namamalayan na wala si Luz sa bahay ilang araw na.

"I knew it. Why now, when everything is getting better? Give me more strength and a little more time," she sobbed.

Walang magawa ang pag iyak ni Luz sa mga nalaman sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Nagpasya siyang hindi ito ipaalam kay Carmen lalo pa at may mga kaibigan na ito ang masaya na siya.

Mananatiling sekreto ang kanyang sakit.

Tuloy lang sa practice sina Carmen habang nasa ospital si Luz.

Nalalapit na ang araw ng kompetisyon. Naka handa na sina Carmen.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sunburn GirlWhere stories live. Discover now