So here it goes. My first short story. Hindi ko alam kung kailan ko iaupload yung mga susunod pa. Pagtyagaan na muna ang kadramahan ko. XD
_____________________________________________________________________________
Dear Diary,
It's been 3 years mula nung huling beses akong nagsulat sa mga pahina mo. Kamusta ka na? Namiss mo ba ako? Ako kasi, oo, namiss kita. Namiss ko din itong kwarto ko, yung mga damit ko at sapatos, ang kama at mga unan ko. Namiss ko din ang garden, ang pool, ang tv, radyo at cellphone. Namiss ko ding maglakad, tumakbo, kumandirit at tumalon. Namiss ko ang sarili ko. Namiss kong mabuhay.
Alam ko naguguluhan ka sa sinasabi ko. Bigla naman kasi akong nawala di ba? Bigla akong hindi nagpakita. Bigla akong hindi nabuhay. Oo, tama ka ng basa. Biglaang hindi ako nabuhay. Namatay ako? Oo, para sa akin. Hindi, para sa mga doktor. Tulog lang daw ako nun. Pero para sa akin, namatay na ako nun at patuloy akong magiging patay kahit pa mulat na mulat ako ngayon. Pasensya ka na dahil sa ganito ang iniisip ko. Hindi mo din naman siguro ako masisisi dahil kung titignan mong mabuti, wala naman ng natira pa sa "buhay" ko na ito para isabuhay ko.
One year ago nung magising ako sa ospital. Ang unang taong hinanap ko ay Mama ko na kasama ko sa aksidenteng nagpatulog sa akin ng matagal at ang unang balita na bumutas sa aking puso ay ang balitang wala na siya sa kadahilanang sa aming dalawa, ako ang napili ng roleta ng kapalaran na buhayin at pagdusahin.
Makalipas ang ilang linggo mula ng magising ako, dinalaw ako ng aking ama habang nagtetherapy ako sa paglalakad. Malungkot siyang dumating kasama ang isang babae na may akay na magdadalawang taong gulang na bata. Hindi pa man sila nagpapakilala, alam ko na kung sino sila. Hindi naman na ako nagtataka na magkasama sila. Bago pa man namin ni Mama harapin ang aksidenteng parehong pumatay sa amin, sila ang huling taong nakita at nakausap namin. Yung gabi na naaksidente kami ay ang gabi na nalaman namin na may kabit ang Papa at buntis ang babaeng yun. Ang malala pa nun, pinili ni Papa ang kabit niya dahil MAS MAHAL niya daw ito. Masakit yun, mas masakit pa sa sakit ng mga sugat na dulot ng isang aksidenteng papatay sayo. At wala na atang mas sasakit pa na magising ka sa isang buhay na wala na ang iyong pinakamamahal na ina at pinagtaksilan ka ng sariling mong ama.
Napipilitan man, pero inialok sa akin ng ama ko na tumira sa bagong bahay niya kasama ang bago niyang asawa at bagong anak. Magbagong buhay daw kami at kalimutan na ang lumipas na. Kung siya kaya niyang gawin yun, ako hindi. Kaya hindi ko iyon tinanggap at sinabi sa kanya na; "Wag mong pilitin na isama ako sa bagong buhay na ginawa mo dahil kahit anong bagong damit at sapatos pa ang ibihis mo sa akin, hindi mo maiaalis ang katotohanang ako ay parte ng nakaraang pilit mong binubura. Wag mo ding pilitin pang maging mabuting ama sa akin, hindi ko kailangan, dahil simula ng talikuran mo kami, kinalimutan ko ng may ama pa pala ako. Para sa akin, nauna ka pang namatay kay Mama."
Mula noon, hindi ko na siya nakita. Natapos ang mga therapy ko at napayagan na akong lumabas ng ospital. Ngayon, andito na ulit ako sa bahay. Walang nagbago sa mga gamit mula ng umalis kami ng gabing iyon. Nasa sofa pa rin ang jacket na naiwan ko nung nagmamadali kaming umalis. Nasa mesa pa din ang hindi naisuot na hikaw ni Mama. At ikaw, andito pa din sa ibabaw ng study table ko. Andito parin lahat kahit na punong puno ng mga alikabok.
Lumipas pa ang maraming mga araw na ako lang mag isa. Pinilit kong buhayin ang patay kong buhay. Nag aral akong muli upang ituloy ang naputol kong pag aaral. Nag hire din ako ng katulong upang may makasama ako sa bahay. Kinontak ko din ang dating mga kakilala at kaibigan, nagbabakasakali na samahan nila ako sa buhay na tinatahak ko ngayon mag isa. Lahat naman sila, pilit na tumugon sa akin. Pilit dahil alam kong awang awa lang sila sa akin at hindi nila matanggihan na makipagkaibigan sa akin muli sa takot na tapusin ko na kagad ang pangalawang buhay ko. Narinig ko ito mula mismo sa kanila. Ganun pa man, masaya na ako nun kahit pa para akong nanlilimos sa kanila sa ginagawa ko. Nanlilimos ng kalinga. Nanlilimos ng saya.
Sa totoo lang, dalawang tao lang naman ang hinahangad kong makita muli, ang bestfriend ko at ang kasintahan ko. Sila ang alam at sigurado kong sasamahan ako. Hinding hindi nila ako iiwan, yun ang pangako nila. Pero maraming buwan na ang lumipas ngunit hindi nila pa din ako pinupuntahan. Hinanap ko sila ngunit hindi ko makita. Napapagod na akong maghintay at maghanap, napapagod na akong mag isa. Napapagod na ako ngunit nagpapatuloy pa din ako, sa paniniwalang andyan lang sila, hinihintay na makitang buhay at gising ako. Hanggang isang araw, nabasa ko sa dyaryo ang balitang sumira sa pilit kong pagbuhay sa buhay ko. There was a plane crash. At kasama sa mga namatay ang bestfriend at kasintahan ko.
Naramdaman kong tuluyang nagunaw ang mundo ko. I cried hard. No. I cried harder than the hardest. Wala na sila. Wala na lahat sila. Bakit hindi pa nila ako isinama?
Pagtapos kong umiyak ng ilang araw, tumawag ako sa media upang tanungin kung saan binuburol ang dalawang taong AKALA ko ay natitra pa sa akin. Pinuntahan ko yun kagad at nakita ang isang mag iisa't kalahating taon na batang babae na umiiyak ng mag isa sa sulok ng burol na yun habang ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay nagsusugal at nagkkwentuhan na tila ba walang pakialam. Lumapit ako at narinig siyang umiiyak habang sinasabi ang mga katagang "Papa" at "Mama". For a moment, I froze there, then umalis ako bigla at hindi na bumalik hanggang sa mailibing sila.
Sa lahat ng yan, masisisi mo ba ako na ganito ang nararamdaman ko? Masisi mo ba ako kung isipin ko na sana pinatay na lang talaga ako dahil sa ganitong buhay naman ang ibinigay sa akin? Pakiusap, wag mo akong sisihin dahil hindi ko ito ginusto at kung may pagkakataon man akong piliin ang buhay na muling ipagkakaloob sa akin, hinding hindi ko ito pipiliin. Pero wala na akong magagawa di ba? Ibinigay na ito sa akin sa dahilang hindi ko alam at kasalanan kung tatapusin ko ito ng basta basta. Masakit at mahirap ang nararamdaman ko, pero hindi ako susuko. Hindi ako susuko para hindi siya sumuko. Ayoko man aminin, siya na lang ang itinira sa akin at ayokong mawala siya. Siya na lang ang natitirang alaala ng lahat sa akin. Kaya handa na ako, aampunin ko siya. Gagawin ko lahat para mabuhay siya sa paraang hindi ibinigay sa akin. Sa kanya ko bubuhayin ang namatay na ako. Siya ang liwanag na hinding hindi ko hahayaang mamatay. Siya si Aether Elpis, ang bago kong buhay.
Nagpapakatatag,
Elpis Aether Zamora