CHAPTER 2

7 3 0
                                    

IF I have known na aalis lang ang babaeng iyon pagkatapos kong tulungan nang gabing iyon,sa kabila ng paghalik nito sa akin nang walang paalam sana hinayaan ko nalang sa kalsada,but I admit,I like her awra.Sa lahat ng babaeng nakameet ko,she's one of a kind,unexpectedly she run away. I don't know where to find her. Hindi ako makatulog kakaisip,nakahiga lang ako. Magkikita pa kaya kami?.

"GOODMORNING SIR"Bungad sa akin ng hardenero. Nagpunta ako sa harden para magpahangin habang umiinom ng kape.
"Ang aga mo naman"ani ko sa kanya.

"Maaga po akong natulog kagabi,kayo halatang puyat ang laki ng eyebugs niyo sir"napangiti ako sa nasambit nito.

"Work"tipid kong tugon rito.
"Pero hindi naman kayo ganyan magka eyebugs,kadalasan natutulog kayo ng 9 at gumigising ng 3:00 para ituloy ang trabaho niyo" kilala na niya ako,at totoo ang mga nasabi niya.
"Babae siguro yan"nakangisi ito.
"How can I let go of that woman,she took one thing from me without my permission"
"A-ah,ano naman yun sir"
"Hmmm,maybe i'll tell you later,it's too soon"tumango nalang ito bilang tugon.

Higit pa sa kaibigan ang turing ni Jeimson sa kanyang hardenero na si Sandro. Nagkukulitan ang mga ito at madalas nagsasabihan ng mga nararamdaman. Si Sandro ay isang ulila,nagtratrabaho siya bilang hardenero ni Sandro at tagaluto rin. Hindi na sa paglilinis dahil maayos at organisado naman ang kanyang amo kaya't siya ang namamahala sa paglilinis sa kanyang sariling bahay.





NASA cafeteria ako para magmeryenda kasama ang mga workmates ko,pero hindi talaga maalis sa isip ko ang nasabi ni Serra. Bumuntong-hininga ako,paanong hindi ko maalala ang gabing iyon. Napatutop ako sa aking noo dahilan para mapansin ako ng mga katrabaho ko.

"Uyy Oliv,okay kalang,kanina kapa wala sa huwisyo mo ah"si Angelica.
"A-ah,magmeryenda ka nalang,wala to,hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi"nginitian ko siya para kumbinsihin.
"Mauuna na ako,may lilinisin pa ako sa room 03,kita nalang tayo mamaya,bye"tumayo na ako at iniwan silang nagtataka. Alam kong naninibago sila sa akin,pero anong magagawa ko pati nga ako hindi mapakali sa mga kinikilos ko. That night bothers me this whole day. I'll find the truth soon,at kung sino ang lalaking iyon para makahingi man lang ako ng tawad sa kanya."Ah-a, anong ginawa mo Olivia,nakakahiya ka"para akong batang nagdadabog sa Cr.

DITO yung address na pinanggalingan ko nung sabado.Nagdesisyon akong magtungo rito para malaman ang buong katotohanan. What if wala siya at nasa trabaho pa. Nasa harapan ako ng isang malaking bahay,kinakabahan at medio nanginginig na. What if umatras nalang ako hindi,dapat kong gawin toh,kasi nandito na ako.Napalunok nalang ako.
Pumikit ako at napabuntong-hininga.
Tumingin ako sa oras mula sa phone ko,it's already 7:47 in the evening.

A-ah,may ilaw sa likod,baka kotse yun. Tama ang hinala ko,napatingin ako sa harap ng kotse,A-ah,hindi sapat ang street light para maaninag ko kung sino ang nagmamaneho.
Itinigil nito ang kotse dahil nakita niya atah ako.Inayos ko lang ang pagkakatayo ko at napakagat labi. Lubos ang hiyang nararamdaman ko pero dapat ay hindi niya iyon mahalata.Mukhang siya ang lalaking hinahanap ko.

I CAN'T believe wht i'm seeing right now,she's the womn iv'e been looking for. Nkatayo ito sa harap ng gate ko,at nakatitig sa akin. Nagkagat labi siya,unti-unti akng lumapit rito.

"Ah-a, ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito?" halatang kinakabahan ito sa pagtatanong.

"Hindi,driver lng ako,ang boss ko siyempre ang may-ari ng bahay na ito"hindi ko sinabi ang totoo. Hindi ko naman siya balak lokohin pero hindi pwedeng sabihin ko agad kung sino talaga ako.Nasisiyahan lamang ako dahil nakita ko na naman siya sa wakas.

"Asan ang boss mo bakit hindi mo kasama"derikta itong magsalita,ibang-iba sa babaeng nakita ko nang gabing iyon,kaawa-awa at umiiyak pa.

"Wala siya ngayon,bumalik ka bukas ng alas dose,nandito siya"lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya. Maayos siyang tingnan kumapara nung gabing lasing siya. I wonder why she's crying that night. I can say na parang batang binully at gustong magsumbong sa magulang.
"Pero,may-"
"Kung gusto mo siyang makita,bumalik ka rito sa eksaktong oras,busy siyang tao"putol ko sasasabihin niya.I just want to see her again,if I need to play this game,i'll take the chance to do everything just to see her.

Because I Love YouWhere stories live. Discover now