0

2 1 0
                                    

"Bagalan mo pa huh? May ibabagal pa ba ito?" walang ganang usal ko at tamad na tumingin sa labas.


"Sorry, traffic"


Hindi na lang ako sumagot, sumandal ako sa headrest ng upuan sa kotseng sinasakyan ko at pumikit.


Mukhang matinding sermon ang aabutin ko nito mamaya pag dating ko.


"Alam ko ang iniisip mo, Zan. Please don't get me wrong but this is not your fault, okay?" pampalubag loob nito na hindi ko naman pinansin.


Alam niya kung bakit ako nagkakaganito, hindi lang dahil sa ma le-late ako, mahalaga din sa akin iyon kaya ako ganito.


Mapabuntong hininga na lang ako. Bakit kase traffic ngayon? Ngayon pa talaga?


"Sana sa motor na lang tayo para hindi ganito, ipit."


"Mag mo-momotor ng ganiyan ang suot mo?" alam kong sinulyapan niya ako at pinasadahan ng tingin.


"Pwede naman doon ko na lang kase 'to sinuot" puno ng sakrasmong usal ko, hindi nagpapatalo. Narinig ko ang palatak nito, hindi sang-ayon.


Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin kabaligtaran sa labas na kaliwa't kanan ang businahan ng mga sasakyan dahil sa hindi makausad.


Pasado alas dies na ng makapag park kami kaya napapangiwi na ako ng lumabas ako sa sasakyan, pinagmasdan ang simbahan na pinagdatausahan ng kasal.


Tumunog ang cellphone ko kaya nagkatinginan kami ni Drekzy, naiisip na kung sino ang tumatawag. Kinuha ko ang cellphone sa purse ko, I shook my head after knowing who is it.


Crazelline Calling


I tsked then answer the call.


"Hello"


"Na'san ka na? Kanina pa nagsimula" bulong nito, naririnig ko na patapos na ang seremonyas kaya napabuntong hininga na lang ako.


Late nga talaga kami.


"Sorry, kadarating lang namin, nasa parking lot na kami. Traffic eh" usal ko, narinig ko ang bunting hininga nito.


"Just go in the reception, doon mo na lang kami hintayin. Patapos na 'to" 


"Ano pa nga ba? See you" pagtatapos ko saka pinatay ang tawag. "We're heading where the reception are going after this, we can't make it here" sabi ko na lang at binuksan ang shutgun seat.


"Bago tayo magsimula, may request ang ating napaka gandang bride, please Miss Kelly Zandra Sancuez" usal ng emcee bago sumenyas sa akin na lumapit sa kaniya.



Kunot noo akong napatingin sa unahan ko kung nasaan ang bagong kasal, naabutan kong nakatingin sa akin si Janne sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit parang wala iyong epekto sa kaniya dahil senenyasan niya din ako na umakyat na kaya wala akong nagawa kung hindi umalis sa upuan ko at pumanhik sa entablado.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After the GameWhere stories live. Discover now